-Ashnie-
3 days ang lumipas simula nang dalhin ko si Gun sa hospital. As usual wala pa rin namang naging maganda sa buhay ko mas lumala nga lang katulad na lang ngayon.
"Ashnie!!! Ipagluto mo nga ako ng pagkain." Utos ni Aviel.
"Coming.."
"Ashnie!!!!! Ipatong mo nga 'to diyan sa may table."tukoy ni Amiel sa hawak niyang cup. Inuutos pa kahit malapit lang sa kanya.
"Coming." ako na natataranta.
"Isampay mo nga yung nilabahan ni Yaya at nang may silbi ka naman."-Auntie na nagsusungit.
"Andyan na po Auntie.." ako na natataranta papunta kay Auntie.
Nagulat na lang ako nang biglang ihagis sakin ni Auntie yung nalabhan na mga damit kaya nagkalat 'yon sa may pintuan sa likod ng bahay.
"Bwisit kang bata ka. Ang tanga-tanga mo. Simpleng tawag lang sayo di ka pa matawag. Labhan mo ulit yan lahat." Galit na galit na sigaw ni Auntie.
Malademonyong nakangiti naman yung kambal kong pinsan habang pinupulot ko yung mga damit.
"Hampaslupa."bulong ni Amiel.
"Poor bitch." bulong din ni Aviel.
Tumalikod na si Auntie at sumunod naman sa kanya yung kambal habang umiirap bago tumalikod saakin.
Hays tinopak na naman ang mag-iina.
Pupulutin na sana ni Yaya yung damit para tulungan ako pero biglang humarap si Auntie.
"Don't you dare to help her!" Matigas na sambit ni Auntie na dahilan ng pagpatak ng luha ko pero wala pang sipon.
"Pasensya na po kayo Ma'am." Paghingi ng sorry ni Ate Lena pagtalikod ni Auntie.
"Okay lang po." Naluluhang sabi ko.
See........
Inayos ko yung kinalat ni Auntie at muling nilabhan.Sa pagkakaalam ko lang restday ko and wala kaming prof ngayon.
Pero sa lagay na 'to mukha bang nakakapagpahinga ako. Tsk.
I really love my life. Tsk. Pero okay na 'to kesa naman nangangalakal ako sa lansangan at natutulog sa ilalim ng tulay.
Basta kakayanin ko 'to. *sob* *sob* *sob* *sob**sob* *plok* Pinutok ko ulit yung lumobo kong sipon.
Ano ka ba naman Ashnie?! Masanay ka na nga. Ganyan talaga ang buhay lumolobo ang sipon.
Sana lang kasama ko pa si Mommy.
Lalong bumuhos yung luha ko ng maalala ko na naman si Mommy.
*sob* *sob* *sob* Huhuhu dati si Mommu tagapunad ng sipon ko ngayon tamang putok na lang ako.
Habang umiiyak, hindi ko namalayang tapos na pala ako sa paglalaba at nasampay ko na rin.
Pinunasan ko na lang yung natitirang luha sa mata ko para matigil na ang pag-iyak ko.
Aakyat na sana ako para magpahinga ng biglang nag-utos na naman si Amiel.
"Hi Ashnie." Nakangiting bati nito saakin.
Tsk. May kailangan na naman.Singahan ko 'to eh.
"Oh Anong kailangan mo?" Malumanay na tanong ko. Mahirap na baka mapasama lang ako.
"May iuutos lang ako sayo.*insert evil grin*"-Amiel
Bigla naman akong kinabahan sa ngiti niya.
"A--aa--no 'yonnn??" Utal utal na tanong ko dahil sa kaba.

YOU ARE READING
Falling Inlove with a Monster
Любовные романыAno nga ba ang mangyayari kapag nagkrus ang landas ng isang loka-loka at painosenteng slight na babae at ang toyoing lalaki? Isama pa ang mga kaibigan nitong may bobo, may gago, may tarantado. Basahin niyo na lang kapatid.