"I don't want someone to push their self on me. Ayoko na merong taong napipilitan sa isang sitwasyon ng dahil sakin. Kung ano ang desisyon nila, kailangan nilang panindigan yun."
Its been a week after ng prom namin. Wala akong masabing iba kundi isa na iyon sa pinakamemorable na araw sa lahat. Akalain mo ba naman na kulang nalang eh isumpa ko ang prom na yan pero eto ako ngayon, inaalala ang mga nangyari - yung pagpunta ni Kael dito sa bahay, yung sayaw namin ni Stephen at Kael, yung pagkuha namin ng award bilang couple of the ngiht. Lahat. Sigurado ako na bubuhat-buhatin ko tong memories na to hanggang sa pagtungtong ko ng college.
Puspusan na ngayon ang pag-aaral namin kasi in a week, exams na namin. At napapalapit na nga ang pagannounce ng kung sino ang valedictorian - at gusto ko ako yun. Oo na, ako na yung makapal ang mukha, pero gusto ko talaga makuha yun eh. Pero kung hindi man, okay lang sakin. At least sinubukan.
Hindi muna namin napagpasyahan na gumala kasama ang barkada kasi sila mismo busy din sa pag-aaral. Siyempre, halos lahat kami kasama sa honor students. Kung iniisip niyo na nagshahsare din kami ng mga answers minsan, well minsan lang naman. Pero hindi naman tuwing exams talaga. Kung mga hindi ganun kaimportante na gawain, dun kami nagtutulungan.
Ngayong linggo, hindi muna ako lumabas ng bahay or pumunta kung saan-saan. Oo, magkasama pa din kami ng barkada umuwi, pero after that, wala na. Diretso na talaga ako sa bahay. Hindi ko lang alam sa iba. Maybe tumatambay sa bahay ng ibang barkada. Pero kung ako tatanungin nila, pass talaga ako diyan.
Si Stephen at Alisa hindi pa din namin nakakasama kahit na nabibilang nalang pagsasama namin sa loob ng campus. Nagkikita kami sa loob ng classroom pero madalan nalang kami kung magusap. Hindi ko kasi masyadong makausap ng maayos si Stephen. Palaging wala sa sarili. Kung gusto muna nila na pabayaan namin sila ni Alisa, okay. Naiintindihan ko sila. Kung meron man silang pinagdadaanang problemang dalawa, handa kaming maghintay o magtiis na mawala muna sila sa tabi namin.
Makalipas ang isang linggo, exams week na. Halfday lang kami sa loob ng tatlong araw nang pagkuha ng exam. Ibig sabihin nito, libre kami tuwing hapon. Pero hindi ibig sabihin nun, gagala kami. Of course, we'll use it para makapagstudy sa exams for tomorrow.
Sa unang araw ng exam, medyo hindi ako nahirapan. Madali lang naman kasi ang major subject na kukuhanin ko ngayon. Habang kumukuha ng exam, tinignan ko si Stephen. I forgot to remind him na kailangan ko pa la siyang itutor sa mga subejct na nahihirapan niya. Pero siya din naman eh, hindi siya nagpapakita kaya ayun nakalimutan ko na. Wala lang siyang ginagawa sa kanyang upuan kundi nakaupo lang na tila ata boss ng classroom at pakagat-kagat lang ng kanyang ballpen na hinawakan. Hindi siguro nakapag-aral.
"Stephen!" Sabi ko gamit lamang ang bibig ko; walang tunog. Tumingin siya sakin sa unang kong tawag at tinanong ako kung ano ang kailangan ko. Nagthumbs up ako sakanya para tanungin kung okay lang ba siya. Nagnod lang siya sakin at binalin ang tingin kung saan-saan. Meron kayang problema to? O meron kaya silang problema?
After ng exam sa unang araw, I never got the opportunity again para makausap si Stephen. Humarurot nalang kasi pagkatapos ng exam. Hindi ko din naman nakita sa loob ng classroom si Alisa pagkatapos ng exam, humarurot din siguro. Ano kaya ang nangyayari sa dalawang 'to?
Nauna nalang akong umuwi sa barkada kasi most of them merong pupuntahang napakaimportante. Yung iba naman napagpasyahan na magstay nalang muna sila sa campus, mabobored lang daw kasi sila sa bahay nila spending their half day na walang ginagawa kundi magmukmuok lang nang magmukmok. Try kaya nilang mag-aral.
Nagtanong din ang barkada kung nasan daw si Stephen pero isa sakanila ay walang masagot. Sinabi ko nalang sakanila na siguro, hayaan nalang muna natin silang dalawa na mapag-isa kasi siguro, yun yung kailangan nilang dalawa. Siguro, huwag muna natin slang pilitin na makisama satin baka yun pa yung maging problema.
BINABASA MO ANG
I Will Never Leave You [On-Hold]
RomanceHindi lahat ng bagay ay madaling kunin. May mahirap at may imposibleng kunin. Ang mahirap kunin na bagay ay ang mga bagay na alam mo sa huli eh makakamtan mo din. Basta't may tiyaga at tiwala lang. Samantala ang imposibleng makuha na bagay eh yung...