Kabanata 12

232 18 4
                                    

"Siguro nga totoo yung sinasabi ng ibang tao, hindi mo paniniwalaan ang pag-ibig hanggat hindi ikaw mismo ang tinamaan"

Kasulukuyan kaming naglalakad ngayon kasama ang barkada. At ang usual na nangyayari, meron silang kanya-kanyang pinaguusapan. Katabi ko naman sa paglalakad si Stephen. Nasa likuran kaming dalawa. Ni isa samin walang nagsasalita. Ako lakad lang ng lakad. Siya naman nakayuko at panay sipa lang ng sipa ng mga buhangin na bawat matatapakan namin.

“Steph ok ka lang ba?” Nacurious na ko sakanya kaya hindi ko na napigilan magtanong. Maliban kasi sa hindi siya nagsasalita, parang malalim pa ang iniisip niya. Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong napala. “Stephen ok ka lang ba?” Tanong ko ulit sakanya. Hinintay ko siya ulit sumagot. Huminga siya ng malalim at itinaas ang nakayuko niyang ulo. “Nics, ano bang magandang surpresang gawin para yayain si Alisa na maging prom date?” Tanong niya sakin. Hay. Ayan nanaman siya sa mga surprise surprise niya. Mahal na mahal niya talaga si Alisa.

“Surprise? Nanaman?”

“Oo. Bakit ano bang problema?”

“Wala namang problema" sabi ko at napabuntong hininga ako. "Pero ano nanamang klaseng surprise yan?”

Tumingin siya sa kalangitan at tila yata nagiimagine ng mga bagay-bagay “Gusto ko yung simpleng surpresa lang. Yung tipong kaming dalawa lang. Ako at siya lang ang nakikita ng isat-isa

“Sus. Ang corny mo naman” Sabi ko sabay tawa ng mahina.

Nalipat naman ang tingin niya sakin. “Ganun talaga kapag nagmamahal Nics, kahit anong kacornyhan pa yan, gagawin mo para sa taong mahal mo”

“Ok. Pasensya naman. Seryoso na" Napabuntong hininga muna ako bago magsalita. "Eto dapat yung gawin mo: Dapat ikaw ang mag-isip ng paraan. Ikaw magpaplano. Mas mabuti kasi pag sa iyo mismo nanggaling. Yung tipong wala ka ng bibigyan pa ng credits gaya nung surpresa mo nung 1st monthsary niyo. Tinawag mo pa talaga ako para pasalamatan lang. Kahit corny man yan. Kung sabi mo pa nga, basta mahal mo, gagawin mo lahat.” Sabi ko sakanya. Bigla naman siyang napaisip sa mga katagang binitawan ko sakanya.

“Kung sabagay, okay naman yung plano mo. Pero kahit ganun, kailangan ko pa din tulong  mo ha?”

“Ano ba ang gagawin ko diyan?”

“Basta. Dapat andiyan ka. Baka kasi magepic fail pa yung gagawin ko kapag ako lang mag-isa. Mas mabuti na kapag kasama kita. Sigurado kasi yung mangyayari at successful pa.”

“Sus. Nambola ka pa. Kahit hindi mo na sabihin niyan, sasamahan pa din naman kita eh. Alam ko naman na hindi mo kaya gumawa ng mga ganyang bagay.”

“Buti naman at alam mo” Sabi niya at agad na tumawa. Hanggang sa nakarating na ko sa tapat ng namin. Nagpaalam na ko sa ibang barkada pero bago ako pumasok meron akong sinabing paalala kay Stephen.

“Basta Stephen ha, sasamahan lang kita. Hindi ako ang gagawa ng plano, kundi ikaw” Sabi ko sakanya at agad na pumasok sa gate namin. Nagtaka naman ang ibang barkada sa sinabi ko kay Stephen. Maliban lang kay Aubrey na ngumingiti lang sa gilid.

Kinabukasan, walang pasok. Plano ko pa sana gumising ng tanghali pero maaga akong nagising dahil sa bulabog ni Stephen.

“Good morning Nics” Maagang bati sakin ni Stephen habang nakatayo sa pintuan. Nagtaka naman ako kung bakit nandito siya sa bahay namin ng ganito kaaga. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mgatmata at bumangon ng paupo saking kama.

“Good morning din.. pero teka.. bakit nandito ka?” Tanong ko sakanya

“Bakit ayaw mo ba?” Pagpapaawang sabi niya at akmang lalabas ng pintuan.

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon