The lost magical princess
Written by yourdestinedgirlChapter 14
Samantha's POV
"Hindi pa ba siya magigising, Lily?"
"Magigising na rin yan! Wag ka ngang maingay, lalake!"
"'E nag aalala ako. Ano ba kasing nangyari sakanya? Kamusta na ba lagay niya?"
"Makarinig pa ako ng ingay mula sa'yo ay itatapon kita sa ilog. Malay ko ba, hindi n'ya naman ako kasama ng mawalan siya ng malay kaya wag mo kong tinatanong!"
Tinig ng dalawang tao ang agad kong narinig nang mag kamalay ako pero hindi ko pa rin binubuksan ang mga mata ko. Natutuwa ako dahil nag aalala pala sakin si Drake ng ganyan. Teka? Ano bang nangyari?
"O-oy teka Dwayne anong gagawin mo!?" Narinig kong tarantang tanong ni Drake. Bakit ano bang gagawin ni Dwayne?
"Imulat mo na ang mga mata mo. Alam kong gising ka na" nagulat ako ng bulungan ako ni Dwayne kaya naman agad akong napamulat at napatagilid ng ulo na labis kong pinag sisisihan dahil nag dampi ang mga labi namin.
Ilang segundo rin nag dikit ang labi namin na parehong ikinalaki ng mga mata namin. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagtingin ko sa mga mata n'ya.
"Samantha!" Bigla akong hinila ni Drake at niyakap.
"A-ah e-eh.." Hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong sabihin.
"Dwayne! Ano bang ginawa mo!? Iwan n'yo muna kami mag-isa!" Galit na sigaw ni Drake kaya nakaramdam ako ng takot. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan at nakakatakot pala.
Agad namang lumabas si Lily. Sumulyap pa ng tingin sakin si Dwayne kaya napaiwas ako ng tingin. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? May sakit na ba ako?
"Samantha!" Dahil sa gulat ay napatingin ako kay Drake na ngayon ay galit na nakatingin sakin.
"B-b-bakit?" Natatakot kong tanong.
Nakita kong pumikit ng mariin si Drake at huminga ng malalim na para bang kinakalma ang sarili saka siya seryosong tumingin sakin.
"Okay ka lang ba? Sorry kung nasigawan kita. Wag kang matakot sakin, nagulat lang talaga ako sa nangyari at ako na ang humihingi ng tawad para sa kapatid ko dahil sa kabastusang ginawa niya sa'yo"
"A-ano ka ba? O-okay lang yun!" Ghad! Such a liar samantha! First kiss mo yun!
"Still I'm sorry." Sambit niya at hinila ako palapit sakanya. Akala ko yayakapin na naman niya ako pero laking gulat ko ng punasan niya ang labi ko at dahan-dahan niyang nilapat ang labi niya sa labi ko. Kitang kita ko pa ang pag pikit ng mga mata niya. Dahil sa gulat ay hindi ako naka galaw agad.
"B-bakit mo yun ginawa?" Gulat kong tanong.
"Gusto ko lang burahin sa labi mo ang di dapat nangyari. Sige na, mag pahinga ka na muna dahil mamaya lang ay aalis na tayo para pumunta sa Central" sambit niya at iniwan na ako sa loob ng kwarto ko.
Hell! What just happend!? Hinalikan nila ako! Well, yung kay Dwayne accidentally lang pero yung kay Drake, hindi! Aish! What's goin' on?
---------
"Laikeisha, bumaba ka na. Ikaw na lang ang iniintay nila sa baba. Aalis na tayo" bungad agad ni Lily sakin pag pasok niya ng kwarto ko.
Ito naman ako at nakaharap sa salamin. Nakatitig sa labi kong pinag pyestahan ng dalawang mag kapatid. Letche lang! Naiinis ako!
Bakit kasi kailangan pang gatungan ni Drake, di'ba? Tch."Ano? Habang buhay ka na lang bang tititig jan sa salamin o hihintayin mo pang itapon kita sa Shao river?"
"Oo na! Ito na! Tch" inis kong sabi.
Agad naman akong tumayo sa pag kakaupo ko. Bago ako lumabas ng kwarto ay tinignan ko muna sa huling sandali ang kwarto ko simula ng dumating ako dito sa mundo nila. Ma-mi-miss ko 'to, Naka dormitory kasi kami dun sa Aria academy sabi ni Ina 'e.
"Wala na ba akong nakalimutan?" Tanong ko sa sarili. Well, tingin ko naman ay wala na dahil wala naman akong halos na damit na dadalhin dahil iba daw ang damit nila sa Aria Academy. Tinanong ko nga kung ano pero sabi ni Lily ay malalaman ko na lang pag dating namin dun. Suot ko na rin ang kwintas na bigay sakin ni ina kaya tingin ko ay wala na akong nakalimutan.
"Wala ka ng nakalimutan. Halika na, Laikeisha dahil mag gagabi na lang di pa rin tayo nakakaalis" inis na sabi ni Lily.
Oo nga pala, hapon na kaya mas mabuting umalis na kaysa abutan pa ng dilim kaya agad na akong bumaba.
Nakita ko naman sa labas ng palasyo ang mga gwardiya na naka palibot sa tatlong karwahe at sa hari't reyna.
Agad akong lumapit sakanila."Hari't reyna, handa na ako" sambit ko.
"Mag iingat ka, anak. Tungkol nga pala dun sa mata mo sa tingin ko ay kailangan mo munang itago ang tunay nitong kulay. Si lily na ang mag bibigay sa'yo ng gamot para matakpan ito" sambit ni ina saka tumingin kay Lily. Tumango naman si Lily.
"Opo. Mag iingat din kayo, mahal na hari't reyna" sabi ko at niyakap silang dalawa.
"Osige na, umalis na kayo dahil malayo pa ang central. Mag iingat ka, Laikeisha. Dwayne at Drake alagaan at bantayan niyo si'ya. Naiintindihan niyo ba?" Tanong ni ama sa dalawa. Nag tama ang mga mata namin ni Dwayne kaya agad akong nag iwas ng tingin. Naiilang kasi ako at siguradong awkward mamaya sa byahe kung mag kakasama kaming tatlo sa isang karwahe.
"Makaka-asa kayo, mahal na hari. Aalagaan at babantayan ko ang prinsesa."-drake.
Tumango naman si ama at pinasakay na kami sa karwahe. Lalo akong nainis ng malaman kong sa iisang karwahe lang kaming tatlo habang si Lily naman ay nasa balikat ko at nag mamasid. Yung dalawang karwahe pa ay nasa harap at likod namin upang bantayan at protektahan kami kung sakali mang may masamang mangyari.
Agad naman akong sumakay sa karwahe. Dun ako pwumesto sa kabilang bahaging pinto, bale sa kaliwa ako. Gusto ko kasing makita ang tanawin mamaya. Labis naman akong nagulat ng umupo sa harap ko si Dwayne at sa tabi ko ay si Drake. Apat na tao kasi ang kasya sa isang karwahe kaya ganito.
Napansin kong binigyan ng matalim na tingin ni Drake si Dwayne pero binalewala lang ni Dwayne at tumingin na lang sa labas habang hinahanda ng mga gwardiya ang pag alis namin.
Kumaway ako kila ina't ama bilang pag paalam at saka na umandar ang sinasakyan namin.And I guess this trip will be so awkward.
_______________________________
A/N: after a long being inactive in this account, here is it! Sorry natagalan, nakalimutan ko kasi password nito. HshshsSo, anyway I'm thinking if i'll delete this and post another fantasy story. Kasi ang gulo. May mga mali 'to. Di ako kuntento but anyway, I'm still thinking about it.
YOU ARE READING
The Lost Magical Princess
Fantasythere's a girl who live in mortal world. she's contented what her life until unexpected things come up. can you join me to know the life of the lost magical princess?