Anastasia Monticello
Three years later...
“How’s life treating you Monticello?” gusto kong matawa habang kausap ang babaeng ito.
Hindi ko alam kung bakit niya ako binisita dito. It’s been three years and my life is so fuck up pero andito at ako pa din ang binibwesit ng pamilyang ‘to.
“Are you happy now Mrs. Ruiz? Hindi pa ba sapat ang ginawa niyo sa akin?” tumawa ang ginang. Napaismid naman ako, sana atikihin ka sa puso.
“That’s not enough Montecillo. Taking your license and putting you behind bars is not enough!” sinampal ako nito at umiyak siya sa mga bisig ng asawa niya. Naaawa ako sa kanya pero wala akong pakialam sa drama niya. Lagi niya itong ginagawa sa akin.
“I’ll make sure na hindi ka na makakalabas pa” tumayo na silang dalawa at umalis.
Nagbuntog hininga naman ako at pumasok na sa selda ko.
Yes, I was detained at lahat ng pangarap ko ay gumuho. I don’t know what really happen but after that accident ay nagising akong nasa hospital at may mga police sa paligid na sinasabihan akong may kaso ako.
Oo nga’t may kasalanan ako dahil lasing ako ng gabing iyon pero ako iyong agrabyado, hindi ko nakamit ang hustisya dahil namatay ang dalawang driver at malas ako dahil nabuhay pa ako.
Sabi ng mga kaibigan ko na maswerte ako dahil yuping- yupi ang sasakyan ko, marami akong sugat at bali sa katawan.
Halos hindi na ako makalakad pa pero iyong pamilya ng namatay, hindi nila matanggap at naghanap sila ng masisisi.
Walang CCTV sa lugar at makapangyarihan sila kaya mas lalo akong nadiin. Awang- awa ako sa sarili ko, they want justice so fast na kahit kailangan ko pang magpahinga ay hindi nila ako hinayaan.
“Ano na Doc Quack, nabigwasan pa?” tinawanan ko si Santo, siya ang mayor dito sa loob ng selda nakulong dahil sa panggagahasa niya sa isang dalaga pero mabait naman siya sa akin.
Doc Quack ang tawag ng mga kaibigan ko dito dahil ang hina ko raw at nagpakulong ako. Kung sana daw ay inoperahan ko ang mga iyon para hindi na nila ako gagambalain pa.
“Wala na po akong pakialam sa babaeng iyon Santo, tatlong taon na pero hindi pa din siya maka move on” naiintindihan ko siya pero kailangan ba talagang ganito ang gawin niya sa akin? Alam ko naman na wala akong kasalanan.
“Nako at ginalit mo iyon tiyak na babalik ang mga bruhang magpapahirap sayo” umupo ako sa pwesto ko. Sanay naman na ako sa ganoon, kapag kasi nag- usap kami at napagsasalitaan ko siya ng masama ay lagi siyang bumabawi sa pagpapahirap sa akin.
“Montecillo, may dalaw ka” nagbuntong hininga ako, bakit ba ang dami kong dalawa ngayong araw? Mas gusto ko pa iyong wala akong dalaw eh dahil hindi ko naiisip ang mga tao sa labas nito.
Sumunod ako sa police at nakita ko si Mildred at Rafael, napangiti naman ako. Kahit na ganoon ang nangyari sa akin ay hindi nila ako iniiwan. Noong una nga ay sila ang lagi kong kasama habang nagpapatuloy ang kaso ko at malaking tulong na iyon sa akin.
“Hello Tasya” niyakap ko si Rafael at si Mildred.
“Kumusta na kayo?” Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa dahil ngayon ko lang sila nakita muli. Iyong iba na kasi ang bumibisita sa akin. Once a month nila akong dinadalaw at salit- salitan sila.
“We’re getting married” niyakap ko ulit ang dalawa.
“Buti naman at nilandi mo si Rafael” hinampas ako ni Mildred sa balikat tsaka niya pinakita ang mga pictures nilang dalawa.
“I am so happy for the both of you. Sayang lang at hindi ko kayo makikita sa altar” hindi ko maiwasang malungkot. Isa din kasi ito sa disadvantage ng buhay ko, ang dami kong na miss na binyag, kasal at graduation. Hinawakan ni Rafael ang kamay ko.
“Wag kang mag- alala Tasya, we will ask everyone to capture and document our day para makita mo” nagkwentuhan pa kaming tatlo at kumain din kami ng dala nilang pagkain sa akin.
“Thank you Mildred, best wishes” hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap ko na din si Rafael dahil paalis na sila pero bago iyon ay may ibinigay sila sa aking isang box.
“They made this for you.” Tumango ako at tinanaw silang lumabas. Tinitigan ko ang box, it’s from my patients before at mga inaanak na din.
***
“Hoy Montecillo! Alam mo na” ngisihan ko ang mga balyenang kasama ko sa c.r. It’s a usual morning at naglilinis kami kaya lang ay balik na naman kami sa dati. They want me to clean the whole place dahil iyon ang way ng pagpapahirap nila sa akin.
“Bye bye Montecillo” wala na akong nagawa kundi ang hayaan sila kaya lang iyong isa sa kanila ay tinapunan ako ng maruming tubig. Halos mainom ko pa ang iba kaya sinabunutan ko ang gaga.
“Tulong po!” agad naman siyang tinulungan ng mga balyena niyang kasama at sinuntok ako. Dyahe at ang lakas sumuntok.
“Sabi ko sayo, wag lumaban para peace tayo” anito at sinuntok ako sa sikmura. Napaubo naman ako sa ginawa nito kaya hinila ko ang buhok ng kung sino man ang makapitan ko.
Naghihilahan lang kami ng buhok habang iyon isa ay nasuntok ako sa mukha. Putok na naman ang labi ko at ang sakit ng katawan ko pero walang pulis na tumulong. Ganoon naman kasi iyon, sanay na ako. I can only rely on myself here.
Halos isang oras nila akong binugbog tsaka ako iniwan. Napaiyak nalang ako, kahit naman kasi sanay na ako ay hindi ko naman mapigilang maawa sa sarili ko.
“Doc Quack!” narinig ko iyong mga kaibigan ko dito sa loob ng prisinto pero nagdidilim na ang paningin ko at ang sakit na ng katawan ko. Naramdaman kong umangat ako mula sa sahig at nawala ako ng malay.
“Kuha pa kayo ng tubig dali tsaka bimpo” naalimpungatan ako sa ingay ng paligid ko pero kilala ko naman ang mga boses ng iyon. Binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Santo, iyong mayor namin dito.
“Gising na si Doc Quack, iyong tubig niya dali” inalalayan ako ni Santo na makaupo. Masakit pa din ang katawan ko pero kailangan kong kayanin.
“Okay ka na?” tumango na lamang ako at agad akong nalungkot ng andito ako sa loob ng selda namin.
“Ayaw ka kasing tanggapin ng mga nurse dito kaya ako nalang ang gumamot sa’yo” nagkamot pa siya ng ulo. Alam ko naman iyon dahil lagi nalang ganoon. Ito kasi talaga ang gusto ni Mrs. Ruiz sa akin pero hinahayaan ko nalang, kung mamatay edi mamatay na ako wala na din namang saysay ang buhay ko.
“Salamat Santo” ngitian niya ako at inasikaso ulit. Ganito si Santo sa akin, hindi ko alam pero alagang- alaga niya ako. Magkasing- edad lang kami at kahit na nakagawa siya ng ganoong krimen ay iyong kabaitan naman niya ang nakikita ko.
“Hindi ko alam kung bakit ka nakulong, eh mabait ka naman” sabi ko dito. Tinitigan niya ako kaya umiwas ako ng tingin. I am just so thankful for what he did to me everytime na kailangan ko ng tulong.
“Sabi ko naman diba? I rape a kid and that’s unforgiven” hinawakan ko ang kamay niya.
“Walang kasalanan ang hindi napapatawad Santo, Diyos nga pinapatawad tayo, iyong mga tao pa kaya na nagawan natin ng kasalanan?”
“Iyon nga, tao naman kasi sila at hindi Diyos” sinimangutan pa ako nito kaya hindi ko maiwasang mapahalakhak na napatigil din naman dahil sumakit ang katawan ko.
“’Yan kasi, sabi ko naman sayo jowain mo na ako para hindi ka na nila saktan” kumindat pa siya kaya nahampas ko siya sa braso.
Actually, gwapo si Santo, moreno , matangos ang ilong at makapal ang kilay kaya lang parang ang dumi niya tignan sa mga tattoo sa katawan niya.
“Judgemental mo” inihilamos niya ang palad niya sa mukha ko kaya kinurot ko siya.
“Masakit!” angil ko at sabay na kaming napahalakhak.
BINABASA MO ANG
Arrest Me
RomanceMay maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging dahilan upang makulong siya. Isang aksidente, isang pagmamahal na kanyang mahahanap. Cyrano Max Ma...