please have mercy on me
mercy by shawn mendes
CYD
masakit, bes
Alam niyo ba kung gaano kasakit ang malaman na iba ang gusto niya? Na akala mo na may pagasa ka, tapos yun pala, wala. Masakit. Tagos sa puso. Nung mga panahon na yun, sabi ko pa sa sarili ko, okay lang yan. Nakamove on ka naman na diba? Hindi pa pala. Paano ko nalaman? Kasi masakit, eh. Masakit na masakit.
•••
Naghahanda ako ngayong araw. Todo damit, todo ayos, para sa kanya. Magkikita kasi kami ngayon, at naeexcite ako. Syempre naman, bakit ako hindi magiging masaya? Pagkagising ko pa lang, este, kagabi pa lang, sobrang naghahanda na ako. Magkikita kasi kami ngayon ni Kim. Oo, Kim Fajardo. Nako, bes, sumasakit puso ko sa kanya. Kasi every time na nan diyan siya, alam mo yung biglang nagwawala yung puso mo? Pero, nalilink si Kim sa dating crush niya. Si Tin. Sabi nila, bagay daw sila. Na mag-on ma sila. Bagay naman sila, mas maganda nga sa akin si Tin. Ano nga bang laban ko, diba?
Katext ko ngayon si Kianna. Kasama niya kasi si Kim ngayon. Kasali kasi silang dalawa sa interschool contest. After ng contest nila, tsaka kami magkikita ni Kim. For school purposes lang naman. Maharot.
From: Kyana Gurl
ate gurl, sayang, nagback out ka sa contest. wala kayong moments 😔To: Kyana Gurl
gaga ka! alam mo naman kasi busy ako eh.From: Kyana Gurk
busy, pero makikimeet up kay Kim mamaya. ano bes?To: Kyana Gurl
gaga ka talaga! sige na. goodluck gurl! kaya yan ah. tayo mo bandera ng school natin! labyuuuu 💓From: Kyana Gurl
hehe, kilig ka naman. thanks ate gurl! ill do my best. oo, tatayo ko bandera ng kimcy este ng school pala! labyuuuuu 💓Natawa naman ako kay Kianna. Kalog talaga si bakla. Nakwentuhan ko kasi si Kianna tungkol kay Kim. Syempre, dapat palagi, may kachika ka diba?
dati
" Oh, ate gurl! Bakit ka nakasmile? " bati sa akin ni Kianna pagkadating ko sa kwarto niya.
" Eh, si Kim. "
Natawa si Kianna at pinaupo niya ako sa tabi niya sa may kama. Umupo naman ako at sumandal sa may pader. Sinara ni Kianna yung laptop niya na ginagamit niya nung pumasok ako at humarap sa akin.
" Okay, chika. "
" Diba, kasi kanina, naglalaro kami nung parang category game, ganun. Tapos, last two na lang kami. Eh, may lalakarin pala sila ng kaibigan niya. Pero bes, nung tinatawag na siya ng kaibigan niya, hindi niya pinansin tapos nakikilaro lang sa akin. Namagitan na nga sa amin yung isaniyang kaibigan, tuloy lang siya, tapos bes, nakangiti lang siya the whole time! "
Kinilig nanaman ako at feel ko ay sasabog na ang puso ko. Hind ako umaasa. Okay, baka umaasa ako ng medyo slight pero, yung mga mixed signals kasi ni Kim. Palagi ko siyang nahuhuli nakatingin sa akin. Tuwang tuwa siya pag magkagroup kami. Gusto niya pag usapan yung mga gusto ko. Inaalam niya bawat detalyes ko. Ngumingiti siya sa akin. Oo, di pa niya sinasabi na gusto niya ako, at baka nga, hindi niya ako gusto, pero those signals kasi eh.
" Eh, baka bored lang kasi siya. "
Ganyan si Kianna. Palagi niyang pinapaalala sa akin na wag ako aasa. Kasi nga una, masasaktan ka. Pangalawa, di naman umaamin si Kim. Pangatlo, nalilink nga siya kay Tin. After the many times na pinagsasabihan niya ako na baka one sided lang, di ko pa rin mapigilan eh. Umaasa ako bes. Oo, baka shallow lang, pero ginagawa niya kasi sa akin yung mga ginagawa ko sa kanya, ako na inlove sa kanya.
" Eh, Kianna... "
Kianna sighed. Alam niyang umaasa ako.
" Ate gurl, ayaw ko ng ulitin pa, pero gusto ko lang sabihin, she's not worth it if she doesn't let you cross her mind. "
Napanganga ako dun sa sinabi ni Kianna. Oo nga naman. Ganyan nga siya sa akin. Nakakptitig. Nakangiti. Eh, paano naman, end of the day, si Tin pala tumatakbo sa isip niya. Kumirot yung puso ko. Napapikit ako ng mata at tumango.
" Ganito na lang, ate gurl. Maging masaya ka sa mga pinapakita niya sa'yo, pero wag mong dadamin. Wag mong damdamin unless na sure ka na gusto ka niya. Ayaw kitang masaktan. "
" Kung di niya ako gusto, bakit ganun siya? Palaging nakatitig? Palaging nakangiti sa akin? Pala— "
" Baka ganun siya sa lahat ng babae. "
Aray.
Matapos nung usapan namin na yun, di ko muna kinausap si Kim. Naalala ko sabi ni Kianna eh. Baka ganun siya sa lahat ng babae. Sa classroom, tinitingnan ko siya kapag kausap niya yung iba naming kakalaseng babae. Ewan, para akong jealous girlfriend. Well, minus the girlfirend part. Nahuhuli ko pa rin siyang tumititig sa akin, ngumingit.
Pero, oo nga, ganun mga siya sa lahat ng babae. At masama bang sabihin na kumirot ng kumirot yung puso ko?
ngayon
Hays, dapat tumigil na ako. After nun, nagkausap na kami ulit ni Kim. Para bang back to normal. Sabi nga ni Kianna, maging masaya na lang ako sa pinapakita niya, at wag na lang damdamin. Kaya naman ngayon, excited na excited akong makita si Kim. Bihis na ako, at inext na rin ako ni Kianna na pabalik na sila sa school kung saan magkikita kami ni Kim. Nakangiti akong lumabas mg bahay ng bigla nagtext sa akin si Kianna.
From: Kyana Gurl
ate gurl, confirmed. 😶Napakunot naman ako ng noo.
To: Kyana Gurl
ha? alin?From: Kyana Gurl
ate gurl, bet ni Kim si Tin. umamin siya sa amin kanina.Aray ko.
-----
SHORT UPDATE PERO YAY! it was hard writing in tagalog though. and really, this one shot plot just happened to me a while ago and bes, masakit sobra. kaya linalabas ko dito.