Kabanata 6

306 7 0
                                    

-Gun-

Dumiretso ako sa bahay. Alas otso na ako naka-uwi.

Pagpasok ko sa mansion nadatnan ko si Gurang.

"Saan ka galing?" Tanong ni Gurang with authority.

"You don't even care about me. Tapos nagtatanong ka ngayon." Bored na sagot ko.

"By the way sunduin mo si Ashnie maya-maya." Pag-iiba nito ng topic. May inabot siyang address kung saan ko susunduin yung Ashnie raw?

"At ano naman ang mapapala ko kung susundin kita?" Tanong ko.

" Very simple. New car?" Nakangiting sagot niya.

"Okay. Fine. Oh Color gray." Poker face na sagot ko.

"How about pink?" putsa may katok din 'tong gurang eh.

" Ikaw magsundo." inis na sagot ko.

"Just kidding Totoy." hays.

Here we go again. Teasing me with that name doesn't make me feel good about him. It's sucks.

Umirap nalang ako. "K.Bihis na ko."

Tumango na lang siya. Kaya gusto kong inuutusan ako ehh may kapalit diba buhahaha.

Dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis at nang masundo ko na yung pinapasundo sakin.

Ginaganahan ako pag ganito yung kapalit ng utos sakin.

Binuhusan ko lang ng alcohol yung nasaksak sakin tapos nilagyan ko ng bandage. Nagbihis lang ako ng Puting shirt tapos pinatungan ko ng jacket para hindi mahalata.

Bumaba ako para kumuha ng sandwich sa kitchen tapos kinuha ko na rin yung isang bowl na bacon.

Tamang tama naman kasi Naghahanda na si Manang.

"Manang Pahingi ahhh." Malambing na sabi ko.

"Ikaw talagang bata. Saan ka na naman ba pupunta?" Malumanay na tanong niya.

"Inutusan po ako ni Daddy." Magalang na sagot ko.

Si Manang lang yung close ko dito sa bahay kasi simula nang mamatay si Mommy siya na ang nag-alaga sakin.

"Sige po Manang aalis na ko salamat po." Paalam ko habang bitbit yung mga sandwich pati yung isang bowl ng bacon.

"Bakit parang may sakit ka? " nag-aalalang tanong nito. "Masama ba pakiramdam mo?" Dagdag pa nito.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. "Ok lang po ako Manang. Aalis na po ako." Pagpapaalam ko.

"Oh siya sige mag-ingat ka huh?" Malambing na saad nito.

"Sige po. Bye Manang." Malambing na sabi ko ulit.

Sumakay agad ako sa kotse at inilapag sa tabi yung bowl habang nginunguya yung sanwich. Tinungo ang lugar na nakasulat sa address.

Magdodoor bell na sana ako sa medyo malaking bahay nang makita ko si Ashnie na palabas.

Napatulala siya.

Tsk!! na-starstruck na naman sa kagwapuhan ko.

"Ano tutulala ka na lang ba diyan?" Bored na tanong ko.

"Ah-- eh-- ah-- ie " utal na sabi niya. At nagmadaling sumunod saakin papasok ng kotse.

"By the way ipinasundo ka saakin ni Dad." Walang emosyong sabi ko.

Parang bigla akong nahilo pagpasok ko sa loob ng sasakyan.

"Ano kasi--- bakit namumutla ka?" Parang natatakot na tanong ni Ashnie.

Falling Inlove with a MonsterWhere stories live. Discover now