AM : 1

687 10 2
                                        

Anastasia Monticello

"Doc, how was my mother?" tinanggal ko muna ang mask na suot ko at ang gloves bago ko sila kausapin.

Kakatapos lang ng dalawang oras ko sa loob ng O.R. Kanina kasi ay may isinugod ditong matanda dahil inatake ito sa puso.

She's one of our patient at kailangan na niyang operahan kaya diritso na kami sa O.R pagdating nila.

"She's stable now Mrs. Cruz but we still need to pray for her recovery. We need to wait until she will wake up kung okay na ba siya" nag excuse ako sa kanila tsaka agad na silang iniwan doon.

Pagod na pagod ako but I still have other appointments. May usapan kasi kami ng mga kaibigan ko at bukas ay day off ko na naman.

I am a cardiologist and I am practicing my specialization for three years now.

Marami pang kailangan matutunan but I am getting there gusto ko din kasing mas palawakin pa ang alam ko sa medisina.

"Doc, tumawag po si Mr. Santos magpapacheck up po sila ngayon" tinignan ko ang cellphone ko para alamin kung anong oras na.

Nagmakita ko namang maaga pa ay tinanguan ko ang assistant ko.

"Aside kay Mr. Santos may iba pa ba?" alas otso kasi ang meeting time namin ng mga kaibigan ko.

"Yes Doc pero dalawa lang naman iyon. Si Agsunta at si Marshall po"

"Okay, papasukin mo nalang kung sino ang unang umabot pero wag ka ng tumanggap pa ng iba. Tell them to go to Dr. Ben, siya ang on duty pagkatapos ng shift ko" umalis na ang assistant ko.

Agad naman akong naupo upang makapagpahinga. Kapag talaga may surgery ay laging drain ang katawan ko.

Bawat oras na nasa operation room ako ay para akong pinapatay, iniisip ko kasi nakasalalay ang kaligtasan nila at kasalanan ko kapag binawian ito ng buhay.

Tinapos ko lahat ng trabaho ko sa araw na iyon, nagbigay lang ako ng gamot at nag monitor sa development ng mga pasyente ko.

"Thank you Doc" ngumiti ako at paglabas ng huling pasyente ko ay agad akong nag- ayos.

Alas 7 na ng gabi at alam kong inis na inis na naman ang mga kaibigan ko kung malalate ako o di kaya'y hindi ako makapunta sa pagtitipon.

Hinubad ko ang puting coat ko pati ang stetoscope ko tsaka ako nag- ayos. It is party night kaya kailangan hindi ko dalhin ang career ko sa pagtitipon namin.

Habang papunta sa sasakyan ay tumunog ang cellphone ko at nakit ko ang pangalan ni Moira, isa sa mga kaibigan ko.

She’s in Psychology Department pero sa pagkakaalam ko ngayon ay hindi na muna siya nagpatuloy.

"I'm coming, I won't ditch you" natatawa kong sabi pagkasagot ko dahil alam ko naman na iyon ang sasabihin niya. Ibinaba na niya ang tawag kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Agad akong sumakay sa sasakyan ko at pinasibad ito papunta sa bar kung saan kami magpaparty ngayong gabi.

It's been years mula noong huli kaming nagparty. Naging busy na din kasi iyong iba sa amin dahil gusto nilang mag- aral pa ng ibang specializations at ako naman ay gusto ko pa ding matuto.

Ilang oras lang at narating ko na ang bar, maingay na pero hindi pa naman ganoon kadami ang mga tao lalo na’t hindi pa masyadong gabi.

Pumasok na ako sa loob ng bar at agad kong nakita ang mga kaibigan ko. Nagsimula na sila sa inoman kaya nilapitan ko sila habang umiiling.

“Hanep kayo, ang aga pa!” tinawanan nila ako at binigyan ng baso, ayaw ko sanang uminom agad dahil wala pa akong kain kaso sanay naman na kami nito.

“Walang papasok bukas!” sigaw ni Betty, isang neuro surgeon. Ganito kami kapag nag- iinom bahala na ang lahat ng side effects nitong ginagawa namin basta ba ay masaya ngayon lang naman daw ito.

Inom lang kami ng inom at iyong pulutan ang ginawa naming hapunan. Masakit to sa tiyan at mas madali kang malalasing pero dahil sanay na ay hindi naman na ganoon kabilis ang epekto.

“Anong nangyari dyan?” tanong ko sa isang kaibigan namin na kung makaangkin ng isang bote eh siya lahat nagbayad.

“Broken hearted ang gagong iyon hayaan mo na” natawa ako at itinaas ang baso ko.

“Cheers sa walang jowa” nag cheers naman ang mga kaibigan ko. May isa namang ikakasal na next month habang may mga taken din naman sa amin.

Habang ako, wala lang parang netflix and chill lang ang drama ko.

I don’t usually do jowa’s dahil wala naman akong oras sa mga ganyan.

I also love my life so why bother right? Gusto ko kasing yumaman, I’m an orphan and I am alone that’s why I want live life to the fullest.

“Rafael still want to court you Tasya, wala ba siyang pag-asa?” tanong sa akin ni Mildred, she’s an OB- GYNE.

“You know my answer for that Mildred, and I know you want him they why not do the move?” inirapan ako nito na siyang ikinatawa ko.

Totoo naman kasi iyon, nasa first year palang kami ay ganoon alam kong gusto niya si Rafael, a neuro surgeon too.

“How can I do that Tasya when he only wants you” itinaas ko nalang ang baso ko at inaya siyang uminom.

“Make him forget me Mildred, magaling ka no’n” then we drink again and again hanggang sa naging wild na ang paligid, we went to the dance floor at nakipagsayaw lang doon.

Hatinggabi na ng mapagpasyahan na naming umuwi, lasing na lasing ang mga kasama ko kaya nanatili na muna sila to sober up habang ako naman ay umalis na dahil tingin ko’y hindi naman ako ganoon kalasing.

“Bye bitches, see you when I see you” sigaw ko habang dala ang sapatos ko.

Pagiwang- giwang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa kotse. Inaantok ako kaya doon na muna ako natulog, five minutes lang ang alam kong mawawala ang antok ko.

After minutes of closing my eyes ay nagpasya na akong umalis, wala naman sigurong tao ngayon sa karsada at hindi naman ako mabilis magmaneho. It’s better if I go home and rest.

Nagpatugtog pa ako ng kanta para hindi ako antukin. Thirty minutes ang byahe pauwi pero dahil sa bagal kong magmaneho ay alam kong aabutin ako ng isang oras.

Sa intersection na ako at malapit na ako sa bahay nag may mabilis na kotseng parating. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam ang gagawin ko.

Mabagal ang pagmamaneho ko pero dahil sa nangyari ay naapakan ko ang gas at bumilis ang takbo ko.

Kabang- kaba ako at kahit na gusto kong makaiwas ay huli na, dahil ng marating ko ang gitna ng intersection ay may malaking truck na tingin ko ay nawalan ng preno sa gilid ko at agad itong bumangga sa akin.

Tapos ay bigla namang bumangga ang isa pang sasakyan sa akin. Hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

👮👮👮
Arrest Me
May 08, 2020

First pasilip for this chapter. Please support my other story.

Vote. Comment and Share

Lovelots ~ 😘

Arrest MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon