Gaya ng sinabi sakin ni Stephen, hindi ko nga inisip ang problema nila ni Alisa. Nitanong sakanya about dun, hindi ko na inulit. Kahit na hindi sakin sinabi ni Stephen na hindi ko yun poproblemahin, hindi ko talaga yun poproblemahin. Dagdag mo pa na exams pa nung mga panahon na yun.
Napansin ko na mas napapalapit na yata ang pagpapaalam namin sa campus. Napakalungkot mang isipin pero masaya pa din ako. Dito na kasi ako lumaki. Dito ako natuto na mga bagay na kahit kailanman hindi ko pa nalalaman.
Wala na kami masyadong ginagawa ngayong week, puro practice nalang ng mga gagawin sa graduation. Siyempre, tambay ulit ang ginagawa sa classroom. Pero iba lang ngayon kasi andiyan na ang barkada. Gayunpaman, hindi ko pa din mafeel ang presence ni Stephen. Yung tipo na para bang andiyan nga siya sa tabi mo pero parang wala naman siya sa sarili.
Lumabas muna ako ng classroom para kumain, ganito nalang palagi ang ginagawa ko tuwing recess – ang kumain – wala din namang teacher na pagsasabihan ako o pagagalitan eh.
Habang naglalakad sa hallway, I saw Alisa. Napansin ko din na kanina pa ko sa classroom tumatambay pero ni anino niya hindi ko man lang nakita.
“Alisa” tinawag ko ang pangalan niya. Agad naman niyang inangat ang ulo niyang nakayuko at makikita mo sa reaksyon niya ang pagkagulat.
“Grabe, multo na ba ko na magugulat ka talaga sakin?” Biro ko sakanya. Agad naman siyang pilit na ngumiti.
“Ahh hindi.. may iniisip lang kasi ako..” Sabi niya sakin. Ewan ko ba dito, parang wala sa sarili. Siguro nga hindi pa din sila nagkakaayos ni Stephen.
“Ano namang iniisip mo? Si Stephen? Kayo? Makakaya niyo din yan” Sabi ko sakanya na tila yata binibigyan siya ng pag-asa. Pero wala siyang sinabing iba kundi ngumiti lang sa harapan ko at agad na umalis.
Dumiretso nalang ako sa canteen para bumili ng pagkain at agad na bumalik sa classroom. Pagkapasok ko, grabe ang tahimik-tahimik ng palagi, merong natutulog, merongn agiinternet, at merong nagsasoundtrip. Estudyante nga talaga kami.
Early dismissal kami ngayon kasi maraming nagrereklamong kaklase ko na wala naman kaming ginagawa dito kaya nagpasya nalang ang adviser namin napapauwiin nalang kami ng maaga.
Back to basic ulit kami ng barkada, magkakasama kaming lahat umuwi. Sabay kaming naglakad hanggang makarating kami sa harap ng school namin. Nagulat nalang ako na andiyan pala si Stephen sa likuran namin na kanina pa sumusunod.
“Grabe, hindi ka man lang nagpaparinig diyan. Kanina ka pa ba diyan?” Sabi ko sakanya. Napalingon naman ang barkada sa sinabi ko at agad na nagtakbuhan papunta kay Stephen at niyakap. Naku, parang limang buwan naman nawala si Stephen niyan. Yan tuloy, hindi na nasagot ang tanong ko. Agad-agad nalang kasi silang sumulpot. Binalin ko nalang ang atensyon ko kay Aubrey na abot tenga ang ngiti habang tinitignan ang barkada na nagsisiyahan kasama si Stephen.
Hinila ko nalang si Aubrey na maglakad. Alam ko kasi na kung hindi ako mismo ang magsisimulang maglakad, naku aabutin pa kami ng siyam-siyam bago kami makarating sa kanya-kanya naming bahay dahil hiyawan nalang lahat.
Mabuti naman at nung nagsimula na kong maglakad, naramdaman ko naman ang mga padyak ng paa nila na sumusunod sa likuran ko. Tumingin ako sa katabi ko, si Aubrey wala na. Andun na pala kay Lorenz na nakikipagusap. Napangiti naman ako sakanila. Nakita ko na wala nang tumatabi kay Stephen, naglakad ako papunta sakanya para tabihan siya.
“Oh bakit ka andito?” Tanong ko sakanya. Napangiti naman siya sa tanong ko.
“Bakit ayaw mo?” Pilosopong sagot niya. Hindi na ko sumagot, iniba ko nalang ang topic.
“Nga pala, kamusta na kayo ni Alisa?” Tanong ko sakanya. Naghintay naman ako ng ilang segundo bago siya sumagot.
“Basta… di ba sabi ko sa’yo huwag mo lang kaming poproblemahin?” Nagpout nalang ako sa sinabi niya. Wala na kami masyadong pinag-usapan matapos ang ilang minuto. Naglalakad lang kami na parang normal. Napaisip ko na masyado pa yatang maaga para tapusin yung paguusapan namin, malayo-layo pa kasi ang lalakarin bago ako makadating sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
I Will Never Leave You [On-Hold]
RomanceHindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay ang mga bagay na alam mo sa huli eh makakamtan mo din. Basta't may tiyaga at tiwala lang. Samantala ang imposibleng makuha na bagay eh yung...