Kabanata 2

854 74 17
                                    

Pagkadating ko sa bahay, walang tao.Wala si Mama at Papa. Siguro may pinuntahang importanteng lakad. Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis. Kumuha muna ako ng isang libro para may mabasa ako habang magmemeryenda ako mamaya. Habang bumababa ko sa hagdanan, panay basa ko ng libro. Hindi man lang ako tumitingin sa bawat hakbang na matatapakan ko. Hanggang sa nadulas ako at natapilok yung paa ko. Gusto ko man sanang sumigaw ng tulong pero wala namang makakatulong sakin dito. Dahan-dahan nalang akong tumayo at biglang kong naramdaman hindi ata ako masyadong makalakad.

Kinaumagahan, pagkatapos ng pasok namin, sabay kaming naglakad pauwi ng barkada. Habang naglalakad, napag-isip ko na malapit na pala talagang magChristmas no? Ano kaya magandang gawin tuwing Christmas? Hay basta ako magdidiwang ako sa darating na kaarawan ni Jesus. Ang dahilan kasi kung akit tayo nagdidiriwang ng Pasko ay dahil ito sa ipinanganak si Jesus hindi yungmga kung ano-ano.

Kahit na alam kong masakit ang mga paa ko, pinilit ko pa ding maglakad pauwi para lang makasama sila. Ayoko na kasing sabihin sakanila na hindi ako makakasama dahil masakit ang paa ko, baka ang dami nanamang tanong nila niyan.

Habang palayo ng palayo na ang mga lakad namin, pinaalala samin ni Aubrey kung saan namin idadaraos Christmas Party ng barkada.

"Oh guys, ano na? San tayo magChrichristmas Party?" Pagbubukas ng usapan naman ni Aubrey. Habang naglalakad, yung ibang barkada panay isip kung ano yung mga pwedeng gawin sa selebrasyon namin, kung ano yung mga pwedeng gawing pakulo, at kung saan namin iyon idadaraos.

Dahil atat na atat na kong magsalita, nagbigay ako ng isang payo. "Kung magdadala nalang kaya tayo ng pocket money bawat isa satin. Pocket money na pwede na pang breakfast at lunch. Tutal isang araw lang din naman ang selebrasyon di ba?"

Naging okay din naman yung payo, sumang-ayun din naman silang lahat sakin. Itong Christmas Party na idadaraos namin, hindi naman ito para sa buong classroom, amin-amin lang ito ng barkada. Ang dami kasi nilang alam kaartehan o di kaya, gawain para maging malapit pa kaming lahat sa isa't-isa.

Pagkatapos nilang sumang-ayun sa aking payo, wala nang nagbigay ni kahit isa na pwedeng idagdag lamang sa selebrasyon. Bumalik ang isa't-isa sa kanilang mga business na ginagawa. Habang patuloy lang nagkekwento tungkol sa nakita niyang pogi sa isang tindahan kahapon, hindi niya na namalayan na malayo nap ala ako sakanya, hindi na namalayan ni Aubrey na napagiwanan niya na pala ako. Panay hinto ko kasi medyo sumasakit yung paa ko.

"Nica, anong nangyari sa'yo? Ba't andiyan ka pa lang? Kanina pa 'ko kwento ng kwento dito tapos hindi ka din pala nakikinig. Tsaka ano ba yang tinitignan mo sa paa mo? Patingin nga." Akmang kukunin niya sana ang kamay ko nakahawak sa paa ko pero agad ko namang inalis ito.

"Sige na, mauna ka na, okay lang ako." Pagsisinungaling ko naman sakanya. Nang bumalik na ulit ako sa paglalakad, kahit na nasa hulihan na 'ko, pumunta talaga si Stephen at tinabihan ako sa paglalakad para tanungin kung okay lang ba ako.

"Oh ano bang nangyari diyan sa paa? Bakit para yatang hindi ka masyadong makalad?" Usisa naman ni Stephen sakin. Gaya ng sinagot ko kay Aubrey, ganun din ang sinagot ko okay Stephen.

"Bahala ka, alam kong merong hindi ka magandang nararamdaman pero ayaw mo lang sabihin sakin." Agad siyang umalis sa tabi ko at tumakbo papunta kay Kael. Gusto ko na yatang ipahinga tong mga paa ko kahit ilang sandaling minuto lang pero ayokong maging sagabal sakanila. Inisip ko nalang na titiisin ko nalang 'to. Tutal, malapit nalang din naman ang lalakarin namin.

Nang medyo palayo ng palayo na ang mga lakad namin, hindi ko na talaga nakayanan. Bigla nalang akong naout of balance at napaupo. Napatakbo naman silang lahat sakin at tinanong ako kung okay lang ako.

"Nics tara na. Tama na yang kaartehan mo. Sumakay ka na sa likod ko. Baka kung ano pang mangyaring masama sa'yo" Agad niya akong binuhat at inaalay niya sakin ang likod niya para madali akong makasakay. Bumalik naman kaagad ang ibang barkada sa kani-kanilang usapan. Napaiwan naman kami ni Stephen sa likuran habang nakakarga pa din ako sa likod niya.

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon