Anastacia Montecillo
Three- Hundred Sixty Five Days Later…
“Good morning Ms. Montecillo” I smiled at my assistant. Kinuha ko iyong folder na naglalaman ng presentation namin mamaya.
“Is everything’s ready?” Sumakay na kami sa elevator para pumunta sa office ko upang ihanda ang iba pa naming kailangan.
“Yes Ms. Montecillo” Binuksan ko ang folder at tinignan iyon upang pag-aralan. I already know the flow of the presentation but I still want to make it perfect. We will be presenting in front of the board members and as I heard makikinig din ang may isa sa pinakamalaking shares ng companya.
Isang taon na ang lumipas mula ng masaktan ako ng lubusan. Hindi ko alam kung paano ako nakabangon, durog na durog kasi ako. Noon lang ako nagmahal tapos ganoon pa ang nangyari sa akin. He made me a fool at nagpakagaga naman ako sa kanya.
I remember that night na umuulan pa, ni hindi ko magawang umuwi dahil hindi ko kaya ang sakit na naramdaman ko. I received so many calls from my friend pero gusto kong mag-isa and out of knowhere, Santo came and rescued me.
Inilayo niya ako sa lugar na iyon, binihisan, binigyan ng purpose. Santo is now happily married with her wife and they have two kids. Nagtayo din ng business si Santo at binigyan niya ako ng posisyon. As of now, my life is perfect. Masaya ako sa trabaho ko at masaya akong nakikitang masaya ang naging pamilya ko.
Pero kahit naman masaya ako ay hindi ko naman maiwasang mainggit sa kanila. Kung noon ay maayos lang sa akin na wala akong kasama ngayon ay gusto ko ng magkaroon. I want to have a family at nakamit ko na sana iyon kung hindi niya ako niloko. Kung totoo niya akong mahal pero wala, mahal niya kasi iyong nakaraan niya.
Oo at mahal ko pa din si Max, pero hindi naman na ako umaasa sa aming dalawa. I never saw Max since that confrontation day, malungkot pero kinakaya ko naman.
“How about Mr. Santo, is he here already?” Kinuha ko ang laptop ko at ang ilang folder pa tsaka binigay sa assistant ko.
“Yes Ms. Montecillo, he is already in the conference room” tumango ako at naglakad na papuntang conference room.
I am confident with our presentation today, kahit na alam kong marami naman kaming mag pre-present ngayon ay alam ko namang maayos at naghanda ang team ko. Pagpasok ko sa loob ng conference room ay marami ng tao. Ngitian ako ni Santo at sinabihang good luck kaya huminga ako ng malalim at nag hintay sa oras.
Kami ang unang mag pre- present kaya naman pinaayos ko na sa assistant ko ang projector at laptop ko. I instruct my team on what to do at busy talaga ako ng tumahimik ang paligid.
“Let’s now start” nanigas ang katawan ko ng marinig ang boses na iyon. Isang taon pero kilalang- kilala ko parin ang boses niya. Hindi ako makagalaw, ayaw ko siyang tignan dahil natatakot akong makita ang mukha ng taong nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
“Excuse me? Can we now start with your presentation or we will ask to others to proceed” Napalunok ako, alam niya bang nandito ako?
“Ms. Montecillo, here’s the remote” nanginginig ang kamay ko na kinuha iyon sa assistant ko at dahan- dahan akong humarap sa kanila. Hindi ko magawang tignan ang lalaking iyon kaya sa iba na ako tumitingin. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero kahit na ganoon ay hindi parin ako lumingon sa gawi niya. Hindi ko kaya.
I started my presentation by greeting all the board members and I briefly introduce our product pero naiilang parin ako dahil para bang tagos hanggang kaloob- looban ko ang mga titig sa akin ni Max.
Habang nagsasalita ako ay nakita ko sa peripheral vision ko na nagtaas ng kamay si Max. Napalunok ulit ako at sa wakas ay binalingan siya. Nanghina ang katawan ko, siya kasi talaga ang kahinaan ko at ang tanga- tanga ko na naman.
“Is this how you present that Ms. Montecillo? Just a tip for everyone, keep an eye contact to your clients or to whom you want to address your presentation. Be professional” nagbuntong hininga ako at uminom na muna ng tubig.
Tama siya, I should be professional at tingin ko din naman ay wala na siyang nararamdaman pa sa akin. The way see look at me at kung paano niya ako kausapin dito. Mapait akong ngumiti, hanggang ngayon nagpapatanga parin pala ako sa lalaking hindi naman ako gusto.
“I’m sorry with that Sir, let me continue this Sir” tumango siya kaya kahit na halos hindi ko na marinig ang sarili ko dahil sa lakas ng kabog nito ay nagpatuloy na sa pagsasalita. At gaya ng sinabi niya sa akin na kailangan kong makipag eye contact sa kanya ay ginawa ko. Kahit na naiilang ako ay tinitigan ko siya.
Hindi ko alam kung paano ko nakaya pero ng matapos akong mag present at sagutin ang mga tanong nila ay nanghihina naman ang mga tuhod ko. I excused myself at sinabi kong ang assistant ko na ang magpapatuloy.
Hinang- hina ako at pagod na pagod din. Pumunta ako sa office ko at doon ko nilabas lahat ng katangahan ko. Napaiyak ako, bakit ba hindi ako nag move on?
***
Hindi tinanggap ang product natin.
Lahat kami ay malungkot dahil sa hindi kami ang pinili. Siguro iyong behavior ko ang dahilan kaya humingi ako ng patawad sa lahat.
“Okay lang iyon Ms, ganoon naman talaga ang buhay natin. Minsan panalo, minsan talo” ni review namin ang presentation namin at ng matapos ay nagsi- uwian na ang lahat. Ako naman ay nanatili sa office ko, hindi parin kasi ako makapaniwala na magkikita kaming dalawa ngayon.
“One year na Tasya, move on na!” nagpapadyak pa ako ng biglang bumakas ang pinto kaya napalingon ako dito.
“A-anong ginagawa mo dito” nanlalaki ang mga mata ko at kinabahan na naman ako. Kapag talaga malapit sa akin si Max ay hindi ko maintindihan ang puso ko.
“I’m here for you” napanganga ako lalo na ng lumapit siya sa akin at niyakap ako. Na estatwa lang ako at naghihintay na magising ako sa pangyayaring ito.
“I am so sorry Tasya, hindi ko naman kasi sinasadya ang nakaraan. Oo iyon ang plano ko pero binago mo Tasya, you made me fall in love with you but you left me after knowing my first plan” yakap- yakap niya parin ako kaya alam kong panaginip lang ito. Hindi kasi ito ang Max na nakita ganina sa loob ng conference room.
“You left me with a broken heart Tasya, and it took me a year to finally found you. Now that you are here, hindi na kita papakawalan Tasya. Give me another chance please?” I smiled, sana hindi nalang ako magising dahil itong nasa panaginip ako ang Max na mahal na mahal ko.
“Max” hinawakan ko ang pisngi niya.
“I was hurt when I learned that you have a connection with the Ruiz family. Tapos nadinig din kitang ginagamit mo lang pala ako” nakita ko ang sakit sa mata niya kaya hinaplos ko ulit ang pisngi niya.
“Nasaktan ako Max pero mahal na mahal kita at wala na akong paki kung mahal mo man ako o gagamitin mo ulit ako. If you want to use me Max then I am a willing victim” niyakap ko ang Max sa panaginip ko. By this naipaparamdam ko sa kanya na mahal na mahal ko siya.
“Then let’s sealed it with a kiss” napasinghap ako, is this real?
“Are you real?” I said at lumayo sa kanya. Akala ko ba panaginip lang iyon?
“Yes Tasya, I am a hundred percent real Tasya. I’m sorry for what I did to you earlier, I just missed you and I want you to see me Tasya” hindi na naman ako makagalaw, napaluha ako. Totoo talaga?
“I am in love with you Tasya, matagal na at ngayon…” hinapit niya ako.
“Arrest me Tasya, arrest me completely at ikulong mo ako sa buhay mo. Hindi ko na kayang mawala ka pa sa akin” at dahil mahal na mahal ko si Max ay hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya.
Mahal na mahal ko siya at marufok kasi ako. Magpapakarupok ako para sa kanya.
THE END
BINABASA MO ANG
Arrest Me
RomanceMay maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging dahilan upang makulong siya. Isang aksidente, isang pagmamahal na kanyang mahahanap. Cyrano Max Ma...