Chapter 5: The Fake Confession

299 26 13
                                    


Luke's POV

"Bro! Luke! Wake up!" rinig kong boses ni Jacob habang nakapikit ang aking mga mata.

"What?!" Sabay kong sigaw sa kanya habang siya ay na bu-butones ng kanyang uniform.

"It's already 6:30!"

Pagkasabi niya nun ay bigla agad akong bumangon sa aking higaan at dumiretso na sa c.r., nagbihis at hinanda ang aking mga gamit.

Habang nagbu-butones ako, napansin kong wala si Matthew.

"Where's Matt?" Diretso kong tanong kay Vince.

"Nauna na bro, naunahan ka na."

Pagkasabi nun ni Vince ay bigla namang tumaas ang dugo ko sa sobrang galit sa aking sarili. Naiinis ako, kung bakit kasi lagi akong late magising! 

"Sige mga bro, una na ako sa inyo ha." Pagkasabi ko nun ay agad ko ng kinuha ang aking mga gamit at dumiretso na sa room namin.

Nang makarating na ako sa room namin, mas lalong nag-init ang dugo ko ng makita ko si Matt katabi si Cass, pasalamat siya wala pa ang professor namin kaya nagagawang lumipat ng upuan ni Matt. 

Grabe din talaga itong babaeng ito ehh! Hindi ba siya nahihiya na kasama niya yang lalaking yan?! Nako! 

Umupo naman ako kung saan ako naka-upo kahapon. Habang tumatagal lalong umiinit ang ulo ko sa mga nakikita ko! Kung akit kasi kaklase ko pa tong anak ng bestfriend ng Dad ko! Nakakainis!

Maya-maya nakarating na rin ang prof.  namin sa wakas!

"Good Morning class, go back to your proper seats now!"

Bumalik naman agad si Matt sa upuan niya. Ha! Buti nga! Balik!!!

"Before we start, Mag-pray muna tayo. Okay, all rise."

At lahat naman kami ay tumayo.

"Who wants to lead the prayer?" Tanong ni Ms. Mendoza

Walang nagtaas ng kamay maliban kay .......

"Very Good Cassandra! Go ahead."

Agad namang pumunta si Cassandra sa harapan at nagdasal. Ngayon ko lang siya makitang ganito kaseryoso. Ang cute niya tignan kapag nagdadasal siya.

After niya magdasal, umupo na siya at nagsimula ng magturo si Ms.Mendoza. Dahil history ang tinuturo niya, wala akong ganang makinig. Nakaka-bored kaya! Napatingin na lang ako kay Cassandra na ngayon ay nakikinig sa lesson namin. Napaisip na rin ako kung ano ang sunod kong plano at baka maka-puntos nanaman si Matthew.

Yes! nakaisip na ako. Ay, wag na lang kaya yon. Ay sige na nga. Wag na lang ka-

"Mr. Anderson, how long have you been staring at Cassandra?" Napahinto ako dun sa sinabi ni Ms. Mendoza kaya bigla kong inayos ang aking pagkaka-upo at humarap sa kanya.

Pero hindi talaga maiiwasan tong mga tsismosa na to. Mga walang magawa sa buhay.

"Ayieeeeeeee! Bagong love team na ba ito?!" Sigaw nung best friend ni Cassandra na si Athena.

Love team?! Love team niyo mukha niyo! Hindi niyo lang kasi alam yung iniisip ko ehh! Teka? Ito na lang kaya ang gawin kong paraan para maka-puntos?

"Oo nga! LuCass nalang!" Sigaw ng bakla kong kaklase.

"Hindi! Ang pangit! Hindi bagay! Bakit ba kasi ang hirap pagsamahin ng mga names niyo!" Sigaw naman ni Rianne.

Oo nga naman kasi! Bakit kasi ganon pangalan ng Cassandra na iyon ehh! Pero atleast maganda yung target namin! 

Money Can't Buy Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon