Prologo

3.7K 223 111
                                    

Hindi lahat  ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay ang mga bagay na alam mo sa huli eh makakamtan mo din. Basta't may tiyaga at tiwala lang.  Samantala ang imposibleng makuha na bagay eh yung mga bagay na alam mong hindi mo makukuha kahit anong hirap pa ang gawin mo. Sa pag-ibig hindi sa lahat ng bagay, makukuha mo. Hindi sa lahat ng bagay, pwedi mo siyang madaliin. Kailangan mong maghintay at paghirapan, pero pano kung ang taong iyon ay napakimposibleng kunin? Tipong ang lapit lapit niyo sa isa't-isa pero parang ang layo-layo naman ng mga puso niyo. Tipong nasasasbi mo sakanya lahat ng mga sikreto mo, pero mismong nararamdaman mo hindi mo masabi-sabi sakanya. Tipong araw-araw kayong magkasama pero kahit ni isang moves eh wala kang nagawa. Minsan yun yung mahirap eh, kahit mahal na mahal niyo ang isa't-isa, wala kayong nagagawa kasi alam niyo sa huli, parehas kayong masasaktan.

Sabi ng iba mas mabuti kung ang magiging kasama mo sa buhay ay isang taong kilalang-kilala mo na. Yung tipong bawat galaw niya alam mo na kung ano yung motibo niya. Tipong titignan mo lang siya sa mata mababasa mo na kung ano yung mga nasa puso't-isipan niya, tipong nasa labas pa lang siya ng bahay mo, amoy na amoy mo na siya. 

Ano kaya yung feeling magkaroon ng isang kaibigan? Kaibigan na napakakulit, napakatamad, at napakairesponsable sa buhay pero alam mo naman na mahal na mahal ka. Kaibigan na para bang kayong dalawa lang yung nakakaalam ng isa't-isa. Kaibigan na para bang turing mo sakanya eh parang isang kapatid na. Pero pano kung sa isang iglap para bang nagbago ang lahat. Parang nag-iba na yung turing mo sakanya, para bang higit na sa isang kaibigan yung nararamdaman mo para sakanya?

Ang tanong: Susubok ka ba? Isasakripisyo mo ba ang isang relasyon na una pa lang eh alam mo ng walang kasiguraduhan, relasyon na hindi mo alam kung ano yung magiging huli nito, kung magiging kayo ba talaga o sa isang relasyon na alam mong panghabangbuhay kayong magkakasama? Pero pano ang puso't desisyon mo? Sasabihin mo ba sakanya ang tunay mong nararamdaman o itatago mo nalang sakanya habangbuhay? It's your choice to let your feelings out or tokeep it inside. Sa huli, It's either magiging masaya ka o habangbuhay kang magsisisi.

Ako si Danica Perris. At nasa 4th year highschool na ako ngayon. Gaya sabi ng iba, eto na yung pinakadabest na year sa highschool. Besides sa last year niyo na, ang daming challenges na madadaanan niyo. Ang daming memories na madadala niyo kapag pupunta na kayo ng college. Sabi din ng iba, eto din daw ang pinakamahirap na year. Oo, agree ako dito. Yung tipo kasi na ang dami-dami problema, ang dami-daming nakaasign na gawain sainyo tapos dagdag mo pa na ang hihirap pa ng mga lessons niyo. Pero kahit ganun, hindi ko kayang sumuko sa pag-aaral. Siyempre ano nalang mangyayari sa mga  kaibigan mo na palaging andiyan para sa'yo? Nakaktuwa lang isipin na andiyan sila palaging nakasuporta sa'yo lalo na ang bestfriend mo. 13 kaming lahat sa barkada at merong dalawang couples, si Gemi at Anderson at Shiela at Josh. Sa natirang walong barkada - hindi ako kasama - merong apat din na may girlfriend at boyfriend na. Ibig sabihin, kaming apat nalang ang natitirang single - ako, Stephen, Aubrey, at Kael. Sa apat samin, ako pa lang ang walang experience sa relationship, silang tatlo meron na naging kanya-kanang karelasyon noon kaso nauwi din sa hiwalayan.

Si Aubrey, meron naging karelasyon noon, hindi ko nga lang matandaan kung ano ang pangalan basta matangkad, gwapo, maputi, at mayaman. First boyfriend niya yun kaya binuhos niya lahat ng pagmamahal sa lalaking iyon. Para bang masasabi mo na nasalo na ni Aubrey lahat ng kaswertehan pagdating sa mga lalaki. Pero sabi nga diba, mostly sa gwapo hindi mo maasahan. Kaya nayun, isang araw nalaman nalang ni Aubrey na hindi lang pala siya ang girlfriend. Grabe yung iyak ni Aubrey noon. Hindi mo siya makakausap sa isang araw. Palagi nalang lutang. Parati nalang wala sa sarili. Hindi pa siya sumasama samin gumala. Tapos pati studies niya naapektuhan din. Pero hindi ko alam kung bakit isang araw nagulat nalang ako na okay na pala siya. Napaisip ako noon na ang tapang pala ni Aubrey kasi kahit na mahirap, kinaya niya.

I Will Never Leave You [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon