Chapter 14 - Heluxus

43.3K 1.2K 74
                                    

Love and Lust

~

MAKE YOURSELF a priority at once in awhile. It's not selfish, it's necessary. As of now, iyon na ang ginagawa ni Fia. Isang buwan na rin ang nakalipas matapos iyong mga naganap sa Ilocos, isang buwan na rin niyang kinakaya iyong sakit at pangungulila niya sa iisang tao. Wala naman na kasing naging balita si Sofia kay C.A magmula noong umalis siya. Ang alam niya lang ay nasa Ilocos pa ito kasama si Hyana Samonte, maybe they fix things up kaya hindi na siya magtataka kung babalik man ang dalawa na kasal na.  Tanggap na iyon ni Fia, wala naman siyang magagawa e. 

Actually, hindi naging madali ang lahat kay Fia magmula nang bumalik siya. Gabi gabi siyang umiiyak at halos bumagsak na nga ang mga grades niya sa mga major subject niya. Mabuti nalang at kasali pa rin siya sa mga ga-graduate ngayong taon.

Isa lang siguro ang magandang naidulot ng paglayo niya kay C.A, at iyon ay ang  pagkakaroon niya ng oras para sa sarili niya, hindi iyong nakadepende nalang siya sa binata. Hindi iyong pagmamahal nalang niya para kay C.A ang laging iniintindi niya. 

Maraming nagbago sa loob ng isang buwan pero isa lang ang nasisiguro niya, hindi pa rin nagbabago iyong pagmamahal niya para kay C.A.

“Sofy, are you really want to do this?!”

Napalingon siya sa Tito Patrick niya dahil sa sinabi nito. Napabuntong hininga na lamang siya.

“Tito, ito na lang po iyong maitutulong ko para sa inyo, at sa mga pinaghirapan niyo.”

“Pero Fia, hindi mo naman 'to kailangang gawin. Gagawa na lang ako ng ibang paraan.” nag aalalang sabi ng Tito niya.

Napailing nalang siya, sigurado na si Fia sa gagawin niya at isa pa, mukhang ito lang naman na ang natitirang paraan para maiahon nila ang Ai's.

Ang totoo niyan, malaki kasi ang nanakaw na pera sa Ai's umabot iyon ng ten digits at nasunog pa ang isa nilang branch sa Makati. Malaki laki ang napakawalang pera ng Tito niya at mukhang mahihirapan na silang makabawi kaya tinanggap na niya ang offer ni Mrs. Georgina Heluxus sa kanya.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi naman sa direkta siyang kinausap ni Mrs. Heluxus pero hindi rin naman niya sinasadya na marinig ang pinag uusapan ng Tito Patrick niya at ni Mrs. Georgina noong nakaraang araw sa office ng Tito niya. 

Pabagsak na ang Ai's at alam niya kung gaano ito kaimportante sa tyuhin. Gusto niyang makatulong kahit paano, pambawi man lang doon sa mga tulong na nagawa nito at sa mga kasalanang nagawa naman niya.
Ngumiti siya kay Tito Patrick. “Tito, bukal sa loob kong gagawin ito.”

“Fia, masisira ang lahat ng pangarap mo. Maging ang pagkakataon mong magkaroon ng masayang pamilya. Ayaw kong pagsisihan mo 'to.” anito.

Umiling siya. Sira naman na ang puso niya kaya para saan pa, diba? Hindi naman mapapasakanya si C.A kaya mas mabuti nalang na gamitin niya ang utak ngayon bago ang puso, kailangan ng Tito niya ang tulong niya. 

“Malay niyo naman po Tito, magkagustohan kami ng anak ni Ma'am Georgina.” pabirong aniya kahit na sa totoo lang ay napaka-imposibleng mangyari niyon.

Mahal na mahal niya si C.A at hindi na magbabago iyon.

Marahas itong bumuntong hininga. “Fine but you can always back out, sweetie.”

“I won't, Tito.” sagot niya.

Wala nang nagawa ang Tito Patrick niya, sabay na silang nagpunta sa main branch ng Ai's dahil doon sila magkikita ngayon ni Mrs. Georgina Heluxus at ng anak nitong lalaki.
It may sound so cliche but yes, ipapa-arrange marriage siya sa anak nito para maisalba ang Ai's. Mahirap man pero kakayanin niya para sa Tito niya na nagpalaki sa kanya, alam niya naman kung gaano ka-importante ang Ai's para dito. Alam niyang ang restaurant na iyon ay para sa kaisa-isang babaeng minahal ni Patrick Borja na hindi naman niya nakilala. Ayaw niyang mawala ang lahat ng ala-ala ng babaeng iyon sa tiyohin niya kaya gagawin niya ang lahat para maisalba ang Ai's.

Love And Lust (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon