Chapter 7: Secret Garden

265 23 8
                                    

Luke's POV

Nang makarating na kami ni Cassandra sa dormitory, nagpaiwan na siya dahil baka daw may makakita pa sa amin. Hindi ko na siya pinilit pa at nagpaalam na sa kanya. Nang papunta na ako sa dormitory ng boys, nakasalubong ko si Jacob.

"Cob!" Sabay kumaway ako sa kanya.

"Oh Luke, anong ginawa mo sa girls dormitory? Sino yan? Pakilala mo naman!"

"Sira! May hinatid lang ako. Tsaka nililigawan ko pa lang naman ehh! Hindi pa ako sinasagot." Sabi ko habang naka-sad face.

"Sige sige. Pakilala mo bukas ha! Good Luck! Sana hindi ka niya sagutin!"

Binatukan ko nga! Sira talaga!

"Sasagutin ako nun. "

"Sabi mo ehhhh. Halika na nga."

Sabay na kaming umakyat sa Boys' Dormitory. Pag-akyat namin, nakita namin sina Matt and Vince.

"Hey Luke! Galing mo kanina ahhh! May pa 'love team love team' ka pang nalalaman! Nice one!" Papuri ni Vince habang si Matt naman ay walang pakialam habang nakahiga sa bed.

"Ako pa! Tsss!" Pagmamayabang ko. Pero, deep inside nagsisisi talaga ako sa mga pinag-gagagawa ko.

"Dahil diyan, 2-4 na ang score niyo! Lamang si Luke! Nice!"

"Guys, ano yang pinag-uusapan niyo? Anong score? Para saan?" Nagtinginan kaming tatlo nila Vince and Matt. Napag-usapan kasi naming hindi na namin kailangang ipaalam kay Jacob ang pustahan naming ito para hindi na siya makaabala sa amin. Wala din namang mangyayari kung hindi namin sasabihin sa kanya ehhh diba?"

"Wala. Yung sa laro namin yun. Basta! Walang kwentang laro." Pagkasabi ko nun, napaisip agad ako. Oo, tama yung sinabi ko, wala naman talagang kwentang laro itong ginagawa namin. Besides nakakasakit pa kami ng iba. So, masasabi ko talagang this game is none sense.

"Ok." Matipid niyang sabi sa amin.

Mabuti nalang at hindi na siya nagtanong ng kung ano ano pa.

"Bro, tulog muna ako ha. Wag niyo ko gigisingin. Tsss"

"Bahala ka diyan. Matulog ka lang ng matulog." Nang sabihin iyon ni Matt, humiga na ako at nagpahinga.

(Cass's POV)

Pagka-akyat ko sa kwarto namin, nandun na si Stacey at gumagawa ng projects. Bigla kong naalala hindi ko pa pala nagagawa yung project ko! Patay na! Ano ba naman yan!

"Hi Stacey! Kelan mo ipapasa yang project mo?"

Syempre, kailangan ko malaman para makasabay ako sa kanya sa pag pasa.

"Ahhh ito? Bukas ko ito ipapasa. Ikaw? Kelan ka magpapasa ng projects mo?"

"Yun nga ehh, hindi pa kasi ako nakakapagsimula. Gusto ko sana sayo sumabay sa pagpasa. Sabay tayo bukas ha?" Pagyayaya ko sa kanya.

"Sure. Gusto mo tulungan na kita gumawa ng projects mo?"

Ang bait talaga nito ni Stacey ehhh! May pagka-baliw lang minsan.

"Thank you Stacey. Pero mamaya ko pa kasi gagawin yung projects ko ehh. Magpapahinga muna ako. Hindi kasi maganda yung pakiramdam ko ehhh."

"Ahhh ganon ba? Sige. Magpahinga ka na but tell me if you need anything okay?"

"Yes. Thanks"

Humiga na ako sa higaan ko at nagpahingaa. Kailangan ko matulog ng maaga para maaga din ako magigising mamaya. Kailangan ko pa gawin yung mga projects ko ehh. Sa friday na kasi deadline nun. Wednesday na kasi ngayon. Hay, mamaya ko na yan po-problemahin. Ang mabuti pa't magpahinga na ako.

Money Can't Buy Love #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon