Chapter 4: First Dance

397 26 2
                                    

Cass's POV

"Luke! Hindi talaga ako marunong sumayaw promise!"

Pilit kong sinasabi sa kanya habang hawak niya ang kamay ko at tumatakbo kami papunta sa gitna.

Oo, hindi maiiwasan na tignan kami ng maraming tao. Pero kung ako ang tatanungin, kanina ko pa dapat hinatak ang kamay ko at tumakbo palayo sa kanya.

Pero hindi ko magawa kasi una sa lahat, baka totohanin niya na sasabihin niya talaga kay Matthew syempre nakakahiya yun. Pangalawa, ayoko siyang mapahiya sa harap ng maraming tao, sasabihi nila na ang arte ko at iba pang mga bagay. Ayoko naman nun!

Pero, pagbibigyan ko lang talaga itong lalaking ito, total party naman ngayon. So, walang malisya kung makipag sayaw ako sa kanya.

Nang makarating na kami sa gitna, As in gitna talaga kami! Nasa itaas namin yung chandelier!

"I told you, akong bahala sayo."

Hindi naman ako agad nakasagot sa sinabi niya nang bigla niya akong hawakan sa kamay at hatakin papalapit sa kanya.

"Hey!"

Pasigaw kong sabi sa pagmu-mukha niya. Pa(hey,hey) pa akong nalalaman pero deep inside parang kinikilig ako. May word yan na (PARANG) wag kayong ano!

"What?! I just want to dance with you."

"Basta yung pangako mo yung tuparin mo! Yun ang mahalaga! Tss!" Pasigaw kong sabi.

"Yes madam.... Kapag ako nangako, tutuparin ko. Bakit hindi ba halata sa mukha kong ito? Kapag ganito ka-gwapong mukha, hindi nanloloko. Always remember that madam."

Daming alam ng lalaking to ahh! May pagwapo-gwapo pa siyang nalalaman! Pero kung hindi lang talaga siya gwapo, naku hinding hindi ako papayag makipag-sayaw sa kanya. Pasalamat siya may taste ako!

"Anong madam?! Madamin mo yang mukha mo!"

At sabay naman siyang tumawa ng malakas. Palagay niya ba nagbibiro ako?

Bigla niya nalang kinuha ang isa kong kamay, at nilagay ito sa balikat niya.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Nakakaramdam ako ng mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. Nagba-blush na ata ako. Hindi niya ito pwedeng mapansin!

Gosh! First dance ko ito! At hindi ko matanggap na siya yung kasama ko! *HUHUHU.

"You are beautiful, tonight."

Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita. Tinignan ko ang maamo niyang mukha. Napaka-gwapo niya talaga. Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwala na sasayaw ako, kasama ng heartthrob ng school na ito. Ang awkward lang.

"Thanks." 

At nagsimula na nga ang tugtog.

(PLAYING- I'll Be There)

First time I laid my eyes on someone like you

"Tss. Ang pangit naman ng tugtog na to" Pa-reklamo niyang sabi.

I can't forget the hour, that moment with you

"HAHA! ok na din yan."

"Nagagandahan ka sa tugtog na iyan?"

Then I have realized

"Ewan."

Nang sabihin ko iyon ay agad niya akong binitawan at biglang lumakad palayo. Hindi na siya naka-alis ng hawakan ko ang braso niya.

"Teka? San ka pupunta? Bakit tapos na ba yung agreement natin?" Nakangiti kong sabi.

Love is growing deep inside

Money Can't Buy Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon