AM 7

223 2 0
                                    

Anastacia Montecillo

“Hi” pumasok ako sa loob ng tent kung nasaan si Max at hinihintay ako. Ngumiti siya ng makita ako at pinalapit sa kanya.

“I miss you” I kissed him on his lips at umupo sa hita niya. Tago ang relasyon naming dalawa, dalawang buwan na kami at nandito kami sa pinakalikod ng kulungan. Hindi ko alam kung paano niya ito nagawa pero sabi nga niya ay gagawin niya ang lahat para may moment kaming dalawa.

“Hey hey babe, chill lang” may binigay siya sa aking pagkain, umayos naman ako ng umupo at hinintay siya na matapos ang gagawin niya.

“Movie tayo?” aniya, tumango naman ako. Dala niya iyong laptop niya. Puwesto na kami sa kama, nakahiga habang nasa itaas ang laptop niya.

“Romance ang titignan natin” pinagmamasdan ko lang si Max. Simula nang maging boyfriend ko siya ay hindi siya nagbago, lagi niyang ginagawa ang lahat para maging normal ang relasyon naming dalawa.

“By the way, makakalabas na si Santo ng kulungan sa susunod na linggo. Mag-isa nalang ako” isa din iyon, napatunayang hindi si Santo ang gumawa ng bagay na iyon. Inako niya ang kasalanan ng kaibigan niya at tama naman na daw ang ilang taon niya sa kulungan.

“Buti naman at makakalabas na siya, wala na akong kakompentensya” napatawa ako, lagi kasi siyang naiinis kay Santo lalo na at lagi ako nitong inaakbayan o di kaya’y niyayakap.

“Ikaw naman napaka seloso mo babe!” sumiksik ako kay Max, hinalikan naman niya ang noo ko.

“Ikaw naman kasi ang mahal ko Max, tandaan mo iyon” inilapat ko ang kamay ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang tibok ng puso niya.

“Magsisimula na babe” tinuon na namin ang atensyon sa laptop niya.

Minsan naiisip ko na kung hindi kaya ako nakulong, makikilala ko kaya si Max? Pero hindi na importante ang buhay ko noon, no more what if dahil Max always complete my day.

Everyweek ay nag da- date kami. Noong nakaraan ay nag download siya ng isang beach view tapos iyong loob ng tent niya ay ginawa niyang beach. Gamit ang projector, tapos iyong swimming pool na nilalagyan ng hangin tapos kung ano- ano pa.

Kaya masasabi ko talagang walang araw na hindi ako napapamahal kay Max. At habang nahuhulog ako ay hindi ko maiwasang mangarap. Mangarap na gumawa ng panibagong memorya kasama siya pero iyong nasa labas na kami ng kulungan. Nasa labas na ako ng kulungan.

“I’ll be out for days babe, may kailangan lang kasi akong gawin” tumango ako. Alam ko naman na hindi siya mananatili dito pero hinihiling ko na kahit hindi na siya dito naka distino ay kami paring dalawa.

“Sa iba kana magbabantay?” tanong ko dito. Umiling siya at niyakap ako.

“Uuwi lang ako sa amin, tapos babalik din ako. Wag kang mag- alala mahal na mahal kita” and we kissed again, iyon lang pero masayang- masaya na ako.  Mahal na mahal ko din siya at alam ko na ang gagawin ko.

***
“Mildred, gusto kong makalabas ng kulungan” iyon lang ang sinabi ko kay Mildred at agad na siyang tumayo upang may tawagan. Hinawakan naman ni Rafael ang kamay ko.

“Then we will do our best Tasya.” kabang- kaba ako pero gusto kong surpresahin si Max. Sabi niya sa akin ay matagal ba ang balik niya kaya gusto ko bago paman siya makabalik ay magkikita kami sa labas.

Hindi ko alam kung paano ko siya kontakin pero naniniwala kasi akong nakatadhana kami para sa isa’t- isa. Kahit na hindi ko siya hanapin ay magkikita kaming dalawa. Kailangan ko lang talagang makalabas.

“Tasya, Zayn and Betty is here may kasama din sila” nakita ko si Zayn at Betty na pumasok sa visiting area pero kumunot ang noo ko ng makita ko ang lawyer ni Mrs. Ruiz. Kilala ko siya dahil minsan na kaming nag- usap. Iyon iyong mga panahon na halos mapatay ako ni Mrs. Ruiz.

“She is Zayn’s sister” nakipagkamay ito sa akin. Hindi ko maintindihan pero hindi ako nagtanong. Tingin ko naman ay alam nilang ang dami kong tanong kaya nagkwento sila sa akin.

“Maraming loopholes ang kaso mo Dr. Montecillo, pero lahat iyon ay tinabunan ni Mrs. Ruiz. Alam ko iyon noon pero wala akong ginawa dahil tanga ako noon. Lahat ng gustong ipagawa sa akin ni Robert ay ginawa ko dahil mahal ko siya…” may inilabas itong papel.

“Lahat ng ito ay ebidensya ko, pwede akong makulong pero iba ang plano ni Zayn. May iba pa kasing kwento sa pagkamatay ng anak ni Mrs. Ruiz.” this time picture naman ang pinakita niya sa akin.

“Mrs. Ruiz is the one who killed Claire. Naalala ko ang gabing iyon, umuwi si Claire galing sa bahay ng kasintahan niya pero pagdating niya sa bahay ay nakita niya ang mga tauhan ni Mrs. Ruiz, nagkalat sa bahay hinahanda ang transaction. Iyak ng iyak si Claire ng gabing iyon pero gusto niyang ipaalam ito sa kaukulan.

Umalis siya at galit na galit naman ang mommy niya. Pinahanap siya ng mga tauhan pero desperado na si Mrs. Ruiz, binaril nila si Claire. Tapos pinaandar nila ang sasakyan ni Claire at ayon nga, nagkabanggaan kayo” napahawak ako sa ulo ko, pilit kong inaalala ang gabing iyon.

“Bye bitches, see you when I see you” sigaw ko habang dala ang sapatos ko. Pagiwang- giwang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa kotse. Inaantok ako kaya doon na muna ako natulog, five minutes lang ang alam kong mawawala ang antok ko.

After minutes of closing my eyes ay nagpasya na akong umalis, wala naman sigurong tao ngayon sa karsada at hindi naman ako mabilis magmaneho. It’s better if I go home and rest.

Nagpatugtog pa ako ng kanta para hindi ako antukin. Thirty minutes ang byahe pauwi pero dahil sa bagal kong magmaneho ay alam kong aabutin ako ng isang oras.

Sa intersection na ako at malapit na ako sa bahay nag may mabilis na kotseng parating. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Mabagal ang pagmamaneho ko pero dahil sa nangyari ay naapakan ko ang gas at bumilis ang takbo ko.

Kabang- kaba ako at kahit na gusto kong makaiwas ay huli na, dahil ng marating ko ang gitna ng intersection ay may malaking truck na parang nawalan ng preno sa gilid ko at agad itong bumangga sa akin.

Nabasag ang salamin ng kotse ko, masakit ang katawan ko at nauntog din ako pero pinilit kong lumabas ng sasakyan. Hindi ako dito mamamatay kaya lang bago pa ako makalabas ay may bumangga sa sasakyan ko.

Iyong sasakyan na mabilis ang takbo, nauntog na naman ako at mas naipit ang katawan ko sa loob. Ang sakit ng katawan ko at nahihilo ako hanggang sa mawalan ako ng malay.

“Hindi ako ang bumangga” iyon ang nasabi ko sa lawyer ni Mrs. Ruiz.

“Alam ko iyon, dahil nakita ko ang lahat. Nakasunod ako sa sasakyan ni Claire, ang kaso mo lang sana noon ay ang pagmamaneho ng lasing ka kaya lang gumawa ng kwento si Mrs. Ruiz, made me the lawyer at dahil mahal ko si Robert ay ginawa ko ang lahat” hinawakan niya ang kamay ko.

“I will do everything just to take you out of here, pangako namin iyan sa’yo”

Arrest MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon