Kabanata 6

612 44 11
                                    

Habang masarap pa ang tulog ko, bigla nalang akong nagulat ng merong sumigaw sa tenga ko. “Nicaa!! Gising na!!” Hindi nga ako nagkakamali, maagang mangbubulabog ‘tong si Stephen. Hindi ko pa masyadong maidilat yung mga mata ko pero tanaw na tanaw ko na ang mukha niya. Tinignan ko yung cellphone ko kung anong oras na, 3AM pa lang. Naku ‘tong si Stephen masyadong punctual kapag may mga event-event yung barakada, samantala papasok na nga lang sa school, late pa.

Pinababa ko na si Stephen kasi maliligo na ‘ko. ‘Di kagaya ng ibang babae, hindi ako ganun katagal kung maligo, katamtaman lang. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ‘ko tsaka kinuha ko na lahat ng mga hinanda ko kahapon at nagsimulang bumaba na.

Pagkababa ko nakita ko na tinutulungan ni Stephen sina Mama at Papana  inihahanda yung mga pagkain.

“Good Morning anak, kain ka na, tsaka pasalamat ka dito kay Stephen at ginising ka niya ng maaga” Sambit naman ni Mama

“Oh sige anak, kumain ka na. Stephen sumabay ka na samin” Sabi naman ni Papa

Kumain na kaming apat. Masarap yung ulam namin. Itlog, corned beef, at ham. Tamang-tama lang ‘to tuwing umaga. Pagkatapos kumain, nagsimula na kaming magpaalam ni Stephen kila Mama at Papa. Walang ibang sinabi sina Mama at Papa kundi ang mag-iingat kami.

Pagkalabas namin ng bahay, makikita mo na meron pang mga bituin sa langit at andiyan pa yung bilugang buwan. Tsaka ang paya-payapa ng paligid. Dahil December na ngayon, ramdam na ramdam namin ni Stephen yung kalamigan dito sa labas. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko yung mga ganitong oras, yung para bang ang lamig-lamig tapos napakapayapa pa ng paligid mo.

Sumakay na 'ko sa sasakyan ni Stephen. Tinanong ko siya kung paano na ang sasakyan niya. Kung saan niya ilalagay. Eh andiyan naman si Kael para sagutin yung transportation namin.

“Nasabi ko na kay Kael na dadalhin ko nalang sasakyan ko, tsaka kung hindi kayo magkasya sa sasakyan nila Kael, yung iba dito nalang”

Sinimulan ng pinaandar ni Stephen ang kanyang sasakyan. Sa biyahe, hindi ako makapagsalita dahil antok na antok talaga ako. Tinignan ako ni Stephen ng maigi. Nahalat niya siguro na gustong-gusto ko pang matulog.

"Sige NIca, matulog ka nalang diyan. Kesa naman pinipigilan mo pa." Tumawa lang siya sakin at bumalik ulit ang kanyang mga tingin sa dinadaan namin.

Nagsimula na akong matulog ng paupo. Hindi ko na namalayan ang biyahe hanggang sa ginising na 'ko ni Stephen

"Hoy Nica! Gising ka na diyan!" Nagulat naman ako sa paggising sakin ni Stephen. Agad kaming bumaba sa sasakyan niya at pumasok na kami sa bahay nila Kael

Pagpasok namin, namangha ako sa bahay nila Kael. Sa totoo lang, sa lahat ng mga kaibigan ko sa barkada, kay Kael pa lang na bahay yung hindi ko napupuntahan. Malaki tsaka napakaelegante ng bahay nila. Gaya ng bahay nina Stephen, mistulang nasa palasyo ka kapag pumasok.

Pagpasok namin sa bahay nila, andun na lahat. Kung maaga si Stephen, mas lalo atang maaga 'tong mga kaibigan ko. Pagkaupo ko sa sofa nila, tumabi kaagad sakin si Aubrey.

“Nica, tabi tayo sa sasakyan ha” Sabi ni Aubrey na tila yatang nag-aalala na baka hindi kami magkakasama.

"Oo. Tabi tayo mamaya." Natuwa naman siya sa sinabi ko. Di katagalan, bumaba si Stephen sa napakaelegante nilang hagdanan.

"Oh guys, I thunk andito na lahat. Shall we go now?" Tumungo kaming lahat papunta sa labas ng bahay nila Kael.

Pagkapunta namin sa labas, nakaparada na yung dalawang van na sasakyan namin lahat. Merong ding tig-iisang driver yung van. Kaagad akong hinablot ni Aubrey para sumakay ng van. Siyempre sumunod din ako sakanya. Nasa unahan talaga kai umupo kung saan nakatapat lang samin ang aircon. Uupo pa sana malapit sa bintana si Aubrey, kaya lang pinigilan ko siya at sinabi na kung pwede diyan lang ako maupo. Mabuti naman at madaling pumayag si Aubrey sakin. Nilabas ko kaagad ang camera ko para kung wala akong magawa sa biyahe, kukuha nalang ako ng mga pictures.

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon