AM 6

239 3 0
                                    

Anastacia Montecillo

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ginawa namin ni Max. Naghalikan lang kami pero iyong puso ko, hindi tumigil ang bilis ng pagtibok nito. Magkakaroon pa ata ako ng heart attack nito.

“Kilos na Doc Quack, kailangan na nating ayosin ang stage” Kahit na ayaw kong tumayo ay wala na akong nagawa dahil hinihila ako ni Santo.

“Oo na kasi, gagalaw na” tinulak ko si Santo at tinawanan. Ayaw ko kasi talagang makita sa ngayon si Max dahil nahihiya ako pero alam ko naman na hindi pwede dahil trabaho namin ito.

Pumunta na kami sa venue at doon nakita ko Max na kinakausap ang mga kasama namin. Kinakabahan naman ako, ganito na ang epekto sa akin ni Max mula noong lagi kaming magkausap.

“Good morning Tasya” napaigtad ako sa init ng hininga ni Max sa tenga ko. Hindi ako nakagalaw at kung hindi pa ako hinawakan ni Santo ay mananatili akong nakatayo doon.

“Ginugulo ka ba nang pulis na iyon Doc Quack?” umiling ako, hindi naman kasi ganoon.

“Mag- ingat ka dyan lagi ‘yang nakatitig sayo” natulala na naman ako, titig lang iyon pero bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

“Tasya dito ka” nagpaalam ako kay Santo upang sundan si Max. Pumunta siya sa likod ng stage kaya doon din ang tungo ko.

“Max?” tawag ko dahil pagdating ko ay madilim doon.\
“I miss you Tasya” may humila sa akin at agad na naglapat ang mga labi namin. I moved my lips as if joining the rhythm of the beat of our heart beats.

“I just want to be near with you, Tasya” then he hugged me so tight na hindi na ako makahinga kaya natatawang tinapik ko siya.

“Grabi namang pagka miss iyan Max, hindi ako makahinga eh” ngumisi siya sa akin.

“Sorry naman, I just miss you kaya ayon” nanatili kami doon na magkahawak ang kamay namin. Tahimik lang kaming dalawa, hindi ko man nakikita ang mukha ni Max pero masaya parin ako. Hindi ko inaakalang dadating ito sa buhay ko.

“Ano ba tayo Max?” hindi ko maiwasang tanongin.

“Hindi ko alam Tasya pero mamaya, magkita tayo Tasya” agad siyang umalis kaya naiwan ako doong maraming tanong. Mamaya ko ba malalaman kung ano ang meron sa aming dalawa?

Pero handa ba ako? Oo tumitibok ang puso ko sa kanya, siguro gusto ko na siya o di kaya’y mahal ko na siya dahil nagtitiwala ako sa kanya pero anong mangyayari sa akin? Anong gagawin ko?

“Hoy, nandito ka lang pala” napakurap ako, hinala ako ni Santo at sinabihan niya ako kung ano ang gagawin namin. Tumulong ako pero iyong isip ko ay lumilipad sa kung saan.

“Okay ka lang?” tinanguan ko si Santo, hindi nagsalita. Nalilito kasi ako at kinakabahan na din sa maaaring mangyari bukas.

“Santo” tawag ko dito, hindi na nakatiis.

“Anong gagawin mo kapag nagkagusto ka sa isang tao?” tinaasan niya ako ng kilay, maya- maya pa ay tumawa ito.

“Gusto mo ba ako?”

“Feeling nito! Sagutin mo ako” inakbayan ako ni Santo.

“Alam mo kasi Doc Quack, may nakilala ako noong nakaraan. Kapatid siya ng isang preso, nahulog ang puso ko tapos gusto din pala ako” tumawa ulit si Santo. Hindi naman iyon ang tanong ko sa kanya pero sige na nga at pakikinggan ko.

“Ako na ang lagi niyang binibisita dito at nangako ako na gagawa ako ng paraan para makalabas ako. I want us together Doc Quack, kaya ayon at humingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko. They are willing to help me kaya binuksan ulit iyong kaso” napaisip ako sa sinabi niya, gagawin ko din ba iyon?

“Stop talking, marami pa tayong gagawin” binangga ni Max si Santo at imbes na mainis ako ay kinilig pa ako. Nagseselos ba siya?

“Tara na nga Doc Quack, ang dami pa nating gagawin”
***
“Doc Quack, ang galing natin” niyakap ako ni Santo at nakipag- apir din siya sa mga kasama namin. Nakatingin kami sa stage ngayon habang nagsisimula na ang program. May mga bisita kaming nagbibigay ng fund para sa makakain namin.

“Merry Christmas Santo” may binigay ako sa kanyang bracelet. Gawa lang iyon sa yarn pero pinaghirapan ko iyon.

“Thank you Santo ha, kasi lagi kang nandyan sa akin” binigyan din ako ni Santo ng regalo, pantali ng buhok iyon. Nag exchange gift kami ng mga kaibigan ko at masaya talaga ako.

Hindi man ito tulad ng mga kaibigan ko sa labas pero sila ang naging karamay ko dito sa loob ng kulungan. Nakahanap ako ng panibagong pamilya sa kanila pero ang alam ko iyong iba ay makakalabas na pagkatapos ng New Year.

Mahaba ang program ngayong gabi, maraming kumanta, may sumayaw pa tapos palaro. Hindi ko nakita si Max pero ang alam ko ay nandito naman siya. Marami din kasing tao dahil halos lahat ng mga pulis ay nandito.

“Mag bagong buhay na kayo kapag lumabas na kayo ng kulungan. May iba sa inyo ay habangbuhay ng nandito pero sana hindi niyo kalimutan ang Panginoon…” siya iyong pastor namin dito. Nagpalakpakan ang lahat at pinangako na mag bagong buhay na ang lalabas.

“Hindi ibig sabihin na nakulong kayo ay hanggang doon nalang ang buhay niyo. Isipin niyo ang mga tao sa paligid na nagmamahal sa inyo at tandaan ninyo na habang may buhay may pag- asa…” bigla ay nag- iba ang takbo ng isip ko.

Kailangan ko ba talagang manatili dito dahil sa takot na naramdaman ko?

“Tasya” hinila ako ni Max, sumama naman ako sa kanya dahil alam kong mag- uusap kaming dalawa.

Tahimik ang lugar dahil lahat ay nasa loob kaya alam kong makakapag- usap kaming dalawa.
“Merry Christmas Tasya” napangiti ako at nakita ko naman doon ang isang mesa na puno ng pagkain.

“I prepare a little to make this memorable” umupo kaming dalawa, may spaghetti, ham,  adobo at cake pa syang hinanda.

“Salamat nito Max” napapaluha ako, ngayon lang kasi ulit ako nakaranas ng ganito. Three years at ngayon ay binigay sa akin ni Max ito. Lord, is this the sign para pumayag akong makalabas dito?

Nagsimula na kaming kumain dalawa, we talked about life once again pero hindi na siya nagkwe- kwento sa nakaraan niya.

“I am happy that I meet you Tasya. Masaya akong kausap ka, masaya ako kapag nakikita ko ang mukha mo Tasya” natutunaw ang puso ko sa mga pinapakita niya sa akin.

“Hindi man ito usual na love story Tasya dahil nandito ka sa loob ng kulungan pero alam kong mabait ka” may kinuha siya sa pocket ng uniporme niya.

“I want you to remember me Tasya, I want to make memories with you kahit dito lang sa loob ng kulungan” ipinakita niya sa akin ang isang bracelet. Silver iyon, infinity ang desinyo pero may posas naman sa gitna.

“I am locking you inside me Tasya, be my girl” napaluha ako, is this a sign that I should push through the case?

“Tasya” tumayo ako at nilapitan siya. Niyakap ko si Max, masaya ako, masayang- masaya ako dahil tanggap ako ni Max.

“Yes Max, I will be your girl” isinuot niya ang bracelet sa wrist ko at naghalikan na naman kami. We kissed in the dark sealing our relationship and use the time we have in creating memories. Ganoon lang naman, we talk about how we visualize ourself in different circumstances.

Arrest MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon