"Wala akong ibang gustong makita ngayon, kundi ang mukha ko lang. Napakaganda. Inaamin ko, everyday I'm always telling myself na maganda ako. Hindi ko alam pero naging habit ko na yan araw-araw, na parang nakakadagdag sa mood ko pag sinabihan ko ang sarili ko ng ganyan. Wala akong pakialam kung totoo man yan o hindi ang sinasabi ko sarili ko - na maganda ako - pero alam ko na lahat tayong mga babae, magaganda. "
I woke up with a smile on my face. Napahinga ako ng malalim at sinabi sa sarili ko Mamaya na, Nica. Aaminin ko, ninenerbyos nga ako sa mangyayari mamaya. Pero kahit ganun, namamayagpag pa din ang kasiyahan at excitement na nararamdaman ko ngayon. Bumangon ako sa kama ko at bumababa.
"Good morning ma" Bati ko kay Mama na busy sa paghahanda ng almusal namin.
"Good morning din anak" Sabi ni Mama at bumalik ulit sa pagprito ng manok "Ay teka lang, anak" Lumingon sakin si Mama "Maya-maya dadating ang make up artist mo dito. Sunduin mo lang siya sa gate mamaya. Tsaka maghanda ka na diyan para hindi na hassle mamaya" Sabi sakin ni Mama at bumalik ulit sa pagprito ng manok. Umoo nalang ako sakanya at agad na kinuha ang mga untensils na gagamitin namin sa pagkain para tulungan siya.
"Ma, asan si Papa?" Tanong ko kay Mama habang nilalagay sakanya-kanyang pwesto ang mga pinggan.
"Papa mo?" Huminga muna si Mama ng malalim bago sumagot. "Andun kila Stephen, may pinaguusapan sila ng tito mo" Sagot sakin ni Mama. Hindi na ko nagtanong ulit. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahanda ng mga utensils sa mesa.
Nang matapos na si mama sa pagluluto ng ulam namin, inihanda niya na ito sa mesa. Umupo ako at ganun di siya. Nagsimula kaming kumain ni Mama. Hindi na daw makakasabay samin si Mama kasi nagtext na daw kanina na matatagalan siya dun sa bahay nila Stephen. Or more like hindi sa bahay sila ni Stephen nagstay. Siguro gumala kung saan-saan.
Pagkatapos kong kumain, umakyat ako sa kwarto ko at nagbasa ng libro. Wala naman kasi akong gagawin ngayon kundi antayin nalang ang make up artist ko. 10AM pa lang ng umaga at sabi ni Mama, mamayang 2PM pa daw siya dadating.
Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa, bigla akong nakaramdam ng antok at sa tingin ko mabuti to. Kailangan ko nga sigurong matulog para sa event mamaya. Para hindi ako antukin. Pinikit ko ang mata ko at nagsimulang matulog.
Hindi ako nagising sa kung anong oras ko gustong gumising kasi sa pagbubulabog pa lang ni mama sakin sa kama, gisiing na gising na ko.
"Bakit Ma?" Tanong ko kay mama habang nakaupo siya sa kama ko. Medyo minumulat mulat ko naman ang mga mata ko sa kadahilang kakagising ko pa lang.
"Kanina pa kita ginigising anak pero mukhang mahimbing yata ang tulog mo," Sabi ni mama at agad na ngumiti sakin. Bumangon naman akong paupo sa kama. "Sige na magbihis ka na diyan. Kanina pa naghihintay ang make up artist mo sa ilalim" Sabi ni Mama. Umoo nalang ako sakanya.
Pagkababa ni Mama, bumaba din ako kaagad. Nakita ko ang isang make up artist. Babae siya. Maputi at sa tingin ko napakabait. Habang pababa ako sa hagdanan, tinitignan ko siyang maigi. Hindi ko alam pero parang napakapamilyar niya talaga sakin kung tignan. Parang nakita ko na siya dati; parang nakasama ko na.
Pagkakita niya sakin, agad siyang tumayo sa kinauupuan niya at sumigaw ng malakas
"Nica!" Sigaw niya sakin at agad na tumakbo palapit sakin para yakapin ako. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Siyempre, ikaw ba naman hindi ka magugulat na bigla ka nalang niyakap ng isang taong hindi mo naman kilala.
"Uhmm.. sorry po.. pero sino po kayo?" Ayoko man sanang lumabas ang ganyang katag sa bibig ko pero wala na eh, yun talaga ang gusto kong itanong sakanya. It maybe sound rude but at least sinabi ko sakanya kung ano ang gusto ko. And wait, hindi naman rude ang pagdeliver ko ng salita.
BINABASA MO ANG
I Will Never Leave You [On-Hold]
RomanceHindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay ang mga bagay na alam mo sa huli eh makakamtan mo din. Basta't may tiyaga at tiwala lang. Samantala ang imposibleng makuha na bagay eh yung...