Anastacia Montecillo
Gaya nga ng sinabi nila, ay ginawa nila ang lahat para makalabas ako. Isang mainit na away iyon lalo na at nagkaharap- harap kami ulit ni Mrs. Ruiz pero magaling si Zayn, kung makapangyarihan si Mrs. Ruiz ay ganoon din si Zayn, he told me that he pulled some strings just to get all the evidence.
Magulo at mahaba ang proseso maraming nagkasakitan lalo na si Mrs. Ruiz at ang asawa nito na wala palang kinalaman sa mga nangyari. Nakulong si Mrs. Ruiz at natanggal sa serbisyo ang mga kasali niya lalo na iyong chef na muntik ng gumahasa sa akin.
Everything is perfect at ilang buwan din natapos ang kaso pero okay lang, worth it naman ang paghihintay. Hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko, lalo na si Santo, nakalabas na siya ng kulungan, napatawad na siya ng magulang niya kaya tinulungan niya din ako sa kaso ko.
Okay na ang lahat, masaya ang mga tao sa paligid ko at masaya din ako pero may kulang. Sa ilang buwan ko kasi sa pakikipaglaban para makamit ang kalayaan ay hindi ko nakita si Max. Hindi na siya bumalik sa serbisyo pero okay lang alam ko naman na magkikita kami.
“You okay?” hindi ako nakapagsalita. Kakalabas lang namin ng kulungan, everyone congratulates me but I am missing someone. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Max ngayon pero susubukan ko.
“Let’s go Tasya, sa bahay tayo uuwi” kasama ko si Mildred, siya kasi ang sumundo sa akin dahil on duty ang mga kaibigan ko.
“Magkikita nalang daw tayo bukas Tasya at ngayon sa amin ka muna umuwi” tumango ako, ito din kasi ang isa sa problema ko. Hindi ko alam kung saan na ako nito tutuloy hindi naman kasi pwedeng kay Mildred ako palagi, they need privacy din naman.
“Mildred, iyong bahay ko ba wala na?” hindi ko na matandaan kung ano ang nangyari sa mga pag- aari ko noon.
“Don’t worry, it’s still yours. Marami ka pang pera Tasya, we invest your remaining money sa isang company kaya wala kang dapat aalahanin. Zayn will help you too then I heard that friend of yours- Si Santo, tutulungan ka din niya” ngumiti ako, atleast alam ko kung saan na ako ngayon mananalagi.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Mildred at agad kaming pumunta sa bahay nila. Hindi ko alam kung saan sila nakatira ngayon lalo na at nagpakasal na sila ni Rafael.
Ng makarating kami ay agad niya akong inakay papasok. Nag- uusap lang kaming dalawa habang binubuksan niya ang pintoan.
“Welcome Home!!” may pa confetti pa ang mga kaibigan ko. Napaluha naman ako, I never thought that they’ll prepare something for me.
“Welcome Home Doc” andoon din ang mga nakatrabaho ko doon. Hindi ko inakala na ganito ang magiging pagtanggap nila sa akin. Niyakap nila ako isa-isa at kinumusta, parang lahat ng takot ko ay nawala dahil sa mainit nilang pagtanggap.
Masaya ako pero may kulang talaga, na mi- miss ko na kasi si Max, nakalimutan ko namang itanong sa mga pulis ang tungkol sa kanya pero hinihiling ko talaga na sana ay makikita ko siya.
We partied pero wala ng alcohol dahil may pasok pa ang lahat bukas. Kain lang kami ng kain tapos ay kantahan, masaya talaga ang lahat kaya hindi ko na muna inisip si Max. Bukas nalang at hahanapin ko siya.
***
“Gusto ko sanang puntahan ang puntod ng anak ni Mrs. Ruiz” nagkatingin si Rafael at Mildred dahil sa sinabi ko. Umaga na at ilang araw na din akong naghahanap kay Max pero wala pa rin talaga, bumalik ako sa prisento pero walang may alam kung nasaan siya.“Alam ni Zayn kung saan siya nakalibing Tasya, we will call him after breakfast then sasamahan ka namin” nagpasalamat ako sa kanila pero hindi na ako nagpasama. I just want to visit her grave to ask sorry for what happen to her.
Nakalipat na din ako sa bahay ko, my car is still there at maayos na iyon. Inayos talaga lahat ni Rafael at tinulungan naman siya ni Mildred.
After breakfast ay tinawagan namin si Zayn to ask some information at pagkabigay niya ay agad akong pumunta doon. Hindi ko siya kilala pero nalulungkot kasi ako sa nangyari sa kanya. Hindi ko inakalang magagawa iyon ng sarili niyang ina.
Pagdating ko sa cemetery hindi pa naman ako nakakapasok ay nakasalubong ko si Max. Nanlaki ang mata niya ganoon din ako, kumabog ang puso ko. Namimiss ko siya, blue na iyong buhok niya tapos mas lalo siyang gumwapo.
“A-anong ginagawa mo dito?” hindi ko alam kung masaya siyang makita ako pero ako masayang- masaya ako. Nahanap ko na kasi siya, at magsasama na ulit kami.
“Surprise!!” I kissed his cheeks and hold his hand. Wala siyang reaksyon pero tingin ko masaya naman siya. Na shock lang siguro dahil nakalabas na ako ng kulungan.
“I miss you so much” nakayakap parin ako sa kanya, maya- maya pa ay naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko, niyakap ako ng mahigpit.
“Namiss mo ata talaga ako Max dahil ang higpit na naman ng yakap mo sa akin” tumawa si Max at habang tinititigan ko siya ay mas lalo akong na in love sa kanya. Max will always complete me kahit na hindi kami magkita ng ilang araw.
Inaya ako ni Max na mag lunch kaya hindi na ako tumuloy sa puntod ng anak ni Mrs. Ruiz. Mas importante sa akin si Max at susulitin ko ang araw na ito.
Nag convoy lang kaming dalawa dahil may dala siyang sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa cementeryo pero mamaya ay tatanungin ko siya. Ang dami ko kasing tanong sa kanya at marami kaming pag- uusapan.
Nakarating kami sa isang restaurant- iyong Blaise’s, sa pinsan niya daw iyon.
“Order lang muna ako Tasya” tumango ako at naupo na. Kinakabahan ako pero masaya talaga ako. Tunay ng masaya ang nasa puso ko dahil magsisimula na kaming dalawa. May pang forever na kaming dalawa.
Pagbalik ni Max ay agad niya akong tinitigan, hindi ko alam kung galit siya sa akin dahil nasasaktan ako sa mga titig niya pero inintindi ko. Baka nabigla siya dahil hindi ko siya nasabihan sa plano ko.
“Paano ka nakalabas?” napakurap ako, galit talaga siya sa akin?
“My friends helped me, wala naman kasi akong kasalanan ako lang iyong napagbin--”
“Talaga ba?” lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang kamay ko sa braso niya. Alam ko talagang kailangan niya lang ng lambing. Matanda na kami at parang hindi na ako bagay sa mga ganito pero willing akong maglambing maging maayos lang kami.
“Naisip ko kasi Max na hindi pwedeng doon lang sa kulungan ang date natin. So when they told me na pwede akong makalabas ay pumayag ako” akala ko magagalit ulit siya sa akin pero hindi naman na siya nagsalita.
Kumain kami at nag- usap tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin nitong nakaraan. I keep on asking him things about himself at sumasagot naman siya. Kahit na may nagbago dahil hindi na siya kasing sweet noon pero inintindi ko, kailangan niya munang masanay dahil nandito na ako sa labas.
“I love you so much Max, ginawa ko ito kasi gusto pa kitang makasama” I kissed his cheeks at humilig sa kanya. Masaya talaga ako kasi nagkita kaming dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/86413124-288-k279259.jpg)
BINABASA MO ANG
Arrest Me
RomanceMay maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging dahilan upang makulong siya. Isang aksidente, isang pagmamahal na kanyang mahahanap. Cyrano Max Ma...