Found 3

5K 98 8
                                    

"Drive?"

"Yes. Diba hindi ka marunong magdrive?" Nakangitingg sabi ni Lance.

"Oo pero bakit kailangan kong matutong magdrive as if may car ako?"

"E di bibilhan." Cool na sabi ng pinsan ko.

"Wow ha? Parang piso lang kung makapag sabi ka ng 'e di bibili'" sabi ko habang ginagaya ang pagkakasabi niya.

Nagtawana sila sa ginawa ko.

"Kasi naman diba nasa sales ka? Ibig sabihin lagi kang nasa field. And don't expect us na papayag na lagi kang magcocommute. Delikado." Sabi ni Lance.

Napabuntong hininga ako. "Okay lang naman magcommute, like I'm doing that for years and wala namang nangyayari sa akin."

"Hihintayin mo pa na may mangyari sayo?"

Di na ako sumagot.

Nakakaloka itong pinsan ko bukod sa unang gabi ko dito ay masyado ng FC e tinalo pa sila mommy. Parang siya ang parents ko. Samantalang sila mommy e tinatanong muna ako bago sila gumalaw.

Tinanong na din ako ni mommy kanina nung nagbrebreakfast kami kung marunong akong magdrive kasi nga gusto nila akong bilhan ng sasakyan. Oo nga parents ko sila and kung tutuusin wala lang naman ang kotse sa kanila, kahit gawin kong collection yun e hindi maapektuhana ng kayamanan ng parents ko. Pero hello kagabi ko lang kaya nalaman ang about sa kanila. Syempre medyo ilang pa ako. At tsaka mamaya kung ano pa maging tingin sa akin ng mga tao. Oo masyado akong conscious sa kung ano ang iisipin ng mga tao.

Paano ba naman yung mabilis na pagtanggap ko sa kanila alam kong kwekwestyunin na ng iba. At alam ko na kahit anong paliwanag ko e di nila ako paniniwalaan.

Ang totoo kaya ako pumayag agad ay dahil ayoko ng iprolong ang agony namin. Alam ko din naman na yun din ang ending namin e, so bakit ko pa papatagalin? And as if namang sinadya nila ang pag iwan sa akin diba?

Bumalik ako sa realidad ng muling magsalita ang FC kong pinsan.

"Its settled then."

"Teka bakit siya yung magtuturo sakin? Hindi ba pwedeng ikaw?" Tanong ko kay Lance

"E kasi po, isa yun sa mga business nitong kaibigan ko. Swerte ka nga kasi free lang ito dahil sakin. At usually hindi siya ang nagtuturo kasi meron naman siyang ibang tao to do that. Pero dahil pinsan kita kailangan safe ka kaya itong si Andrew ang magtuturo sayo. Harmless yan." Sabi niya sabay kindat.

Tinignan ko yung tinutukoy niya na Andrew, infairness gwapo nga. Artistahin din well actually silang 4 artistahin talaga ang mukha. Kaso ito mukhang alam ko na kung bakit hindi pwedeng mag artista inspite of his looks. Ang suplado niyang tignan, walang kaPR PR sa katawan.

"Teka mukhang si Andrew ang hindi safe ha?" Narinig kong sabi nung Vince. Kaya naman napatingin ako sa kanya.

Nagtawanan ulit sila. Yung totoo anong akala nila sa akin clown?

Umiiling na lang akong umakyat sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Nang makalabas na ako ng kwarto nakita ko ang aking kapatid na nakapagpalit na rin ng damit.

"Angelo sana yung binili ko na lang na shirt yung sinuot mo" pang aasar ko.

Naglalambing kasi siya at nagpapabili ng damit sa akin. Kaso biglang naisipan ko siyang asarin.

May pinakita ako sa kanya na isang shirt not so baduy naman but base on how he dress e hindi niya like yung mga ganoong style. I still bought that for him. At dahil first gift ko yun sa kanya wala na siyang nagawa.

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon