All set na lahat at si Alisa at si Stephen nalang ang kulang. Nagmistulang manager ako sa department store ngayon. Panay check ng check ko sa mga ginagawa ng mga nagoorganize. Ako kasi yung tipong tao na kahit alam kong okay na ang lahat, hala panay check ko pa din ng check. Gustong-gusto ko kasi maging successful 'tong araw na to for Stephen, and of course para kay Alisa na din. Ayoko namang epic ang lahat ng mangyayari. Kung magiging epic man nga ang mangyayari ngayon. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari. Maliban sa madidisappoint sakin si Stephen, mapapahiya pa 'ko kay Alisa. Kaya dapat, successful at maganda ang lahat ng mangyayari ngayong araw.
"Maam, grabe talaga kayo 'no. Kahit na konting bagay lang, nakikita niyo pa." Sabi sakin ng isang nagoorganize habang inaayos ang bulaklak sa mesa.
"Siyempre. Gustong-gusto kong maging successful ang mangyayari ngayong araw. Tsaka may tiwala naman ako sainyong lahat kaya kahit konting bagay na nakikita ko, alam kong makakaya niyong gawan ng paraan." Sagot ko naman sakanya at agad na ngumiti.
Panandalian akong tumingin sa kalangitan. Nakita kong merong ng sunset. Dahil meron ng sunset, lumabas muna ako ng lugar sandali at kinuha ang aking camera. Nagpasyal-pasyal akong mag-isa. Hindi ko alam sa sarili ko pero trip na trip ko talagang maglakad mag-isa. Yung tipong ikaw lang talaga, walang tao sa paligid mo. Para sakin kasi, mas maganda kung ikaw lang mag-isa, yung tipong makakapag-isip ka ng kahit anong bagay, yung pwedeng mong gawin lahat ng mga bagay na gustong mong gawin. Kumuha ako ng madaming pictures ng sunset. I don't know why pero kapag nakakita lang ako ng sunset or sunrise, it makes my heart happy. Para bang, I could stare at it all day. Alam din ni Stephen kung gaano ko kagusto ang sunset kaya minsan kapag naglalakad kaming dalawa around 5 to 5:30PM, naiinis siya sakin kasi panay daw hinto ko sa kakatingin sa kalangitan.
Habang kumukuha ng pictures, biglang nagvibrate phone ko. Alam kong si Stephen na ito kaya binuksan ko na kaagad. Nagtext sakin si Stephen na on the way na daw sila ni Alisa. Hindi naman ako nagpanic. Chill lang ako. Nagsimula akong maglakad pabalik sa venue. Pagkabalik ko, lahat ng mga nag-ayos nakaupo na. Tsaka ang lugar, napawow talaga ako nang nakita ko. Meron isle sa gita ng pool na puno ng petals papunta sa table nilang dalawa. At ang mesa nila merong napakalaking bulaklak na kapag nasa unahan ka pa lang ng isle, makikita mo na kaagad. Napapalibutan ang lugar ng kulay dilaw na lights. Tamang-tama lang 'to kasi medyo gumagabi-gabi na. Walang masayodong arte ang lugar. Napakasimple lang pero merong impact kapag nakita mo.
Pumasok ako sa loob at sinabihan lahat ng nag-organize na magtago na silang lahat kasi maya-maya dadating na sina Stephen at Alisa. Agad naman silang nagtago sa likod ng pader ng cr ng pool. Sumama din ako sakanila. Although nakakatawa, pero pagpunta ko sa taguan namin, nakita ko na inayos din pala nilang lahat ang taguan naming. Nilagyan nila ng dalawang parihaba na mesa at upuan na suit sa bilang naming lahat.
"Grabe talaga kayo. Bilib na bilib na talaga ako sainyo. Mistulang taguan natin, inayos niyo pa." Sabi ko sakanila at agad na tumawa.
"Siyempre maam. Hindi lang naman para sa'yo 'to maam. Para satin tong lahat. Alam kasi namin na magtatago nanaman kami ulit kaya inunahan na po naming kayo. Tsaka swak na swak po yung taguan na pinili namin kasi mamaya live na live ang kilig moments ni sir Stephen at kanyang bagong girlprend." Sabi sakin ng isa sa nag-ayos. Tumawa silang lahat at ganun din ako. Eto yung gusto ko sakanilang lahat eh, hindi sila nahihiya pagdating sakin. Para bang, lahat nasasabi nila kaya hindi talaga ako nagsisisi na kinuha ko ang kompanya nila.
Habang masayang nag-uusap kaming lahat, bigla naming narinig ang busina ng sasakyan ni Stephen. At sign na yun na andiyan na sila. Pinabalik ko naman ang dalawang nagayos para iguide sina Stephen at Alisa sa kung saan sila pupunta. Nakakatawa lang ang itsura naming lahat dito. Bukod kasi sa kinikilig silang lahat, mukha pa kaming nangbubuso dito. Hindi ko alam pero kumakaba ata ang dibdib ko ngayon. Natatakot kasi ako sa kung ano ang maging reaksyon ni Stephen at Alisa kapag nakita nila ang lugar. Kung madidissappoint ba sila, mapapangitan ba sila, o magagandahan ba sila? Hay. Sana nga magustuhan lang nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
I Will Never Leave You [On-Hold]
RomantiekHindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay ang mga bagay na alam mo sa huli eh makakamtan mo din. Basta't may tiyaga at tiwala lang. Samantala ang imposibleng makuha na bagay eh yung...