Love and Lust
~
NAKATITIG si Sofia sa damit na ipinadala ni C.A sa kanya para sa darating na kaarawan ng nobya nito. Hindi niya nga maiwasang mapasimangot ng pasadahan niya iyon ng tingin. Kulay itim iyon na dress, mahaba ang sleeve nito at lagpas tuhod ang haba nito. Seriously? Gusto ba nito na magmukha siyang manang sa party na iyon?! Hindi niya maintindihan si C.A, kapag binibilhan siya nito ng damit panay turtle neck o di kaya naman ay long sleeve.
Maisusuot niya kaya ang ganitong klaseng damit?! Baka gawin lang siyang katatawanan doon.
Hinablot niya ang telepono sa kanyang silid at tinawagan ang numero ng designer ng Tito Patrick niya.
Titig na titig pa din siya sa damit, ayaw naman niya kasing hindi ito ang isuot niya dahil bigay ito ni C.A. Ipapaayos niya na lang ito kay Dolly. Iyong baklang stylist ng Tito Patrick niya.
"Hello Dolly?!" aniya sa kabilang linya. "Si Sofia Borja po ito, iyong pamangkin ng client niyong si Mr. Patrick Asuncion Borja."
"Oh, little barbie doll! Bakit ka napatawag?!" malanding boses nito ang bumungad sa kanya.
Natawa nalang siya. "May ipapa-ayos sana akong damit sayo, Dolly! Tsaka pwede bang ikaw na rin ang mag ayos sakin?!"
"Sure, para saan ba?!"
Napapikit siya. "Sa birthday party lang."
"This Saturday ba? Ihahatid ko din kasi diyan iyong coat ng Tito mo. Pareho lang ba kayo ng pupuntahang party?!"
"Opo yata, pero baka hindi po kami magsabay." sagot niya.
Narinig niyang may kinausap lang ito saglit bago siya binalikat sa linya. "Okay sige, ipapakuha ko nalang dyan sa mansion ng Tito mo iyong dress na ipapa-ayos mo. Ako na ang bahala. Isasabay ko nalang sa Saturday ang paghatid ha."
Napapalakpak pa siya sa tuwa. "Yay! Thank you so much Dolly!"
Hindi siya sigurado kung talagang makakapunta siya sa birthday party ng nobya ng lalaking mahal niya. Pakiramdam niya kasi ay guguho siya sa gabing iyon. Lalo na't bali-balita sa buong university na magpo-propose na si C.A sa dalaga. Umaasa siyang hindi iyon totoo, umaasa siyang hindi iyon mangyayari sa gabing iyon.
She may look so desperate of hoping that C.A will be officially hers even if it's impossible but still, she was hoping. Someday, C.A will see how much she loves him. How much she care for him and how much she was hoping to have him.
Hope. Iyon nalang naman ang pinanghahawakan niya ngayon. Wala siyang pakialam kung habang buhay siyang umasa.
She's okay with her being his bestfriend rather than be his ex forever. Hindi niya iyon kaya.
KANINA pa hindi mapakali si Sofia habang inaayusan siya ni Dolly. Usapan nila ng kaibigan niyang si Trisha na magsasabay sila. Dadaanan nalang niya ito tutal magpapahatid naman siya kay Mang Domeng, kanina pa rin nakaalis ang Tiyuhin niya. Mukhang marami itong mga business partners na kakausapin sa party na iyon. Isa pa, alam naman niyang puro bigatin na personalidad ang dadalo sa kaarawan ni Hyana Samonte. After all, she's the only daughter of Governor Harold Samonte.
"Ay! Loka ka! Huwag kang malikot barbie doll!" saway sa kanya ni Dolly habang nilalagyan siya ng blush on.
Napangiwi siya. Kinakabahan talaga kasi siya ngayong gabi. She look at her reflection in the mirror, gusto niyang matulala dahil parang hindi siya ang nasa harap ng salaming iyon.
Kulot ang dulo ng buhok niya unlike the usual na unat na unat ito. Hindi rin ganoon kakapal ang make up niya, talagang ibinagay iyon ni Dolly sa balat niya. She must say, she's really satisfied with her make over tonight.
BINABASA MO ANG
Love And Lust (COMPLETED)
General FictionCLEVIN AITON HELUXUS' STORY EVIL TORTURERS SECOND GENERATION @MyJaff