Cass's POV
Natapos ang gabing iyon ng nagki-kwentuhan kami ni Luky. Ay, ano ba yan! Nasabi ko bang 'Luky'? Shete.
--
-
-
-
-
~~~~~KINABUKASAN~~~~~
"Oh, bakit parang hindi kayo mapakali diyan?" *Yawn*
Pagtataka ko. Kasi ba naman, nagising ako sa mga paang nagtatakbuhan. Tsk.
"Oh, Cass gising ka na pala." Excited na sabi ni Yanie.
Ay hindi, tulog pa kaya ako. Kaya nga ako nakakapagsalita ehh. Talaga ohh!
"Ano meron?" Tanong ko sa kanya.
"There's no classes today! There's a security problem daw kasi. And guess what? Pwede tayong mamasyal! " Excited na sabi ni Stacey with matching talon pa!
"Ahh so, kailan daw deadline nung project natin?" Tanong ko Kay Stacey.
"Ahh ayun, sa Monday nalang daw. Tss. Sayang tuloy yung pinagpuyatan ko kagabi." Pagrereklamo ni Stacey. Napangiti nalang ako sa reasyon niya.
"Cass, Ano pang ginagawa mo diyan?! Mag-impake ka na." Athena.
"Huh?! Kala ko ba mamamasyal lang tayo? So, why do I have to pack my things?" Pagtataka ko. Mamamasyal daw tapos mag-iimpake? Ang gulo ah.
"Kulang kulang kasi magkwento itong si Stacey eh. She forgot to say that is is long vacation. It means days tayo magi-istay dun sa lugar na sinabi nila. No one knows where that place is but, all we know is were going to ENJOY!"
Diniinan pa talaga ni Athena yung word na 'enjoy' sa bagay, nakaka-excite nga naman. Pero hindi ko maintindihan kung ano yung 'security problem' ng school na ito Haysss.
Pagkatapos nila sabihin iyon, ay agad na akong nag-impake. Pagkatapos, nagpaalam muna ako sa kanila na bibili lang ako ng school supplies na kakailanganin ko sa project. Aba! Kahit bakasyon iyon, kailangan ko pa din gumawa ng tungkulin ko noh! Good Girl ako ehh! HAHAHA!
Habang nasa hallway, kapansin pansin yung mga estudyanteng nagtatakbuhan, takbo dito, takbo doon. Excited lang? Matapos kong bumili ng mga kailangan ko, nakasalubong ko si Matthew.
"Hi Cass! Tulungan na kita" Wala na din naman akong choice madami yung bitbit ko. Pero atleast gentleman. HAHA!
Habang naglalakad, naisipan kong itanong sa kanya yung tungkol dun sa 'security problem' ng school na ito. Baka lang naman may alam siya diba?
"Ah, Matt Do you have an idea kung bakit tayo pina-vacation? Kasi naisip ko, 2 days palang since nag-start yung class then may mga ganito na agad."
"Uhmmmm, Bakit mo naman naisipan itanong?" Ngumisi siya ng nakakaloko. Loko-loko ata ito ehh!
"Wala naman. Nakakapagtaka lang."
"Sa bagay, hindi ko din alam kung bakit ehh." Tumango tango nalang ako. Hanggang sa makarating na kami sa Girls' Dormitory. Hindi talaga sila sumusunod sa mga rules and regulations ng school. Hays. Para saan pa yung mga iyon kung hindi din naman nila susundin. Tsk!
Nang makarating kami roon, binigay niya na yung mga gamit ko at nagpasalamat sa kanya.
"Cass! Kunin mo na yung gamit mo! Aalis na yung bus in 10 min."
BINABASA MO ANG
Money Can't Buy Love #Wattys2017
Novela JuvenilAno ang iyong gagawin kung nalaman mong niloko ka ng isang taong minahal mo at nalamang ginawa niya iyon para lang sa pera at kapangyahiran. Mamahalin mo pa din ba siya? Ano ang iyong gagawin kung alam mong mahal mo na siya at mahal ka na din niya...