PROLOGUE

726 48 4
                                    

Cass's POV

October 12, Anniversary namin ni Jacob. Sunday morning tinext niya akong magkikita kami sa park, at mag-ayos daw ako . My Gosh! Hindi ko alam kung bakit ganto ako nararamdaman ko kahit na 1 year na kami, hindi pa rin mawawala sa akin yung kilig! 

Agad agad naman akong naghanda, nagbihis ng bistida na color red. Kung hindi niyo naitatanong, red is my favorite color kasi it represents bravery. Naglagay naman ako ng light blush make-up sa aking pisngi at light color lipstick. And my hair? I really ,really love my hair. Definitely! Kinulot ko ang ibabang bahagi ng aking buhok. And, I'm Done! 

Agad agad naman akong pumunta sa sinabi niyang park, cause I don't want him to wait. Ayieeee!!! Pag punta ko roon, umupo ako sa isang bench at hinintay siya.

 I waited, pero 30 minutes na akong nakaupo dito at wala pa rin siya, kaya nag-alala na ako ng husto at wala na akong nagawa kundi ang i-text siya pero hindi niya ito nabasa, ni-"seen" hindi niya nagawa. Kaya agad akong naglibot sa park at nagbabakasakaling makita siya.

Tuwang-tuwa ako ng makita ko siya sa isang bench at naisipan ko agad na lumapit pero bigla akong napahinto ng may lumapit sa kanyang babae at hinalikan siya sa cheeks. "What?!" bulong ko sa sarili. Hindi agad ako nagdalawang isip na lumapit sa kanila.

Agad kong hinila ang babaing kanina ay hinalikan niya. "Walang hiya ka!" Sabay sinampal ito at sinabunutan. Syempre ikaw ba naman ang nasa kalagayan ko alam ko ganito rin ang gagawin mo. 

Agad namang pumagitna sa amin si Jacob habang nagtatago sa likod niya yung walang hiyang babaeng iyon. "What's the meaning of this Jacob?!" pauna kong sabi. Pero biglang nagsalita ang isang ito. 

"Who are you?!"

"Me?! Huh? Ako lang naman ang nag-iisang girlfriend ni Jacob!" At bigla ko siyang tinarayan.

"Oh, Poor little girl, Do you know that, I'M THE ONE AND ONLY GIRLFRIEND OF JACOB?!" Madiin niyang pagkakasabi.

"Jacob, Tell her the TRUTH!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Sorry, Skye." 

"What are you saying?! Sorry?!"

"I'm sorry talaga Skye. I can't take this anymore."

"What?! M-may ginawa ba akong masama? Tell me! Don't do this to me Jacob. Please.." Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pang gustong kumawala galing sa aking mga mata.

"Sorry talaga." Sorry? Sa lahat ng pinagsamahan namin, sorry? The hell!

Pagkasabi niya nun ay sabay silang tumalikod ng lintang yun at hindi na ako nilingon pa. Agad ko namang naramdaman ang paunti-unting tulo ng aking mga luha. Hindi ko maintindihan lahat ng mga pinagsasabi niya. May nagawa ba akong mali? Ano yun? Wala lang sakanya yung 1year naming pinagsamahan?! Malaking kalokohan!

Pero hindi ko na siya kahit kailan hahabulin pa. Kung ganyan ang gusto niya, fine. Hindi siya kawalan tandaan niya yan. Oo, mahina akong tao pagdating sa mga ganito pero hanggat maaari, hindi na ako iiyak pa.

Simula noon, hindi na ako pumayag na lokohin ulit ako. Salamat sa kanila at natuto na ako maging matatag at matibay. Hindi ko hahayaang maulit ulit ang sakit na naramdaman ko noon. Dahil kapag naulit ulit iyon, hindi ko na kakayanin ang sakit na maidudulot nun.

Money Can't Buy Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon