Cyrano Max Matutum
“I love you so much babe, see you tomorrow” ibinaba ko ang tawag at agad na nahiga sa kama ko. Bukas ay aayain ko ng kasal si Heide. Iyon nalang kasi ang kulang sa aming dalawa.
Nakatira kami sa isang bahay, nagtatalik kaming dalawa at buntis na siya ngayon kaya lang kailangan niya munang umuwi sa kanila dahil namimiss na siya ng magulang niya.
“Anak, are you asleep?” tumayo ako upang buksan si mommy ng pinto. I smiled at her and hug her. Sinabi ko sa kanya iyong plano kong pagpapakasal.
“Go ahead anak, we will support you always” Hinalikan ako ni mommy sa noo at sinabihang matulog na at dahil pagod ako galing sa trabaho ay agad akong nakatulog.
“Anak gising” may yumuyugyog sa akin at ng buksan ko ang mata ko ay nakita ko si mommy na umiiyak.
“Ano pong problema My?” bumangon ako at kinuha ang cellphone para tignan kung anong oras na, napansin ko namang maraming misscall sa akin ang mommy ni Heide.
“My alas kwatro palang po” humikbi si mommy kaya kinabahan na ako, may nangyari ba?
“Anak s-sorry” nalilito ako kaya lang ibinigay sa akin ni mommy ang cellphone niya at doon nabasa ko ang text ni Tita Vivian- mommy ni Heide.
Vivian
Wala na ang anak ko, Jillian.Nabitawan ko ang hawak kong cellphone. Seryoso ba si Tita?
“Anak” napaupo ako, hindi naman kasi ito totoo. Mag pro- propose pa ako sa kanya mamaya, iyong anak namin.
“Mommy, iyong baby namin ni Heide” napasinghap si mommy at sabay na kaming umiyak. Paniginip lang naman ito diba, panaginip lang ito.
“Anak? Tara na?” Hinaplos ko ang pangalan ni Heide, three years na at ang sakit- sakit parin ng puso ko.
“My, bakit sila kinuha sa akin agad?” hindi ko gustong umiyak pero ang sakit lang kasi sa pakiramdam. I stop my duty as a police dahil hindi ako makapag concentrate, dad wants me to handle our company pero hindi ko din kaya.
“Everything has a reason anak, remember that” tumango ako.
“Mahal sana tulungan mo ako, I need to continue my life dahil nasasaktan ko si mommy at daddy pero sana tulungan mo ako na kayanin ito” hinaplos ko ulit ang pangalan niya at ganoon din ang ginawa ko sa pangalan ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Arrest Me
Roman d'amourMay maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging dahilan upang makulong siya. Isang aksidente, isang pagmamahal na kanyang mahahanap. Cyrano Max Ma...