~PRESENT~
Cass's POV"Cass! Gising na!"
Rinig kong sigaw ni mom habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Yes mom! I'm coming!" tugon ko. First day ko ngayon sa Anderson Royal Academy. I'm not excited nor feel nervous. 50/50. You know?
Mabilis akong bumangon, kumain, naligo at nagbihis. First day ko ngayon sa Anderson Royal Academy. Pangalan palang ng school mukhang mamahalin. Yup, nilipat ako ni mommy dito para daw mapagtuunan ko ng pansin yung studies ko. Simula kasi nung iniwan ako ni Jacob, lagi nalang akong bagsak at hindi maka-focus sa studies ko kaya naman ito, bumagsak sa mamahaling paaralan na ayaw kong pasukan.
Kahit naman ilipat nila ako ng ibang school, ganito pa rin ako. Nasa akin pa rin ang sakit.
(Peep, peep.....)
Gosh, masasabi ko na talagang napaka-yaman ng school na papasukan ko, kasi sila mismo ang nagpo-provide ng school bus.
"Cassandra!" Sigaw ni mommy, habang nakadungaw ako sa bintana ng kwarto ko.
"Wait mom!" tugon ko. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at inayos ang aking uniform habang nakatingin sa salamin.
White ang uniform ko and long sleeve siya. And bukas naman, sleeveless ang uniform ko. May mga schedule kasi ang pagsusuot namin ng uniform, Haysss! Daming Alam! May nakapatong ding chaleco na color brown sa aking uniform, kaya bumagay ito sa palda kong brown din under knee ang palda namin, long socks required.
Pagkatapos ko mag-ayos, bumaba agad ako at kiniss si mommy sa cheeks. Nang nakarating na ako sa harap ng aming pintuan, bigla akong napahinto ng marinig ko
ang sigaw ni mommy."Bye Cass! Good Luck for your first day!" Nilingon ko siya at agad akong kumaway.
Napabuntong hininga ako at binulong sa sarili, "Kaya mo yan Cassandra! Go lang ng go!"
Pag-akyat ko sa school bus, Thanks god ako ang unang stop ni manong! Syempre malaya akong makakapili ng aking uupuan.
Umupo ako sa bandang gitna ng bus at umupo sa tabi ng salamin, at dahil dalawahan lang ang upuan, nilagay ko naman ang aking bag sa tabi ko dahil ayokong may makatabi ako or ayokong may tumabi sa akin.
"Hey, miss?! Are you listening?! Hey! Wake up!"
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, at nagising nalang dahil sa sigaw ng isang babae.
"Thanks God you're awake." Bulong niya sa sarili pero narinig ko pa rin yun.
"Excuse me?"
"Pwede ba akong makiupo sa tabi mo? Wala na kasing bakanteng upuan."
"Uhmm, Yeah sure." Agad kong tugon.
Inalis ko ang bag ko at ipinatong ito sa aking lap. At umupo na siya doon. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata at ituloy ang aking tulog ng bigla ko siyang narinig na magsalita.
"By the way, I'm Athena, Athena Lauren Ocampo." Sabay abot ng kamay niya sa akin.
Ang friendly naman niya. Kaya inabot ko din ang aking kamay sa kanya.
"Cassandra Skye Monteviero. But you can call me, Cass."
"New student?" tanong niya.
"Yeah"
Napatingin ako sa kanya. "You're pretty huh? It suits to your name." sambit ko kahit na si Aphrodite talaga ang Goddess of Beauty. Hahahahaha.
"Oh, Thank you Cass! Same to you!"
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Cass?"
BINABASA MO ANG
Money Can't Buy Love #Wattys2017
Ficção AdolescenteAno ang iyong gagawin kung nalaman mong niloko ka ng isang taong minahal mo at nalamang ginawa niya iyon para lang sa pera at kapangyahiran. Mamahalin mo pa din ba siya? Ano ang iyong gagawin kung alam mong mahal mo na siya at mahal ka na din niya...