Chapter 9: Past

241 17 2
                                    


"Jacob?"


"S-skye?"


"Magkakilala kayo? Ang liit nga naman talaga ng mundo noh?"


Hanggang ngayon, Skye pa rin pala talaga ang tawag niya sa akin. Siya lang ang taong tumawag sa akin ng ganyan. Naaalala ko pa dati ang pa-- Hindi ko na dapat alalahanin pa ang nakaraan. Ang nakaraan, ay isa nalang nakaraan at wala na dapat akong idahilan para balikan pa ang mga ito.


Nakakita ako ng mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Bakit siya umiiyak? Wala siyang karapatang masaktan. Kung sino man ang may karapatang masaktan dito, ako dapat iyon. Ako.


Kinuha ko ang gamit ko at tumayo.


"Pasensya na Luke. Mamaya na natin ito ituloy." Nakayuko ako habang nagsasalita. At lumakad palayo sa kanila.


"Cassy!" Sigaw ni Luke.


Agad akong napahinto sa paglalakad at nagsalita.


"Masakit ang puso ko. Sana maintindihan mo."


Tuluyan na akong bumaba at dumiretso sa kwarto. Mabuti nalang at wala sila dito. Bumaba ako dahil ayokong makita ni Jacob na nasasaktan ako hanggang ngayon. Ayokong makita niya na may epekto pa rin sa akin ang ginawa niyang panloloko dahil ipinangako ko na sa aking sarili na hindi na ako iiyak pa, hindi ko na hahayaang lokohin nila ako, hindi na ako magpapaka-tanga sa pag-ibig.


Oo, wala na akong nararamdaman para sa kanya. Dahil matagal ko na iyong kinalimutan. Naiiyak ako dahil niloko niya ako, naiiyak ako dahil hinayaan ko ang aking sarili na maloko ng iba. Napakatanga ko.


Hindi ko na napigilan ang aking sarili at umiyak. Umupo ako sa aking higaan, tinakpan ang aking mukha gamit ang aking kamay at hinayaan ang aking sarili na umiyak.


Ang hindi ko maintindihan, bakit siya naiyak ng nakita niyang may pumatak na luha galing sa aking mata. Siya pa talaga ang may lakas ng loob na umiyak at masaktan? Ang kapal ng mukha niya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Wala na akong magawa kundi ang umiyak.


Napatigil ako sa pag-iyak ng may tumapik tapik sa aking likuran. Shete. Naiwan ko palang nakabukas yung pintuan. Lalo tuloy akong naiyak. Hinarap ko siya at niyakap. Sa pagyakap ko sa kanya, hindi ko na napansin kung sino siya. Ang mahalaga sa akin, may taong mag-cocomfort at nanjan para sa akin. Iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kanya. Habang siya naman ay tinapik tapik ng marahan ang aking likuran.


"Ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo, nandito lang ako. Hindi kita iiwan."Napakalas ako sa pagkakayakap ng marinig ko ang boses niya.


"Luke." Hindi ko parin mapigilan ang patuloy na pagbagsak ng aking mga luha. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking mukha at tinggal ang aking mga luha.


"Naiintindihan kita. Ilabas mo lang yan." Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso ng yakapin niya ako.

Money Can't Buy Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon