Luke's POV
"Luke?"
Napatigil ako at napalingon sa aking likuran.
"S-stacey? What are you doing here?" Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mata. Ayoko pang magtanong siya sa akin ng kung ano-ano. Napatawa naman siya sa sinabi ko.
"Ano ka ba naman Luke! We are here for our activity right? Masama ba kung nandito ako?" Patawa niyang sabi. Oo nga naman kasi bakit ko ba kasi naitanong iyon.
"Paano kung sabihin kong oo! HAHAHA!" Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay hinampas niya ako ng malakas sa braso ko.
"Ouch! I'm just joking!" Ganyan kami ka close ng bestfriend kong yan. Simula nakilala ko si Jacob, nakilala ko na din noon si Stacey. Pinakilala siya sa akin ni Jacob bilang pinsan niya. At ang hindi ko alam, si Stacey rin pala ang nagpanggap bilang kasintahan ni Jacob. Itanong ko kaya sa kanya?
"Uhmm Stacey. Pwede magtanong?"
"Haha! Kahit kailan talaga Luke! Nagtatanong ka na kaya!" Sabay tawa nanaman. Parehas na parehas sila ng pinsan niya.
"Hindi ko alam kung paano uumpisahan.." Kaya mo yan Luke.
"It's okay. Ask me."
"Bakit ka pumayag na magpanggap dati na kasintahan mo si Jacob dun sa girlfriend niya?" Oops, wrong timing. Biglang nagbago ang ekspresyon niya sa mukha at nagsalubong ang kanyang kilay.
"How did you know? Sinabi ba sayo ni Jacob?"
"Oo, sinabi niya sa akin."
"Forget about that okay? Matagal na yun. And bakit mo pala natanong?" KInabahan ako sa tanong niya. Oo nga naman. Bakit ko naitanong? Wait, alam niya na kaya na si Cassandra yung babaeng iyon?
"Wala lang, alam mo naman na bestfriend ko yun si Jacob diba? Masama bang malaman ng bestfriend niya? By the way, one more thing. Do you know who's that girl na pinagselos mo?" Natahimik siya sandali at napangiti. Ano kaya nginingiti-ngiti nitong babaeng ito?
"Yup. I know that girl. Since nakita ko ulit siya, sumaya ako dahil maaayos na nila ni Jacob lahat. Hindi ko muna sinabi sa kanya dahil alam kong magkikita at magkikita din sila. Sa liit ng school na ito, it's impossible na hindi sila magkita. And, I want to surprise Jacob for this. I know mahal na mahal niya si Cassa-" Napatakip siya sa bibig niya ng madulas siya sa name ni Cassandra. Natawa nalang ako.
"Why are you laughing? Huh?" Mataray niyang tanong.
"I know it's Cassandra." Nakangiti kong sabi.
"How did you know? Si Jacob ba ang nagsabi sayo?" Gulat niyang tanong.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Tinanong ko din kung bakit siya pumayag. Marami din kaming napagkwentuhan ng babaeng ito. Napahinto nalang kami ng biglang pumito si Sir Lopez. It's a sign that our activity is already done. Sayang isa lang nakita kong flag. Pero okay lang din kasi marami akong nalaman. Sabay na kaming pumunta ni Stacey pabalik doon. Tanong, bakit hindi ako masaya para sa kanilang dalawa? Sagot? Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
Money Can't Buy Love #Wattys2017
Teen FictionAno ang iyong gagawin kung nalaman mong niloko ka ng isang taong minahal mo at nalamang ginawa niya iyon para lang sa pera at kapangyahiran. Mamahalin mo pa din ba siya? Ano ang iyong gagawin kung alam mong mahal mo na siya at mahal ka na din niya...