Anastacia Montecillo
“Kayo ang gumupit nito…” kinuha ko ang mga papel sa kamay ni Max at kumuha ng gunting. Kahapon ay nagplano kami kung ano ang gagawing desinyo tapos ngayon naman ay nagsimula na kami sa paggupit.
“Santo, ikaw naman sa pag trace ng mga letrang ito” ganoon din ang ginawa ni Santo at ng makuha ang mga gamit ay umupo na ito katabi ko.
“Bakit ba kasi tayo nasali sa ganito?” reklamo niya kaya hinampas ko siya.
“Hindi naman kasi pwede iyan Santo, baka kasi lagi nalang tayong nagpapakasarap sa buhay tuwing may ganito” nag focus na ako ulit sa paggupit at hindi na nakipag- usap kay Santo.
Tatlong taon pero unti- unti na akong nasasanay sa buhay ko dito, minsan nga ay tinanong ako ni Santo noong una akong pinahirapan ng mga binayaran ni Mrs. Ruiz.
Tanong niya sa akin ay gagawa ba daw ako ng paraan para makalabas ng kulungan dahil ganoon daw siya noon. Pinipilit niya ang mga magulang niya na gumawa ng paraan kaya lang ay ayaw na siya nitong suportahan kaya tumigil na din siya.
Sa akin naman noong una ay gusto ko talagang lumabas, hindi kasi dito ang buhay na naiisip ko pero wala kaming magawa. Pati mga kaibigan ko na gustong tumulong ay walang nagawa dahil pinadala sila sa ibang lugar.
Awang- awa ako noon sa sarili ko, lagi kong tinanong na bakit ganoon ang nangyari sa akin? Kaya lang habang tumatagal ay naisip ko din ang buhay ko sa labas. Wala na akong pamilya doon, may criminal record, revoke na ang licensya ko kaya saan ako pupulutin?
Bahala nalang siguro na mamalagi ako dito atleast may pamilya ako.
“Montecillo, may dalaw ka” nag-angat ako ng tingin. Tinignan naman ako ni Santo at alam kong gaya ko ay kinakabahan siya. Tuwing may dalaw kasi ay si Mrs. Ruiz ang naiisip namin.
“Ingat ka” tumango ako, bago ako umalis ay pinuntahan ko na muna si Max, baka akalain niya ay tumatakas ako sa trabaho.
“Okay lang, hindi pa naman ganoon karami ang gagawin natin” maharang tinapik ni Max ang balikat ko kaya natigilan ako. Nag freeze ang ngiti ko pero ng marinig ko ang pangalan ko ay agad akong umalis.
Bakit ganoon ang naramdaman ko sa kanya? Oo nga’t niligtas niya ako pero dapat ba akong makaramdam ng kaabnormalan sa puso ko?
“Tasya!” napakurap ako at agad na ngitian ang mga kaibigan. Nandoon si Betty, Mildred, Rafael at si Zayn.
“Hala, mabuti naman at sabay kayo ngayon” nagkumustahan pa kami hanggang sa may pinakita sa akin si Zayn.
“Nagpasa na kami sa korte na muling buksan ang kaso mo. Nagkalap na din kami ng mga ebidensya at wag kang mag- alala malakas ang pakiramdam ko na magiging maayos ang lahat. Makakalabas ka dito” hindi ko magawang matuwa pero ayaw ko namang baliwalain ang effort nila sa akin.
“Okay lang naman ito sayo diba?” Hinawakan ni Betty ang kamay ko. Alam niya atang hindi ako komportable sa ganito.
“Nagpapasalamat talaga ako sa effort niyo kaya lang kasi natatakot ako. Wala naman na kasing purpose iyong buhay ko sa labas. Oo nga’t makakalaya ako- kung iyon ang mangyayari kaya lang ano naman ang kasunod no’n?” nalungkot silang apat, walang naagsalita ni isa sa kanila kaya nagpatuloy ako.
“Masaya talaga ako sa ginagawa ninyo sa akin. Akala ko iiwan niyo ako pero nanatili kayo sa tabi ko. Kahit mahirap para sa inyo ay lagi niyo akong binibisita” napaluha ako.
“Pero nandito na kasi iyong buhay ko, oo nga’t nahihirapan ako pero alam kong mas malaki pa ang problema ko sa labas ng kulungan. Salamat Zayn, Betty, Mildred, Rafael pero sa ngayon ay ayaw ko na muna” niyakap ko silang apat at nag-iyakan na kami.
Sinabihan ko din silang wag na muna akong puntahan lalo na at magpapasko, gusto ko kasing isipin naman nila iyong pamilya nila kaysa sa akin na nandito sa loob at kaibigan lang naman nila.
Nag- iyakan ulit kami at inalala ang mga party namin noong nakaraan. Iyong lungkot na naramdaman namin ay naging masaya dahil sa simpleng throwback namin.
“Be happy” bulong ko sa kanila at nagpaalam na. Tama naman siguro iyong ginawa ko, kailangan muna nilang unahin ang pamilya nila kaysa sa akin.
***
“Tasya, pwede pakitulong dito” day five ng pag- prepare at lagi kong kasama si Max. Hindi ko alam pero sa akin siya lagi nagpapatulong.“Pakihawak nito” hinawakan ko naman iyong kinukulayan niya. Marami pa kaming kailangan tapusin at kailangan na naming mag team up, si Max mismo ang nagdesisyon ng mga partners namin.
“Max, after ba nito ay kailangan na nating isabit ang mga ito sa stage?” malayo kami sa mga kasama namin. Max din ang tawag ko sa kanya dahil iyon ang gusto niya, minsan nga ay nagalit siya sa akin dahil sa tawag ko sa kanya.
“Sir Max ito na po ba ang kailangan kong gupitin?” tinignan ako ni Sir Max at tinaasan ng kilay. Natawa naman ako.
“Para kang bakla” nag tsk siya sa akin at hindi na ako pinansin.
“Anyare sa’yo?” kaso hindi niya talaga ako pinansin kaya hindi nalang ako nangulit sa kanya. Ginawa ko nalang iyong mga trabaho na tingin ko ay dapat kong gawin.
Ngunit habang naggugupit ako ay kinuha ni Sir Max ang gunting ko at hinila ako sa malayo.
“Sir Max” galit ang mata niya kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“Kaibigan ba kita?” napa ‘hala’ ako dahil pulis kaya siya tapos criminal ako kuno.
“Sir Max, nagpapasalamat ako kasi niligtas mo ako noon tsaka lagi tayong nag- uusap kaya lang po-”
“Just call me Max, hindi ka na iba sa akin” tapos ay iniwan niya akong tulala dahil sa sinabi niyang iyon.
Hindi ko maintindihan si Max no’n, tinanong pa nga ako ni Santo kung ano ba daw ang nangyayari pero wala naman akong masagot.
“Bukas na Tasya, sa gabi pa naman ang program” tumango ako at nagpatuloy na sa ginagawa namin.
“Tasya pwede ba tayong mag- usap mamaya? I just need a friend” tumango ako, ganoon naman lagi. Kapag tapos na ang oras ng pagtratrabaho ay pinupuntahan niya ako sa selda ko at kinakausap.
“Oo naman” pinag- uusapan lang namin iyong mga bumabagabag sa kanya lalo na ang mommy niya o kung ano paman.
Tinapos na namin ang mga ginagawa at ng makitang ayos na iyon ay hinila niya ako sa isang sulok at naupo. Madilim naman doon at walang makakapansin sa amin.
“Tasya, salamat ha kasi nakikinig ka sa akin” hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung kailan kami naging ganito ka close, pero tuwing nag- uusap kami ay hinahawakan niya ang kamay ko.
“Ako nga ang magpasalamat sayo dahil iniligtas mo ako” tinitigan niya ako, malungkot na naman iyong mata niya.
“Hindi ko inakala Tasya na ang pagbalik ko sa serbisyo ay ang solusyon para makalimutan ko ang nakaraan” napalunok ako, bakit ganito na naman siya? Bakit pinapabilis niya ang tibok ng puso ko?
“Masakit ang nakaraan ko Tasya pero ng makita kita at mas nakilala kita hinihiling ko na sana, wala ka dito sa kulungan” hinaplos niya ang pisngi ko.
“Gusto na ata kita Tasya” tapos ay tumawa siya ng mahina. Napatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon. Hindi ko na makita ang lungkot sa mata niya, at habang nakatitig siya sa akin ay hindi ko alam kung anong nangyari sa akin.
Inilapit ko ang labi ko at hinalikan siya. Baliw na siguro ako sa ginawa ko pero ng halikan niya ako pabalik ay parang nawala ako sa sarili ko. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. Gago, ano na ba ito?
BINABASA MO ANG
Arrest Me
RomanceMay maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging dahilan upang makulong siya. Isang aksidente, isang pagmamahal na kanyang mahahanap. Cyrano Max Ma...