Love and Lust~
"HINDI ka a-attend sa party?!" Makailang ulit na siguro niya iyong narinig sa kaibigan niyang si Trisha. Naiirita na nga siya sa paulit-ulit nitong tanong. Sinabi na nga niyang hindi siya pupunta! Hindi siya a-attend.
Ano naman ang gagawin niya sa birthday party ng girlfriend ng lalaking mahal niya? Papanoorin niyang magiliw na nag sasayaw ang mga ito habang puno ng pagmamahal ang mga mata?! At siya ano?! Iiyak lang siya! Iiyak lang siya kahit na alam niyang wala siyang karapatang umiyak. Hindi naman niya pag aari si C.A at alam naman niya ang label ng relationship nila.
Habang buhay nalang siyang magiging bestfriend nito. At hindi niya alam kung hanggang saan niya iyon kayang tanggapin. Kung hanggang saan ba ang tibay ng pagmamahal niya sa binata at nagpapakatanga siya.
Isipin mo na lang, kung a-attend siya sa party na iyon ay masasaktan lang siya sa mga makikita niya. Lalo pa't bali-balita sa buong university na magpo-propose na daw ang binata sa nobya nito. Yes, kalat iyon sa University nila sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Clevin Ainton Heluxus, at his young age isa na itong sikat na businessman. Hindi lang naman ang karangyaan ng binata ang napapansin ng lahat kundi ang itsura rin nito. C.A is smoking hot, his midnight blue eyes is hypnotizing, his thick brow, pointed nose, square jaw and his fucking sexy lips, damn! Ngayon pa nga lang na iniisip iyon ni Sofia pakiramdam niya ay nag iinit siya. Hindi naman iyon ang nagustohan niya sa binata.
Anyway, marami ngang naiinggit kay Hyana Samonte dahil napaibig nito ang isang Clevin Aiton Heluxus, bakit hindi e, maganda naman ito at ang balita niya ay napakatalino nito. Tourism kasi ang course nito kaya hindi naman niya masyadong nakakasalamuha ang dalaga at hangga't maari ay iniiwasan niyang makasalamuha ito. Paano ba naman kasi, nanliliit siya sa tuwing nakikita niya kung gaano kaganda si Hyana compare sa kanya. Damn insecurities! Nakakainis!
Natapos ang isang subject nila na hindi pa rin siya tinatantanan ni Trisha kakatanong kung a-attend ba siya sa birthday party ni Hyana. Shit lang! Bakit ba kasi imbitado pa siya roon?!
"Hindi ako pupunta Trish, puro businessman lang naman ang nga dadalo roon." minsan niyang ng tanongin siyang muli ng kaibigan.
Nakita niyang humalukipkip ito sa harap niya. "Kaya nga! Hindi ba't ang Tito mo naman ang may invitation? Inimbitahan sila ni Governor Samonte. Kaya nga a-attend kami ni Kuya, representative ni Mom at Dad."
"Mayroon din ako, binigay ni C.A." aniya at hindi na inabalang tapunan pa ng tingin ang kaibigan. "Hindi ako dadalo Trish, pasensya na."
"Ano ba naman yan!" maktol nito. "Pumunta ka na kasi para may kasama ako, ayokong kasama si Kuya dahil alam kong isasama niya yung girlfriend niya. Out of place ako bes!"
Inis na tiningnan niy ang kaibigan. "Gusto mo bang mamatay ako sa sakit Trisha?! Alam mo kung anong meron kami ni C.A."
"Walang kayo Fia! Asyumera ka ha."
Napairap nalang siya sa sinabi nito. Sa totoo lang dapat ay nasasana'y na siya pero sa tuwing ipinamumukha sa kanya ng kabigan niya na walang "sila" ni C.A ay parang sinasakal ang puso niya.
Napailing na lang siya at inayos na ang mga gamit niya. Panigiradong hinihintay na siya ni Mang Domeng sa baba. Alas tres naman na ng hapon, wala na siyang sunod na klase at wala naman siyang plano ngayon. Siguro ay pupuntaha na lamang niya ang Ai's Restaurant iyong restaurant ng Tito Patrick niya.
Nagpaalam na siya sa kaibigan, muli siya nitong kinulit na sumama siya sa darating na Birthday Party ni Hyana Samonte pero hindi ba din nagbago ang sagot niya, hindi siya pupunta.
BINABASA MO ANG
Love And Lust (COMPLETED)
General FictionCLEVIN AITON HELUXUS' STORY EVIL TORTURERS SECOND GENERATION @MyJaff