" how lucky it is to fall in love with someone who feels like home. "
fall by the vamps
so first one shot!~~~~~~~~~~
KIM
It was a Monday morning, and sadly, it meant school and training for Kim. Pero sanay na siya dun. Kung halos araw araw ba naman. She's in their dorm right now, packing her things, getting ready for school and training. Busy siya doon when suddenly, the door in her room opened and revealed a very smiley Cyd.
" Kimmy! Nandito na si Dora mo! Ready ka na ba? " Tanong ni Cyd looking really happy and smiley today.
Yan si Cydthealee Demecillo. Ang "Dora" sa "Kimmy" ng isang Kim Fajardo. Matagal na sila magkakilala nito, at sobrang close na rin sila. Cyd was, or rather is always there pag may problema si Kim. Sa sobrang close nila ay napapagkaalaman na sila na. At first, the thought of falling for Cyd made Kim laugh. It was impossible. She was sure of it. But as they got closer, she realized na maybe, she was starting to fall. And she didn't want to admit it.
" Saya mo ngayon, ah! Ano nakain mo? " Tanong ni Kim habang linagay ang pamalit na damit sa bag. Yun na ang huling bagay na kailangan niyang i-empake. She stood up from her bed and faced Cyd who was still in the doorway smiling. Napa-ngiti na rin si Kim.
" Wala lang. Bakit? Bawal ba maging masaya? " Tanong ni Cyd ng pataray kay Kim.
Natawa si Kim at linapitan si Cyd. Sinampal niya ng mahina ang dalaga na pabiro.
" Ikaw naman. Di mabiro. Tsaka, bawal ba magtanong? "
" Hay nako! Ewan ko sayo, Kimmy! Tara na nga! Malalate tayo sayo eh. "
Kim smiled at Cyd. Somehow, she always felt happy when she was with her.
~~~~~~
Their training today was tiring since they were in the UAAP season. Kim felt as if her legs, any time soon, would give out. Everyone was already in the changing rooms, while she was still sitting there in the bleachers trying to relax her body. Well, she thought everyone was in the changing room and she was alone. No. Because there was Cyd.
" Huy! Kimmy! Okay ka lang? Kanina ka pa nakaupo diyan. " Ito ang bati sa kanya ni Cyd habang papalapit ito.
Tumango lamang si Kim at pinikit ang mga mata. Bakit? Di niya rin alam. Dahil ba sa sobrang pagod, o dahil sa kasiyahan na nararamdaman niya ngayon na nandito si Cyd. Ewan, nababaliw na siya. She's not sure if she really is falling for Cyd, or maybe it's the fact lang na linoloko sila together. She's just not sure.
" Kimmy! Hay nako. Ang drama. Parang sobrang pagod sa training. Tara na nga! "
Naka pikit pa rin si Kim nang bigla niyang naramdaman ang kamay ni Cyd sa braso neto. Napangiti na lamang siya. Cyd tried to pull her up, pero ayaw ni Kim. At di niya alam kung bakit niya nagawa yung gagawin niya. Dahil ba pagod lang siya o sadyang nababaliw na talaga siya.
Nagulat si Cyd ng biglang hinila ni Kim ang kamay niya. Kim pulled her into her, kaya naman Cyd landed on Kim. Napasigaw si Cyd habang si Kim naman ay lalo pang linapit si Cyd sa kanya at yinakap ito ng mahigpit.
Bakit niya ito nagawa? 'Di niya alam. Pero isa lang ang alam niya, ang sarap sa pakiramdam when Cyd is in her arms.
" Uy! Kimmy! Ano ba! " singaw ni Cyd.
Hindi pa rin pinakawalan ni Kim si Cyd. Ang weird 'no? Nandito sila sa bleachers ng gym, habang si Cyd ay nakapatong sa isang nakaupong Kim at yinayakap siya. Naguguluhan din si Cyd.
Napansin ni Kim na hindi siya yinayakap pabalik ni Cyd. Kaya naman napasimangot ito at tinignan si Cyd. Tinaas naman ni Cyd ang kilay niya at naisip ni Kim na shit, ang ganda niya. 'Di na alam ni Kim ang nararamdaman.
" Oh, bakit ka nakasimangot? Drama mo ngayon, Kimmy ah! "
" 'Di mo ako yinayakap eh. "
" Seryoso, Kimmy?! "
Tinawanan ni Cyd si Kim at walang magawa si Kim kung 'di titigan ang magandang dalagang nasa harap niya. Napangiti si Kim at tsaka na lang naisip na baka nga, unting unti nahuhulog ang loob niya kay Cydthealee Demecillo.
Yinakap naman ni Cyd si Kim at napatigil ng hinga si Kim. She looked down on Cyd who's head was lying on her chest. She was looking at her with love. She felt it.
Bigla naman humiwalay si Cyd kay Kim at sinabing, " Okay na po ba? Hahaha, tara na nga Kim, 'di ka pa nakapgbihis oh. "
Hinila ulit nito si Kim at ngayon naman ay tumayo na rin. Binitawan ni Cyd ang kamay ni Kim na hawak hawak niya at siya'y papunta na sa changing rooms. Hindi naman mapigilan ni Kim ang puso nito at tinitigan ang papalayong Cyd. Hinabol niya ito, at bago man makalapit sa changing rooms ay pinigilan niya ito.
" Kim, ano nana— "
Hindi na natapos ni Cyd ang sasabihin dahil hinila siya ni Kim papunta sa kanya at yinakap ito. Linagay ni Kim ang ulo niya sa may leeg ni Cyd at pinikit ang mga mata. Ang kanyang mga braso naman ay nasa bewang ni Cyd, tila parang ayaw niyang pakawalan.
Cyd stood dumbfounded. 'Di niya alam kung bakit biglang nagkaganito si Kim. Ngunit wala naman narinig na pagimik si Kim mula kay Cyd. Napasimangot ito at nahulog ang puso. When she was about to pull away, Cyd suddenly hugged her back. Ang mga braso ni Cyd ay nasa may shoulders niya at narining niya itong huminga ng malalim. Napangiti si Kim at lalo pang yinakap ng mahigpit si Cyd.
'Di pa sigurado sa nararamdaman, ngunit alam niya, nung yinakap si ni Cyd, tuwing ngumingiti si Cyd, tuwing kausap niya si Cyd, ang puso niya ay nagwawala. She feels happy at peace, and she feels loved in Cyd's arm.
" Hoy, Cyd! Kim! Tama na landian. Sa gitna pa talaga ng court oh! "
Pero one thing's for sure, inaantay na sila ng kateam nila.
Natawa sila at humiwalay sa isa't isa at tumingin sa direction ng sumigaw. Si Ara.
" Nagkakamoment na kami, eh! " Pabiro na sinabi ni Kim habang inaakbayan si Cyd.
" Hay nako sa wakas! Na-realize mo na gusto mo din siya! " sigaw ni Ara kay Kim habang nakangiti at sabay umalis.
Napatawa si Kim sa sinabi ni Ara dahil alam niya na totoo iyon. Napatingin siya kay Cyd na tumatawa lang din. She pulled Cyd closer to her chest at sabay namang sumaya ang puso nito. All this time, trinatry niya i-deny ang kasiyahan na dala ni Cyd.
And out of nowhere, hinalikan niya ang noo ni Cyd. Napatulala naman si Cyd habang napangiti si Kim. Maya maya ay ngumiti rin si Cyd at linagay ang isang braso sa bewang ni Kim. Sabay silang tumungo ng changing rooms.
So ito pala yun, isip ni Kim. Ganito pala ang feeling kapag may nagpapasaya sa puso mo.
~~~~~~
Sorry kung messy and boring. Hehehe 💚💚💚💚
