Pagkadating ko sa classroom, walang tao. Napaupo ako sa sarili kong upuan. Iniisip ko pa din kung ano yung sasabihin ni Alisa kay Stephen. Hindi ko alam kung bakit nagkakaroon ako ng kaba sa dibdib ko. Kutob ko ba ‘to o masyado lang talaga akong maarte?
Hanggang sa pumasok ang mga kaklase ko, hindi ko pa din nakakain ang pagkain ko kaya binigay ko nalang ito sa isa sa mga kaklase ko. Pagkadating ni Stephen sa loob ng classroom, pumunta kaagad siya sakin. Habang palakad siya papunta sakin, kitang-kita ko sa mga mata niya na ang saya-saya niya. Di ba dapat kapag nakikita mong masaya ang bestfriend mo, dapat maging masaya ka din. Pero baliktad yung sakin, takot at kaba yung nararamdaman ko.
Umupo siya sa tabi ko sabay sabi sakin “May sasabihin ako sa’yo mamaya. Magiging masaya ka talaga nito!” At agad siyang bumalik sa kanyang upuan. Habang nagdidiscuss ang guro namin sa harapan, hindi ako nakikinig. Yung sasabihin kasi ni Stephen ang tumatakbo saking isipan. Pagkatapos ng klase namin, oras na para umuwi kaming lahat. Dali-daling lumapit sakin si Stephen para sabihin ang magandang balita niya.
“Nica! May sasabihin ako sa’yo”
“Oh ano naman yun?”
“Alam mo ba…. SINAGOT NA KO NI ALISA! OO! SINAGOT NIYA NA KO!” Oo lang ako ng oo sakanya. Hindi man lang ako nakapagsalita.
“Hoy! Ano ba? Hindi ka ba masaya para sakin?”
“Masaya. Masaya ako para sainyo”
“Grabe talaga kanina! Ito talaga yung pinakadabest na araw na nangyari sa buhay ko!” Ngiti lang ako ng ngiti sa harap niya. Nakiking lang ako kung gaano siya kasaya ngayon.
“Oh sige, aalis muna ako. Hahatid ko lang si Alisa sakanilang bahay. Kanina pa kasi niya ‘ko hinihintay dun eh” Agad siyang tumakbong paalis sakin. Masaya ako. Masaya ako kasi sa pangalawang pagkakataon, naramdaman kong seryoso siya sa isang babae. Pero hindi maalis sa isipan kong tanungin ang sarili ko na: “Bakit napakadali?” Bakit parang napakakonting panahon lang ang ibinigay ni Alisa kay Stephen? Bakit ganun kadali ang pagsagot niya? Hindi kaya huli lang akong malaman na nililigawan na pala ni Stephen si Alisa? Pero hindi eh.. Sa lahat ng mga babae ni Stephen… ako lahat ang nakakaalam kapag nililigawan o may gusto siya sa babae. Pinapaalam niya talaga lahat sakin. Pero kung naging huli man akong malaman yun… parang hindi naman ata kapani-paniwala yun.
Kinaumagahan, hindi ako pumasok sa umaga at ganun din sa hapon. Nawawalan ako ng ganang pumasok. Sa tingin ko, kailangan ko ngayong magpahinga muna. Nagadvance study na lang ako para hindi ako mahuli sa mga lessons na tatalakayin namin. Habang nasa kalagitnaan ako sa pagbabasa ng isang artikulo sa libro namin, merong nagdoorbell sa labas ng gate namin. Agad naman akong umalis sa kinauupuan ko at pumunta sa gate para tignan kung sino ang nagdoorbell.
Napaisip ako kung sino ang nagdoorbell, hindi naman pwedeng si Mama at Papa kasi busy sila ngayon sa trabaho nila at mamayang gabi pa sila uuwi at hindi din naman pwedeng mga kamag-anak ko kasi ang layo ng bahay nila sa bahay namin at tsaka bakit naman sila pupunta dito.
Bago ko buksan ang gate, huminga muna ako ng malalim. Natatakot kasi ako baka kung sino ang taong nasa labas; baka kidnapper o di kaya magnanakaw na papasukin ang bahay namin. Pagkabukas ko, nagulat ako nang nasa harapan ko si Stephen, nakasuot ng isang itim na t-shirt, nakashorts, at nakashades. At meron pa siyang dalang pagkain, napakadaming pagkain.
“Oh bakit ka napunta dito?” Tanong ko naman sakanya
“Bakit ayaw mo bang pumunta ako dito?”
“Hindi naman sa ganun.. pero hindi ka ba pumasok ngayon?”
“Hindi. Ayoko kasi pumasok ngayon. Tsaka absent ka din di ba? Besides, absent din naman si Alisa kaya wala akong makakasamang iba dun” Agad siyang pumasok sa bahay ng hindi man lang nagpaalam. Sumunod ako sakanya sa pagpasok sa bahay.
BINABASA MO ANG
I Will Never Leave You [On-Hold]
RomanceHindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay ang mga bagay na alam mo sa huli eh makakamtan mo din. Basta't may tiyaga at tiwala lang. Samantala ang imposibleng makuha na bagay eh yung...