Kabanata 4

330 4 0
                                    

-Third Person-

Sa kabilang banda, kasalukuyang namang nag-uusap sina Ashnie at Mr.Winston Stevenson.

"Hija pasensiya ka na kung natakot ka sa gimik ng anak ko." Paghingi nito ng paumanhin sa ginawang pagdukot ng anak niyang si Gun sa dalaga si Ashnie.

"Wala po 'yon.Ok lang po." Pagpapasensya naman ng dalaga habang namamangha sa gwapong mukha ng kausap sa kabila ng katandaan.

"Gusto ko sanang sabihin na ipinagbilin ka saakin ng Daddy mo." Pagsisimula nito ng usapan.

"Po? Kilala niyo po ang Daddy ko??" Takhang tanong ng dalaga.

"Me and your Father are Childhood bestfriend. Sa katunayan nga nagtuturingan kaming magkapatid." Sabi ni Mr.Stevenson.

"Eh sino po ba kayo?? Bakit niyo po ako pinakidnapped??Wala po akong pera sila Auntie and Uncle lang po ang may pera. Mahira-----" natigil ang dalaga sa pagsasalita ng putulin ni Mr.Stevenson ang pagsasalita niya.

"Calm down hija. By the way I'm Winston Stevenson. At hinabilin ka saakin ng Daddy mo." Pagpapaliwanag ng Ginoo.

Gulat namang tumingin si Ashnie sa Ginoo. "Po??? Baka po nagkakamali kayo??" Naguguluhang tugon ng dalaga.

"Hija, Huwag kang matakot sakin. Gusto ko lang matulungan ka at magawa ang inihabilin sakin ng Daddy mo." Pagpapakalma ni Winston sa anak ng kanyang yumaong kaibigan.

"Naguguluhan po ako."kalmadong reklamo ng dalaga.

"Your Dad passed away 5 years ago. Hinanap ka namin but your Mom is too smart to hide you. Inilayo ka niya sa Daddy mo kasi napagkasunduan nila na siguruhin ang kaligtasan mo. Pinadadalhan ka niya ng pera noon. Nawalan ng Komunikasyon ang mga magulang mo dahil sa hindi pagkakaintindihan. Tapos nalaman na lang namin na namatay na pala yung Mommy mo. Hindi ka na namin naabutan kasi lumuwas ka na daw ng bansa,kasama ang mga tiyahin mo."mahabang litanya ng Ginoo.

"Po??hindi po kami nag-abroad." Naguguluhang sabi ng dalaga.

"But, Last year nung nagpaimbistiga ako , doon ko lang napag-alamang nandito ka pa rin sa Pilipinas. Hinanap ulit kita, at nakita kita sa school mo. Hindi muna ako nagpakilala kaya ngayon mo lang nalaman ang lahat." Salaysay pa ng Ginoo.

" kayo po pala yung napapansin kong sumusunod sakin. Ang galing niyo naman po para kayong spy!! *___*" natutuwang sambit ng dalaga na ikinangiwi ni Mr.Stevenson.

"No hija. You are mistaken. Yung Tauhan ko ang sumusunod sayo. Haha"
Natatawang sambit ni Mr.Stevenson.

"Ahh ganon po ba. Sorry po." Paghingi ng paumanhin ni Ashnie. Nakangiti parin kahit medyo pahiya.Iniisip na babawi na lang siya sa susunod. Pahiya konti,bukas bawi.

"It's ok." Nakangiting sambit ng Ginoo.

"Oo nga po pala. Mag-gagabi na baka po hanapin na ako nila Auntie." Pag-iiba ng dalaga ng mapatingin siya sa Wallclock ng kuwartong kinaroroonan niya

Naisip niya na naman kasi yung ipapagawa sa kanya at baka mabulyawan siya ng mga bruha kapag ginabi sa pag-uwi.

"Dito ka na lang tumira hija."pag- offer sa kanya ng Ginoo.

"Po? Hindi po pwede." Pagtanggi ng dalaga.

"Bakit naman hija??? "Takhang tanong ng Ginoo.

"Kasi po baka po hindi pumayag sila Auntie?" Pagpapaliwanag ng dalaga.

Tsaka naisip niya rin na kawawa naman yung mga Auntie niya mawawalan ng tagalaba. Kahit naman masama sa kanya ang mag-iina eh mahal niya parin ang mga ito.

Malungkot namang tumingin ang Ginoo sa kanya.

"Dadalaw dalawin ko na lang po kayo Mr.Stevenson." masayang sambit ng Dalaga.

"Call me Uncle. Kung iyan ang desisyon mo ok lang. But don't forget na welcome ka dito hija." Masayang sambit ni Mr. Stevenson.

"Thank you po Mr. Ste--- I mean Uncle." Pagpapasalamat nang dalaga at binigyan ng yakap ang kaibigan ng kanyang Ama.

Naisip niya na parang ito rin ang ama niya kahit di pa niya ito nakikilala.

"Hija,kung maaari sana ay pumunta ka dito bukas." Biglang sabi ng Ginoo.

"Bakit po?" Tanong ng dalaga.

"Nais ko lang iexplain ang lahat lahat tungkol sa iyong ama at ang pamana niya sa iyo." Sagot naman ng Ginoo.

"Po? Sige po. Anong oras po ba?" Tanong ulit ng dalaga. Pero naiisip na agad kung pano makakapagpaalam sa Auntie niya.

"Ipasusundo na lang kita Hija." Sagot ulit ng Ginoo.

'Ganon din kaya ang Daddy niya kung nakasama niya ito?' pag-iisip ng dalaga.

"Sige po. Salamat po talaga." Pagpapasalamat ng Dalaga.

"Sige hija. Mag-iingat ka huh? Maraming salamat. Ipahahatid na kita." Litanya naman ng Ginoo. " Joey ihatid mo na si Ashnie." Turan nito sa Driver nila.

"Bye po Uncle." Muling niyakap ni Ashnie ang kaibigan ng Ama.

Pumasok na ang dalaga sa loob ng Kotse. Manghang mangha siya sa magarang kotse na pag-aari ng uncle niya.

Biglang nagplay sa utak niya yung napanaginipan niyang nakikipagkarera siya ng kotse pero kaibahan niya lumilipad yung kotse sa panaginip niya. Diba walang sense.

Nahinto siya ng maalalang pagagalitan na naman siya ng bruhildang tiyahin.

Sa isip isip niya. Kung tatanggapin niya ba ang alok ng Uncle niya na tumira na lamang sa bahay nito o manatili sa kanyang tiyahin.

Nanatiling gulo ang isip ng dalaga sa alok ng kanyang Uncle na kaibigan ng Ama at sa ikwinento nito sa kanya patungkol sa yumaong ama.


Nakaramdam na lamang siya ng lungkot dahil sa pagkamatay ng ama. Di niya man lang ito nakapiling o nakilala kung anong klaseng tao ito.

Gwapo din kaya ang papa niya naiisip ng dalaga. Bigla na naman sasagot ang isang katauhan niya na siyempre Gwapo 'yo kasi kyotkyot at pretty akesh.

Patuloy na ang pagpasok ng mga walang sense na bagay sa utak ng dalaga habang nsa biyahe siya pauwi.

Falling Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now