Luke's POV
Pagkatapos magpakilala nung Cassandra na yun. Tinignan ko siya ngumiti ako at kinindatan siya. Ha, kala niya ha! Kala niya ba matatakasan niya yung sinabi niya kaninatungkol sa akin? Good Thing alam ko na ang name niya.
Pagkatapos namin lahat magpakilala, syempre first day, maglalaro lang muna kami.Grabe ang corny! (The Boat is Sinking) Childish Game ang lalaruin naming mga Grade 11? No Way!
Pinatayo na kaming lahat at ginilid ang aming mga upuan. Tinaas ko agad ang aking kanang kamay at sinabing....
"Ma'am, pasensya na po pero hindi ako makakasali sa laro. I'm not feeling well"
Ayoko talaga maglaro lalo na kung pambatang laro ito, at tsaka baka mamaya samantalahin ng ibang mga babae dito yung laro para makayakap sa akin.
Sana maniwala si ma'am sa pagpapalusot kong ito.
"Okay ka lang ba Luke" Tanong sa akin ni Stacey, bestfriend ko.
Buti nalang nandiyan si Stacey, tulong na rin siya para mapaniwala ko si Ma'am.
"Yes I'm okay. But I don't know why I'm not feeling well."
"Are you sure you're okay, Mr. Anderson? Do you want to go to the clinic?" tanong ni ma'am.
"No ma'am it's okay."
"Okay then, just sit there."
Yes! Napaniwala ko si ma'am! Ang galing ko talaga! Gwapo na nga, may utak pa!
At nagsimula na nga sila sa paglalaro. Nakatuon ang aking paningin sa Cassandra na iyon. Hindi ko alam kung paano ko siya magagantihan. Tsk! Ano kaya kung........
"Okay ka lang ba?"
Biglang may babaeng nadulas dahil sa pagkakatulak sa kanya. Mabuti nalang at nasalo ko siya. Nilingon niya ako. Nagulat ako ng linguini niya ako.
"Ah-O-okay-l-lang-n-naman-a-ako. M-maraming-s-salamat." Cassandra said
Pautal-utal niyang sabi. Bigla niya nalang tinaggal ang aking mga kamay na nakayakap pa rin sa kanyang baywang. Tumayo siya ng tuwid at sinabing......
"Thanks again."
Tumalikod na siya at umupo sa kanyang upuan. Ang awkward lang talaga. Hahaha. Siguro nahihiya siya sa akin. Syempre, I'm Luke. The one and only.
Pagkatapos ng laro, pina-break na kami ni Ms. Mendoza para kumain ng lunch habnag papunta ako sa cafeteria, hindi pa rin maiiwasan yung mga babaeng nakatingin sa akin. Bakit kasi ang gwapo ko ehh!
"Luke!"
Bigla akong napahinto ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
"Yow, bro! What's up?"
Lumapit ako sa kanya na nasa loob ng cafeteria, dun din naman ang tuloy ko kaya umupo na lang ako dun sa table niya.
"Thanks bro! Dahil sa iyo napadali ang pagpasok ko dito sa ARA, walang kahirap-hirap.!"
"Ha! Pasalamat ka talaga sa akin, kasi kung hindi dahil sa akin, hindi ka makakapasok dito ng ganon ganon lang"
"Oo na ito na nga po ehh, nagpapasalamat na nga po diba?"
"Tssk."
Pagkatapos ng usapan namin ay nag-order kami ng makakain. Nagkwentuhan, at nagbiruan.
"Ayos ka na ba ngayon Jacob?" tanong ko sa kanya.
"Oo ayos naman na ako ngayon"
"Mabuti naman kung ganon."
Pagkatapos namin kumain at mag-kwentuhan dumiretso na kami sa room namin.
BINABASA MO ANG
Money Can't Buy Love #Wattys2017
Teen FictionAno ang iyong gagawin kung nalaman mong niloko ka ng isang taong minahal mo at nalamang ginawa niya iyon para lang sa pera at kapangyahiran. Mamahalin mo pa din ba siya? Ano ang iyong gagawin kung alam mong mahal mo na siya at mahal ka na din niya...