Found 8

2.7K 85 4
                                    

Found 8

Tinuloy ko ang balak ko na mag enroll sa isang fashion class. Short course lang naman ito. Good lang for 3 months and I think enough na to help sa magiging work ko.

Wala namang naging problema kina mommy actually they think na its a good move daw for me.

Ilang days na lang at magstart na akong magwork kay Vince. Kaya ngayon ay ipapakilala na ako ni Vince sa stylist niya.

Sinundo ako ni Vince sa house namin. Grabe ang gwapo niya talaga at magaan kasama. He really remind me of Charles.

"You know what Vince you really remind me of someone." Sabi ko sa kanya.

"Really? Sino naman? Your first love?" Maloko niyang sabi then he winked.

I rolled my eyes. "Hindi no. Asa! My bestfriend Charles." Sabi ko.

"Oh I see. Nasaan siya ngayon?" Tanong niya habang diretso ang tingin sa may daan.

"Nasa Korea. Dun siya nagwowork e. Pangarap kasi nun na maging Kpop." Natatawang sabi ko.

Yes nasa Korea siya ngayon para tuparin ang pangarap niyang maging kpop. Graduating na kami nun ng magsend siya ng audition video sa korea. Katuwaan lang naman namin yun. Isa nga pala siyang half korean kaya marunong siyang magkorean. Chinito at maputi pero hindi siya mukhang koreano, siguro dahil may halong pinoy. Tulad ni Jester, hearthrob din si Charles sa school.

After graduation, binalita niya sakin na lilipad na siyang korea dahil natanggap siya sa korea. Matagal din siyang naging trainee. Inabot siya ng 1 taon pero as per him ang bilis nga lang daw nun e dahil yung iba inaabot ng 7 years.

"Kpop? Yung mga korean group na kumakanta and sumasayaw?" Tanong niya.

"Kpop nga din tawag dun pero nope. Band sila. Siya yung leader, face and guitarist nila." Paliwanag ko.

Kumunot ang noo niya at sandaling tumingin sa akin ngunit agad ding binalik sa daan "face?"

"Yep face. Kumbaga pinakagwapo nila, pang front ba para madaming mahakot na fans."

He chuckled. "Woah! Sobrang gwapo ba niya? Mas gwapo sakin?" Lokong sabi niya.

"Ang lamig. Napasobra atah ang aircon." Biro ko.

Natawa kaming dalawa. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa office slash boutique ng stylist ni Vince.

Agad kaming inasist ng assistant niya. Ilang sandali lang may lumabas na isang maganda at napakasofisticated na babae. Nasa early late 30's na siya halos kaedaran ni mommy. Sigurado ako na ito na ang magiging boss ko.

"Hi Tita Zel!" Bati ni Vince then nakipagbeso siya.

"Hi Vince! So siya na ba yung sinasabi mong magiging assistant ko na hahawak sayo?" Nakangiting tanong niya.

"Yap. She's Allison Alonzo, tita Celine's daughter." Pakilala ni Vince.

"Oh Hi! So your Celine's daughter pala. Your mom and I are in the same circle. You know because of the same industry. Nice to finally meet you." Sabi niya then inoffer niya ang kamay niya at syempre tinanggap ko yun.

"Nice to meet you too Ms. Zel!" Sabi ko.

"Oh dear just call me Tita Zel. Para namang iba sakin ang mommy mo niya."

Ngumiti ako sa kanya. "Kung yan po gusto niyo Tita Zel."

Sinabi niya sa akin ang job description ko. So basically para nga din ako personal assistant ni Vince pero focus lang ako on his outfits and looks. Well he has his own make up artist but still as his stylist kailangan ko din daw yung bantayan.

Pauwi na kami ni Vince ng maisipan naming magdinner muna. Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. Well dun kami sa mayroon private rooms dahil alam niyo na artista baka maissue pa kami.

"Mahirap din maging artista no?" Tanong ko sa kanya nang magsimula na kaming kumain.

"Medyo. Kasi puyatan tsaka yung privacy mo mawawala kaya kailangan maingat ka sa bawat kilos mo. Katulad ngayon, I'm sure kung may makakita sating reporter sigurado headline tayo tomorrow." Sabi ni Vince.

"Headline agad? OA naman." Komento ko.

"Anong OA? Totoo yun noh. Baka nakakalimutan mo isa kang Alonzo at ako naman ay Conscio. Anak ng may ari ng kilalang Magazine Company at anak ng may ari ng nangungunang TV Network nakitang magkasamang nagdidinner sa isang romantic restaurant. Tingin mo hindi pang headline yun?

Napatango ako. "E bakit dito mo kasi ako dinala?" Tanong ko sa kanya.

"Kilala ko ang may ari nito at may privacy tayo pag dito." Paliwanag niya.

"Wala namang nakakita satin diba?" Pagkukumpirma ko. Bigla kasi akong kinabahan e.

Tama naman kasi siya e pang headline nga talaga ang mga pangalan namin. Hindi lang siya basta artista at hindi lang ako basta anak ng kung sino sino. Tsaka to think na pareho ng industry ang ginagalawan namin kahit na nga ibang medium but still nasa media pa din kami kaya talagang makaka caught ng attention.

Sana lang talaga walang nakakita sa amin.






Pero kahit atah anong dasal ko ay di pa rin kami nakaiwas. Dahil pagkagising na pagkagising ko ay si Lance agad ang tumambad sa akin at inabot ang dyaro na kami ni Vince ang headline.

"Lagot ka kina Tito di ka nagsasabing nakikipagdate ka na pala" pang aasar ni Lance.

"Para ka talagang bata." Sabi ko naman, umagang umaga e iniinis ako.



Nagbrebreakfast na kami ng biglang magsalita si mommy.

"Ally anak totoo ba yung sa inyo ni Vince?" Tanong ni mommy.

"Oo nga akala ko ba kayo ni Andrew?" Singit ni Lance.

"Shut up Lance. Ang aga pa wag ka munang mangbwisit." Sabay irap ko sa kanya.

He chuckled. Loko talaga.

"No mom. Pinakilala niya lang ako sa stylist niya na magiging boss ko then medyo natagalan kami at inabot ng dinner kaya naisipan namin na magdinner muna bago niya ako ihatid ng house," paliwanag ko naman.

"But I don't see anything wrong with you dating Vince. Actually the reporter here is right, Vince is good for our business." Sabi ni Daddy.

"Pero friends lang po talaga kami Dad." Sabi ko.

OMG hindi ko akalain na maririnig ko ang mga nababasa at napapanood ko na mga dialogue ng mga tatay na galing sa sobrang yamang pamilya when it comes on choosing there partner.




Kahit na weekdays ay kumpleto ang grupo nila Lance. Mukhang alam ko na kung bakit biglang napasugod ang mga iyon dito.

"Ally akala ko si Andrew? Ano tong nabasa namin ngayon sa balita?" Pang aasar ni Mike.

"Diba sabi ko sayo? Tama ako." Nakangiting sabi ni Vince.

Yung totoo di siya naiinis na naheadline kami? Parang natuwa pa siya dahil sakto lahat ang sinabi niya sa nakasulat sa balita parang nirecord ng reporter na yun ang sinabi niya.

"Hay naku oo na tama ka na." Sabi ko na lang.

"Pero mukhang boto sayo sila Tito ha Vince" pang aasar ni Lance.

"Talaga? Sinabi nila Tito yun?" Amusement is seen in his face

"Oo. Good daw yun on both families." Sagot ko.

Nakita naming paalis si Andrew. Kadadating lang pero aalis na agad? Anong problema nun?

"O saan ka pupunta bro? Akala ko ba love is not jealous?" Pang aasar ni Mike.

"Oo nga. Hindi naman ako nagseselos e. Kakausapin ko lang yung parents ko na bumili ng malaking shares sa TV Network pati narin Radio station. Mukhang mali ata ang napiling business namin e."

And with that lahat kami laglag ang panga.

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon