Kabanata 7

341 6 2
                                    

-Ashnie-

🎶🎶🎶 "Candy na chocolate pa,CHUBBY.Candy na Milk pa, CHUBBY. Candy na Caramel pa. Chubby🎶🎶Chubby🎶Chub------" hindi ko na naituloy yung pagkanta ko habang kumakain.

"Bakit ba ang ingay mo???? Tsaka ano yung kinakanta mo?" Pagsusungit ni Gun na kagigising pa lang.

Nataranta naman ako.

"Ano kamusta pakiramdam mo?? May masakit ba sayo?? Ano okay ka lang ba?" Mabilisang tanong ko sa kanya.

"I'm ok. Sige aalis na ako." Sabi niya habang sinusubukang tumayo kahit hindi naman kaya.

"Hindi ka pa daw pwede umuwi." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siya bumalik sa pagkakahiga.

"Fuck!!! " napamura siya habang nakahawak sa sintido niya.

"Siya nga pala kumain ka na muna." Pag-aaya ko sa kanya habang hinahanda yung pagkain niya.

"I hate Oats."diretsyong sabi niya.

" Don't worry akin 'to." Parang napahiya siya kaya nagiwas siya ng tingin. Kapal ne'to.

Ang totoo niyan sakanya talaga 'yon, kaya para hindi ako magmukhang tanga sinabi ko na akin 'yon.

"Ano bang gusto mo??" Tanong ko.

"Ayokong kumain." Sagot niya.

"Pero hindi pwedeng hindi ka kakain." Sabi ko ulit.

"Eto gusto mo?? " -ako habang inaalok sa kanya yung kanin na may milo.

"What kind of food is that???"takhang tanong niya.

"Milo na may kanin." Nakangiting sagot ko.

"I'll taste it first." Walang emosyong sabi niya.

Inabot ko na sa kanya yung kanin na may milo.

"Oh sh*t!!!" Napamura siya nung pagkaabot niya ng kanin kasi nabigla yung sugat niya. Pa'no ying nabigla sis?

"Oh --- ano kaya mo ba??" Alalang tanong ko.

" I can't." Dumadaing na sagot niya habang nakahawak sa may tagiliran niya.

"Ok ganito na lang. Susubuan kita pero walang malisya ahhh baka kung ano isipin mo." Nahihiyang offer ko sa kanya. Aba minsan lang ako sumubo ahmm I mean magsubo.

Napangiti siya bigla sa kabila ng sakit ng tagiliran niya.

Hindi kaya may split personality 'to. May pangiti-ngiti pang nalalaman,kinikilig tuloy ako. Ayyyyyhhhh naiinis pala ako mali lang kayo ng basa.

"Bakit may iba ka pa bang iniisip?" Nakangising tanong niya na para bang nang-aasar. Feeling close ka kyah?

Parang biglang uminit yung pisngi ko. Uminit kasi nakakabwisit. Daming alam.

"You're blushing." Pairap na sabi niya.

Hindi ko tuloy alam kung may split personality 'to Eh. Ang moody. Bigla na lang ngingiti tapos bigla rin magsusingit. Tsk tsk tsk.

Falling Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now