Cyrano Max Matutum
“Hello my?” kausap ko ngayon si mommy, kakadating ko lang galing California dahil sa kasal ni Luna at Ethan pero nandito ako ngayon sa cementeryo. Ilang araw din kasi akong nanalaagi doon at hindi ko ito napuntahan.
“Uuwi ka ba sa bahay o diritso ka na sa trabaho?” napabuntong hininga ako, wala na kasi akong gana na pumunta ng presinto. That Tasya- hindi ko alam kung bakit ba ako nagtitiis sa kanya.
“Uuwi na po muna ako dyan my” binaba ko na ang tawag at tahimik na tinignan ang litrato ni Heide.
“I love you so much Heide, I’ve been so busy this past few months. Kinasal na kasi si Ethan sa secretary niya. Tapos si Christian naman, naalala mo iyong pinsan kong hilaw?” Natawa ako, Christian cause another chaos in our family pero masaya naman ako sa kanya. Lumaban kasi silang dalawa ni Evry and they deserve all the happiness.
“May anak na si Christian at Evry babe, kambal iyong anak nila- si Deborah at Samson” hinaplos ko ang puntod ng anak ko. Kung buhay sana ang anak ko siya sana ang unang apo ng mga Matutum.
“I’ll go ahead babe, babalik ako ulit ha? I’ll take over daddy’s position. Hindi na kasi ako babalik sa pagiging pulis ayaw ko doon” inayos ko ang bulaklak na dala ko kanina at lumabas na ng cementeryo pero habang papunta ako sa sasakyan ko ay nakita ko ang babaeng sumira ng buhay ko.
“A-anong ginagawa mo dito?” Paano siya nakalaya? Bakit hindi ko ito alam?
Three months na noong huli kong nakita si Tasya at masaya naman ako. Hindi ko alam kung bakit ko ba iyon nagawa sa kanya. Mabait naman siya sa akin pero nasasaktan kasi talaga ako. Everything is planned simula ng magkita kami.Noong niligtas ko siya kay Chef-- isa iyon sa mga tauhan ko. Ginawa ko iyon to gain her trust and to make her fall in love with me. Noong kinuha ko ang trabaho, wala naman akong intensyon na harapin ang babaeng iyon. Pinatay niya ang mahal ko sa buhay, pinatay niya ang pamilya ko kaya naisip ko siyang saktan pa lalo.
Hindi kasi ako nasiyahan sa buhay niya sa loob ng kulungan. May mga kaibigan siya at masaya siya kaya hindi iyon sapat. Gusto ko iyong masaktan siya sa loob niya, iyong gugustohin niyang mamatay nalang.
But things change, ang daming nagbago. I saw the best in her, iyong gusto ko siyang makitang ngumiti, gusto ko siyang makasama. Noong una ay ginawa ko ang lahat, masaya kasi ako tuwing kasama ko siya pero naalala ko si Heide, mali iyong ginagawa ko kaya umalis ako.
Tagumpay ako sa pagpapahulog sa kanya, pero iyong nararamdaman kong kasiyahan tuwing kasama siya ay hindi iyon kasali sa plano ko kaya umalis ako. Gusto kong huminga, gusto kong mawala iyong nararamdaman ko.
I keep missing her at first but when I keep on thinking how Heide and my child died nawala ang nararamdaman ko sa kanya.
Ang plano ko ay hindi na ako magpapakita sa kanya. I’ll quit being a police at iwan siya ng hindi ako nagpapaalam sa kanya, kaya hindi ako makapaniwala at nakikita ko siya sa harapan ko ngayon.
Tulala lang ako, kahit na magkasama kaming dalawa ay lumilipad ang utak ko. I don’t know what to do, gusto ko ng makaalis sa kanya dahil gusto kong masagot ang mga tanong na nasa utak ko.
“I love you so much Max, ginawa ko ito kasi gusto pa kitang makasama” nalilito ako, kumabog ang puso ko. Nararamdaman ko ito noong kasama ko siya pero binabaliwala ko dahil hindi ito dapat mangyari. Hindi ko dapat ito maramdaman dahil sinira niya ang buhay ko.
Lumayo ako sa kanya at agad na nagpaalam na. We exchanged numbers para madali lang daw kaming mag- usap.
“Bye Max, see you soon” she kissed my lips once again at halos maitulak ko siya dahil sa kabog ng dibdib ko. Baliw na ba ako?
I went home, marami akong gustong tawagan pero hindi ko magawa. Kinakabahan ako sa maaaring sagot na mahanap ko. Ano na ba itong nangyayari sa akin, ito naman ang plano diba? Bakit nababahag ang buntot ko?
“My, that woman-” niyakap ako ni Mommy, umiyak siya kaya mas lalo akong naguluhan. Pinagpahinga niya ako kaya natulog ako. Baka mawala itong nararamdaman ko dahil nakakagulo ng isipan.
***
Nagising akong maraming tawag at text galing kay Tasya, hindi ako nagreply. Gusto kong mawala siya sa isip ko dahil hindi naman iyon tama. Mahal na mahal ko si Heide at hindi pwedeng mahalin si Tasya.
Pumunta ako sa puntod ni Heide, ginagawa ko ito noon tuwing maiisip ko si Tasya. This way, maaalala ko si Heide at mawawala si Tasya sa isip ko.
“Babe, alam mo ba na gulong- gulo ako? Bumalik ako sa pagiging police ilang buwan na ang nakakalipas. I saw that woman who killed you Heide, at galit na galit ako sa kanya. I plan on making her fall in love with me, pinaglaruan ko siya Heide at nagtagumpay ako--”
“Max?” nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang boses ni Tasya, anong ginagawa niya dito?
“M-max ano ang ibig mong sabihin?” nilingon ko si Tasya, umiiyak siya. Sumakit ang puso ko ng makita ko ang mga luhang naglandas sa mga mata niya.
“Tasya” inilibot niya ang tingin sa paligid tapos ay bumalik sa akin ang tingin niya.
“K-kaano- ano mo ang anak ni Mrs. Ruiz?” nagbuntong- hininga ako. Nandito na naman kami at ito naman ang gusto ko diba? Iyong masaktan siya, kaya dapat ay sabihin ko na sa kanya. Ito ang gusto ko, ang saktan siya pero bakit pati ako nasasaktan?
Anastacia Montecillo
“Max!” sinigawan ko ang lalaking mahal na mahal ko. Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya ng sabihin niyang pinapaibig niya ang babaeng pumatay sa nobya niya.
“Upo ka Montecillo” Iginaya niya ako sa isang upuan doon, magkaharap kaming dalawa. Nasa gitna namin ang puntod ng anak ni Mrs. Ruiz.
“Heide Claire Ruiz, siya iyong tinutukoy ko sa’yong girlfriend ko” napasinghap ako at naipagtagpi- tagpi ang mga pangyayari. Ang sakit lang.
“Matagal ko na siyang girlfriend, lived in kaming dalawa tapos magkakaanak na kami. That night before she died ay nag-usap pa kaming dalawa. Then I sleep and the next thing I knew wala na siya” tumulo ang luha sa mga mata ni Max pero hindi ako nakaramdam ng awa, bakit ginagawa niya ito sa akin?
“Mahal na mahal ko siya pero dahil sa’yo!” tumayo si Max. Hindi ako nagpakita ng takot, I’ve been in hell before at kaya ko ito.
“Nagpakalasing ka, then you drive at binangga mo siya. Nawala ang pamilya ko dahil sa’yo and to give you the same pain. I let you fall in love with me, at nagtagumpay ako Tasya” tumayo ako, iyak lang ako ng iyak dahil hindi ako makapaniwala na nagpakabaliw ako para sa kanya.
“Mahal mo ako Tasya diba? Kaya nagtagumpay ako!” sinampal ko siya.
“Hindi Max, talo ka pa rin. Ang cheap naman niyang ginagawa mo Max! Make me fall for you?!” tinawanan ko siya, ang sakit- sakit lang.
“Cheap na kung cheap Tasya, pero kahit na tingin ko ay nagtagumpay ako mali pa rin pala” tinitigan niya ulit ako. Hindi naman ako nagpatalo.
“Minahal din kasi kita, nahulog ako sa sarili kong paghihigante” tinawanan ko siya ulit.
“Don’t make me look stupid again Max dahil hindi na ako magpapagamit sayo” tumalikod na ako. Ang sakit lang kasi ganito ang nangyari sa aming dalawa.
“Oo, mahal kita pero mali ka ng taong pinaghigantihan Max. That future mother- in- law of yours, siya ang pumatay sa pamilya mo! Sana ginawa mo ang trabaho mo Max, pulis ka pa naman pero nagpauto ka!” mahal ko siya at naiintindihan ko siya pero wala naman akong mapapala sa kanya.
“Goodbye Max, sana masaya ka na” at umalis na ako doon. I heard him call for my name pero hindi na ako nakinig. Gago siya, mahal ko siya pero ang gago niya. Ngayon lang ako nagmahal tapos ganito pa ang gagawin niya sa akin? Gago lang!
“Ang gago mo at ang tanga ko!”

BINABASA MO ANG
Arrest Me
RomanceMay maraming pangarap na gustong abutin si Tasya pero isang gabi lang, isang aksidente lang ang magsisira ng lahat ng iyon. Isang aksidente na naging dahilan upang makulong siya. Isang aksidente, isang pagmamahal na kanyang mahahanap. Cyrano Max Ma...