Anastacia Montecillo
“Tulong!” iyak lang ako ng iyak at nagpupumiglas ako, kahit na nakita na niya ang katawan ko ay hindi ko siya hahayaan pang makalapit sa akin. Pinatid ko ang pagkalalaki niya kaya nakalayo ako sa kanya.
Hinampas ko ulit ang pintuan kaya lang ay nakabawi na siya at sinampal ako.
“Punyeta kang babae ka, criminal naman!” iyak lang ako ng iyak. Sinuntok niya ako sa sikmura kaya nanghina ako.
“Chief” halos pasalamatan ko ang langit ng bumukas ang pinto at may pumasok na isang pulis. Nilapitan ko ito kahit na nahihirapan na ako.
“T-tulong po” ngumisi siya sa akin tapos ay lumapit sa gagong gagahasa sa akin.
“Mukhang nagpapakasarap po kayo ngayon Chief” anito at tinulungan itong makatayo.
“Nako birthday ko kasi ngayon at may pa birthday ang babaeng iyan sa akin. Alam mo naman, akit- akit lang at pwede ng guminhawa ang buhay” nagtawanan ang dalawa, nanghina naman ako. Ang akala ko’y tutulong sa akin ay tingin ko’y sasamahan niya pa itong isang pulis.
“Kaya lang Chief may dalaw ang babaeng iyan. Hinahanap ng pamilya”
“Ganoon ba? Akala ko pa naman walang dalaw ang babaeng iyan ngayon. Oh siya sa susunod nalang” itinayo ako ng binatang pulis, inayos ko ang sarili ko at pilit na tinatakpan ang balat ko. Iyak lang ako ng iyak, kasali ba ito sa kasalanang hindi ko ginawa?
“Miss dito na muna tayo” may binigay na jacket sa akin iyong pulis na tumulong kanina. Tinignan ko ang mukha niya. Gwapo, matangos ang ilong tapos ang puti pa.
“S-salamat” iniyakap ko ang jacket na suot ko.
“Max nga pala ang pangalan ko. First day ko ngayon dito sa City Jail” may inabot siya sa aking pagkain at tubig.
“Wag kang mag-alala, hindi naman ako kagaya ni Chief” nagpasalamat ulit ako sa kanya.
“Ano nga palang pangalan mo?”
“Tasya, pero tinatawag nila akong doc quack” tumawa siya sa sinabi ko.
“Bakit, doctor ka ba noon?” tumango ako. Habang kausap ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Malungkot iyong mata niya pero ramdam kong pinipilit niyang bumangon.
“Sana maka- usap pa kita sa susunod. Basta wag ka lang maglalapit kay Chief ha?” nagkwentuhan kaming dalawa at nalaman kong namatayan pala siya ng girlfriend at anak pero pinipilit niyang mabuhay para sa mga magulang niya.
“Halika na at ipapasok na kita sa silda mo, sana pwede pa kitang maka- usap” tumango lang ako. Nakatitig sa kanya, may kung ano kasi akong nararamdaman sa mga mata niya. Iyong kagustuhan na pasayahin siya pero alam ko namang hindi iyon pwede.
Suot ko pa din ang jacket niya at napakabango nito. Pumasok na ako sa loob ng silda ko at nakita ko si Santo. Nakataas ang kilay niya sa akin pero ng makita ang ayos ko ay agad niya akong dinaluhan.
“Gago talaga iyong Chief na iyon. Mukhang pera!” sigaw niya at nagwala pa siya sa silda namin.
“Tama na ‘yan Santo” pinagbihis na nila ako at pinakwento sa akin iyong nangyari. I told them everything at galit na naman si Santo, hindi daw iyon pwede pero sinabi ko nalang na may tumulong naman sa akin.
Pinahiga na ako ni Santo sa higaan niya at hinaplos ang buhok ko hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam pero tuwing ginagawa ito ni Santo ay lagi akong nabubuhayan ng loob. I feel safe in his arms pero hindi naman iyong point na gusto ko siyang maging jowa.
***
Kinabukasan ay pinatawag kaming lahat dahil sa anunsyo. Ngayon ata iyong program na gagawin namin para sa pasko. Sa tatlong taon ko dito sa kulungan ay alam ko na kung ano ang mga gagawin.“Ayusin niyo ang pila niyo!” nagtutulakan kasi ang mga kasama ko dahil sa excitement na naramdaman.
“Umayos nga kayo baka pagalitan pa tayo ulit” sinisikap kasi naming wag masali sa mag-prepare ng presentation dahil nakakapagod iyon. Mas mabuti na iyong sayaw lang ang gagawin namin kaysa sa kasali pa ang mga decorations at kung ano- ano.
“Doc Quack, hindi naman kasi kami ang gumagawa ng gulo iyong nasa likod” tinuro pa nito ang mga kababaihan sa likod. Kilala ko ang mga iyon, sila iyong mga balyena na laging nagpapahirap sa akin.
“Ano ba?! Hindi ba talaga kayo titigil?” napangisi ako, sila kasi iyong sinita at alam kong sila ang paparusahan.
“Iyang Montecillo kasi chief, nakakainis” umiling ako ng nilingon ako ng bantay namin. Ngumisi siya at lumapit sa akin.
“Ikaw pala iyong Montecillo” tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa kaya napalunok nalang ako. Mukhang hindi ako swerte sa araw na ito.
“Kilala ka ng lahat lalo na dahil nakita kang kasama si Matutum, malas mo” ngisihan ulit ako nito at umalis na siya. Agad naman akong kinumusta ng mga kaibigan ko tsaka si Santo.
“Anong sabi no’n?” sinabihan ko nalang na wag na akong isipin. Hanggang sa hindi ako nasasaktan ay hindi ako mangingialam.
Pinaayos na ulit kami at buti nalang dahil natahimik na ang lahat. Tinignan ko ang mga nasa harap at lumukob ang galit sa puso ko ng makita ko ang pulis na muntik na akong gahasain.
Naikuyom ko ang kamao ko, ang kapal naman kasi ng mukha. Proud pa siyang pulis siya pero maitim naman ang budhi niya.
“Okay ka lang?” tumango lang ako at sinabihan si Santo na tumahimik muna dahil nakikinig ako. Maya- maya pa ay napadako ang tingin ko sa isang pulis. Matangkad pala talaga si Max. Tapos iyong katawan, ang matcho lang niya, ang makapal niyang kilay, iyong labi niya at ang tangos ng ilong niya pero napansin ko iyong mata niya.
Kawawa naman siya, sabay pang nawala ang girlfriend niya at anak. Paano niya kaya iyon kinaya?
“Kilala mo ‘yan?” Tumango ako, siya kasi iyong savior ko at masaya talaga ako dahil kung hindi niya ako niligtas ay tiyak na panibagong paghihirap naman ang mararanasan ko.
“Kaibigan mo sa labas?”
“Hindi, nakilala ko yan dito. Iyong tumulong sa akin” tumango nalang si Santo at sabay na kaming nakinig.
“Ngayon ay may mga bago tayong makakasama sa programa kaya gusto kong pagbutihan ninyo ang mga gagawin ninyo…” sinabi nito kung anong presentation ang kailangan ihanda.
“Ang pangalan na tatawagin ko ay ang grupo kung sino ang mag de-decorate ng lugar” nagsimula na siyang magtawag ng pangalan at kapag natawag ka ay pupunta ka naman sa harap.
“Crisanto Robertsons, Anastacia Montecilo, Damien Alonso…” sabay kaming nagbuntong hininga ni Santo at wala ng nagawa kundi ang pumunta sa harap.
“Ang makakasama niyong pulis sa grupo niyo ay sina SPO2 Bohol, SPO1 Matutum…” nagkatitigan kami ni Max, ngumiti siya sa akin at ng makalapit ay binulungan niya ako.
“Let’s work hard for this” namula naman ang mukha ko. Gago ‘to, bawal lumandi!
BINABASA MO ANG
Arrest Me
RomanceMay maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging dahilan upang makulong siya. Isang aksidente, isang pagmamahal na kanyang mahahanap. Cyrano Max Ma...