Kabanata 9

555 31 16
                                    

Pagkatapos kong kumain ng tangahalin, nagpaalam na ako kay Mama at Papa na pupunta na ako ng school. Tinext ko na din yung manager ng lugar kung saan hineld yung event kahapon na nagpapasalamat talaga kami kasi pinayagan kami nilang ibigay yung lugar nila for 1 day.

Pagkadating ko sa paaralan, sinalubong ako ni Aubrey. Siyempre, gustong magpakwento sa kung ano yung nangyari sa monthsary ni Stephen at Alisa.

“Sige na kasi, kwentuhan ma na ‘ko!” Pamimilit sakin ni Aubrey

“Teka. Teka. Saan mo ba nakuha yang mga balitang nagcelebrate si Stephen at Aubrey ng kanilang monthsary kahapon?” Pagtatakang tanong ko naman sakanya 

“Siyempre sa mga kaklase nating chismosa at chismoso. Tsaka, sinabi din sakin ni Alisa kanina kaso hindi nga lang detailed. Gusto ko kasi yung detailed. Hihi.”

“Haynaku Aubrey. Eto yung nangyari: Merong isle na full of petals, dun lalakad si Alisa papunta kay Stephen na naghihintay mesa. Yung last part ng isle is yung mesa. Tapos pagkadating niya dun, speech-speech ng konti tapos kain kain din. Meron ding kasweetang nangyayari. Hindi ko masyadong makwento sa’yo, mas maganda kasi kung andun ka talaga” Sagot ko naman sakanya

“Kinilig ka?” Tanong niya naman sakin

“Ha? Anong klaseng tanong yan? Siyempre, kinilig talaga ako. Haynaku kung andun ka lang, hihimatyin ka talaga sa kilig. Tsaka kung maririnig mo yung mga lines nila sa isa’t-isa parang gusto mo ng lumabas at maghanap ng boyfriend!”

“Oh talaga? O sige nga, ano yung mga lines nila sa isa’t-isa?”

“Huwag na, baka himatayin ka pa! Hahahaha”

“Himatayin? Ano kala mo sakin? Ikaw? Tsaka maiba nga ako, ikaw nanaman ba yung nagorganize lahat?”

“Siyempre, alangan sino? Nakakapagod nga eh, pero masaya naman ako kasi natupad ko ang gusto ni Stephen!”

“Masaya ka ba?” Pabigla-biglang tanong sakin ni Aubrey

“Ahh.. ano.. uhmm.. Siyempre masaya ako ‘no! Ayoko namang magpakanega sa kanilang dalawa. Siyempre masayang-masaya ako!”

Masaya nga ba talaga ako? Oo masaya ako para sakanila no pero nung tinanong sakin ni Aubrey yun, parang ang daming thoughts na pumupunta sa isipan ko. Yun yung problema minsan sakin eh, mismong sarili ko hindi ko na kilala at hindi ko na naiintindihan. Hay. Basta, ayoko munang mastress sa ngayon. Ayokong sayangin ang mga oras ko sa pag-iisip sa mga bagay na alam ko naman na kahit kailan wala akong mapapala.

Kinabukasan, maaga akong pumaso.k Pagkadating ko sa classroom, ako lang mag-isa kaya ang ginawa ko, nakinig nalang ako ng music sa cellphone ko. Maya-maya may umupo sa tabi ko, akala ko kung sino, si Stephen lang pala. Kinuha niya yung isa kong earphone at simulang nilagay sa tenga niya.

“Akala ko kung sino na, ikaw lang pala.” Sambit ko naman sakanya

“Siyempre sino ba namang gagawa sa’yo nito? Na agad-agad nalang sumusulpot sa’yo” Sagot niya naman sakin

Di katagalan, nagsidatingan na din yung iba naming kaklase at nagsimula na kaming magdiscuss. After the discussion, recess na. Kasama ko pa din si Aubrey tuwing recess kasi hindi ako masamahan ni Stephen kasi kailangan andiyan siya sa tabi ni Alisa.

Isang canned softdrinks lang at isang sandwich lang yung kinain ko ngayong recess. Habang nakaupo kaming dalawa ni Aubrey sa isang mesa, nagopen siya ng topic tungkol kay Stephen at Alisa.

“Grabe, parang seryoso na ata bestfriend mo kay Alisa ‘no?”

“Oo nga eh, seryosong-seryoso siya. Di kagaya noon kay Sarah, doble pa yung nakita kong effort na ginawa niya para kay Alisa. Kainggit nga sila eh”

“Inggit ka sakanila? Edi humanap ka din!”

“Huh? Ako maiingit? Sakanila? Hinding-hindi ako maiinggit sakanilang dalawa!”

“Eh kakasabi mo lang eh……”

Haist. Kung ano-ano nalang lumalabas sa bibig ko ne’to. Baka sa susunod, yung ayaw na ayaw kong mararamdaman, yun pa yung lalabas sa bibig ko.

After naming kumain, nagsimula ulit kaming magdiscuss. After the whole subject, diretsong uwi kaming barkada. As usual, si Stephen wala, hinatid kasi si Alisa. Habang silang lahat naunang maglakad, kami naman ‘tong ni Aubrey yung naiwan sa likod. Di ko napansin na kanina pa pala siya daldal ng daldal sa tabi ko. Kung ano-ano nalang kasi pumapasok sa isip ko eh.

“Hoy! Nakikinig ka ba sakin?”

“Ahh.. Ano.. Ahh.. Ano nga yun?”

“Hay ewan ko nalang sa’yo Nica! Ayoko na! Ang hirap kayang bumalik sa first chapter ng kwento ko! Magchachapter 22 na ‘ko sa kwento ko, eh hindi ko din naman pala nakikinig. Sinayang ko lang yung laway ko dito.”

“Pasensya na. Madami kasi akong iniisip na kung ano-ano eh.”

“Oh ano naman yung iniisip mo na yun?”

“Basta wala.”

“Wala? Tungkol nanaman siguro kay Stephen yang iniisip mo. Haynaku Nica, kung iniisip mo na palaging nalang siyang wala dahil palagi nalang siyang nasa tabi ni Alisa, edi hayaan mo! Tutal dun naman siya magiging masaya eh! Yun din naman yung gusto mo di ba? Hindi naman mawawala yan sa tabi mo eh. Tsaka plus pa na medyo bawas-bawas yung mga obligasyon mo sa buhay kapag wala muna siya sa tabi mo. Pero yun nga lang, kapag naghiwalay sila ni Alisa, ikaw nanaman yung magsisilbing Papa Jack sa buhay niya.”

“Grabe ka naman kung magisip. Parang kanina lang sabi mo magtatagal sila, tapos ngayon, hiwalay na kaagad yung iniisip mo. Medyo fast-forward ka din ‘no?”

Hindi na naming natapos ni Aubrey yung kwentuhan kasi nakarating na ‘ko sa bahay. Kumain muna ako ng meryenda at nanuod ng TV. Matutulog n asana ako kaso pumunta si Mama sa kwarto ko, si Stephen daw kasi tumawag.

“Ah sige Ma, baba na po ako.”

Pagkababa ko binigay kaagad ni Mama yung telepono sakin. Alam kong may kailangan sakin si Stephen kaya napatawag siya.

“Hello Stephen? Oh bakit anong kailangan mo?”

“Uhmm.. Nics sorry to interrupt you. Alam kong busy ka, pero I need your help.”

“Help? Sige. Ano bang kailangan mo?”

“Si Mom at Dad kasi sinabihan ng adviser natin na medyo bumababa na yung mga grades na nakukuha ko tuwing may mga activities. At palagi nalang daw akong wala sa sarili kapag may pasok. Parang hindi naman totoo yun di ba?”

“Yun lang ba yung pinapatulong mo sakin? Yung sagutin yung tanong mo? Okay. Medyo totoo yung sinabi ng adviser natin. Medyo lutang ka tuwing may pasok tsaka minsan wala ka sa sarili at ang baba nga ng kuha mo tuwing may mga activities tayo.”

“That’s the point! Pero hindi yan ang pinapatulong ko sa’yo. As I could see, agree ka sa sinabi ng adviser natin, then I think I need someone to help me na tumaas ulit yung grades ko. And I think ikaw lang yung makakatulong sakin.”

“O edi sige! Parang baliktad yung sa’yo Stephen. Sana nga maging motivated ka sa lahat ng mga ginawa mo kasi inspired ka sa girlfriend mo, pero kabaliktaran yung nangyari sa’yo. Kailangan gawin mong isa sa mga inspirasyon mo si Alisa. Hindi yung napapabayaan mo na lahat ng nasa paligid mo ng dahil sakanya”

“I’m sorry pero please Nics, I really need your help. Kung bababa yung grades ko sa next quarter, kukunin na ni Mom at Dad lahat sakin – sasakyan ko, gadgets ko. At hindi lang yan, babawasan pa yung allowance ko. Oh gusto mo ba yan? Wala nang manlilibre sa’yo?”

“Grabe, ang sama mo naman. Hindi kita tutulungan diyan eh.”

“Biro lang pero basta tulungan mo ‘ko ha? Start tayo tomorrow.”

“Oh pano si Alisa, di ba hahatid mo siya?”

“Sa bahay nalang tayo magtututor. Sabay ka nalang kapag hahatid ko si Alisa tapos diretso tayo kaagad sa bahay. Huwag kang mag-alala hahatid din naman kita. Tsaka ikaw na bahala magsabi kay tita tsaka tito ha. Sige, salamat”

“Ahh sala…….”

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko; magpapasalamat pa sana ako kaso pinatay niya na eh.

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon