The lost magical princess
Chapter 13Samantha's POV
"Laikeisha, gumising ka na" may isang tinig ang nag pagising sakin kaya napamulat ako ng mata.
Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakita. Teka? Sino ba yun? Baka naman panaginip lang? Panaginip lang din kaya yung si Lily?
"Wala ka bang balak tumayo jan at mag almusal, mahal na prinsesa?" Nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko ang isang fairy.
"L-lily?" Gulat kong tanong.
"The one and only, Laikeisha. Nakalimutan mo na agad ang sinabi ko sa'yo kagabi?"-lily.
Napaisip naman ako sa sinabi niya.
"Tungkulin ko ang bantayan at protektahan ka. Kaya sa ayaw at gusto mo sasama na ko sa'yo saan ka man mag punta, mahal na prinsesa""Ah! Naalala ko na." Ani ko ng maalala ang sinabi niya kagabi.
"Mabuti naman at ngayon simulan mo ng tumayo jan sa higaan mo para maligo o hihintayin mo pang itapon kita sa ilog, mahal na prinsesa?" Seryosong sabi niya. Agad naman akong tumayo dahil nagugutom na rin ako hindi dahil natakot ako sa banta ni lily pero somehow parang bet ko yung itapon niya ako sa ilog. Haha. Just kidding.
Pagkatapos ko mag ayos sa sarili ay bumaba na agad kami este ako lang pala. Ito naman kasing si Lily prenteng naka upo lang sa kanang balikat ko. Tch -_-
Pag dating ko sa dining area. Nakita ko agad sila ina at ama kasama sila drake at dwayne. Mukhang hinihintay pa nila ako dahil hindi pa nila ginagalaw ang pagkain sa hapagkainan.
"Ehem! Sorry for keeping you wait, guys" sambit ko at umupo na sa pwesto ko. Napansin kong naka tingin pa rin sila sakin or should I say kay Lily na mahimbing nang natutulog sa balikat ko. Buti hindi siya nahuhulog 'no? Hahaha.
"Hey!" I snap may hand to their faces.
"Sam, s-siya si L-lily di'ba?" Disbelief is in their faces. What's with that reaction?
"Yeah. It's the queen of all fairies. Lily." Ani ko at mukha naman nagising na rin 'tong nilalang sa balikat ko.
"Oh! Mahal na hari at mahal na reyna, masaya akong makita kayong muli" bahagyang yumuko si Lily bilang pag bigay galang.
"L-lily? Ikaw nga! Matagal din muli ng tayo'y mag kita ah? Saan ka nanggaling?" Tanong ni ina. Mukha namang naka recover na rin sa pag kagulat si ama, drake at dwayne.
"Oww. Jan lang sa tabi-tabi. Sadyang, hinintay ko lang ang pag balik ng prinsesa para magampanan ko na ang tungkulin ko"
"Anong tungkulin?" Tanong ni Dwayne. Nakaramdam ako ng saya ng marinig kong muli ang boses niya. Nung huli naming pag uusap ay yung sumama ako sakanya sa pamilihan at muntik na akong mapahamak.
"Ang bantayan at protektahan si'ya" simpleng sabi ni lily.
Hindi na sila nag tanong pa at agad nang kumain ng tahimik habang si lily ay bumalik na sa pag tulog.
"Anak, maaari ba tayong mag usap bago kayo umalis?" Oo nga pala, mamayang tanghali na ang alis namin. Tumango naman ako kay ama bilang pag sangayon at sumunod sakanila ni ina.
Pumasok kaming tatlo sa study room o office ni ama. Parang mini library na 'to sa dami ng mga libro. May veranda rin dito na kitang kita ang fountain sa tapat ng palasyo.
"Maupo ka, anak" sinunod ko naman ang sinabi ni ina. Tahimik lang akong naka tingin sakanila at hinihintay ang sasabihin.
"Gusto lang namin sa'yo sabihin na mag-iingat ka. Kung may iba pang paraan para hindi ka malayo samin ay gagawin namin ngunit yun na ang pinaka ligtas na paraan para sa'yo, anak" sambit ni ama.
"Naiintindihan ko naman po"
"Maraming salamat anak. Asan nga pala ang kwintas na ibinigay ko sa'yo?" Tanong ni ina.
"Hmmm. Nasa kwarto ko po. Naiwan ko kasi kanina dahil pinag madali ako ni Lily" totoo yun dahil nakalimutan ko talaga suotin at dahil din kay lily. Minadali kasi ako gusto daw niyang makita at malibot ang palasyo, 'e ako nga hindi pa nalilibot 'to e.
"Ganun ba? Hayaan mo muna basta sa susunod kailangan lagi mo yung suot. Tungkol naman kay Lily, sasama rin siya sainyo sa Aria Academy para ma-protektahan ka niya at mabantayan."
"May tanong nga pala ako, ina at ama" ani ko.
"Ano yun, anak?"
"Y-yung mga mata ko ba pwede ko nang ipakita ng tunay? Alam n'yo na... Ang pagiging pula nito. Tska simula kasi ng pumunta ako dito sa m-mundo ay parang nangangati ang mata ko dahil sa suot kong contact lense. Minsan nga bigla na lang lilitaw ang tunay na kulay nito at parang natutunaw ang contact lense na suot ko" pag-aamin ko.
Biglang nag seryoso ang mukha nila ama.
"Pula ang mga mata mo, anak? Maaari ba naming makita ito?" Tumango naman ako at tinanggal ang contact lense na suot ko. Lumitaw ang kulay dugo kong mga mata."A-ang anak natin!" Biglang humagulgol ng iyak si ina kaya naman agad siyang yinakap ni ama.
"B-bakit?" Naguguluhan kong tanong. Bakit bigla na lang umiyak si ina? May mali ba?
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, Laikeisha. Malakas ang kapangyarihang nanalaytay sa dugo mo. Kailangan mo na agad umalis dito hanggat maaga pa" seryosong sabi ni ama. Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako.
Agad akong lumabas ng silid na yun at patakbong tinungo ang silid ko para ayusin ang mga gamit. Lahat ng makaka salubong kong fairies ay mababakasan ng gulat at tuwa. Hindi ko alam kung bakit.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humarap sa salamin. Buti na lamang at wala ngayon sa kwarto ko si Lily dahil dito na rin yun natutulog 'e.
Kitang kita ko ang mga pula kong mata. Sa pagtitig ko dito ay isang imahe ng babae ang nakita ko habang nagkakagulo ang paligid n'ya. Nag lalakad lang siya na tila ba wala siya sa ulirat. Nakatulala lang sa kawalan. Biglang sumakit ang mata ko kaya naputol ang imahe at napasigaw ako sa sakit."Ahhhhhhhh!"
Hindi ko ma-ipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa naging itim na lang ang lahat.
______________________________
A/N: helloooooo~ may tao ba dito? Wala akong maramdaman na readers. Y is dat? Kaiyak mga bessy.P.s: tumatanggap po ako ng boto at komento. Mapa-negative o positive pa yan, dapat go lang ng go~ (parang globe lang -_-)
YOU ARE READING
The Lost Magical Princess
Fantasythere's a girl who live in mortal world. she's contented what her life until unexpected things come up. can you join me to know the life of the lost magical princess?