Found 13

2.1K 48 0
                                    

Its Anne's D-day kaya naman kumpleto kami, ang boys, Iya and Thea ang kapatid ni Lieo to support her sa pagkuha niya ng kanyang driver's license.

As per Thea may importante daw kasing meeting si Lieo. Kaya malelate siya sa pagpunta. Well bawas pogi points yun sa part namin ni Iya. After the pamper bonding kasi namin nila Anne ay naging BFF na kami.

And as expected Anne got her driver's license and still wala pa ding Lieo na dumadating. Again minus pogi points.

Agad naming pinuntahan si Anne ni Iya.

"Congrats sis!" Sabay naming bati ni Iya.

Ngumiti siya sa amin pero di abot sa mata. At alam na namin kung ano-rather sino ang dahilan.

"Okay lang yan sis. Susunod pa din naman daw siya sa restaurant na pupuntahan natin. Di pa daw kasi tapos ang meeting niya." Paliwanag ni Iya.

"Okay lang yun. Di naman niya kailangang pumunta e." Sabi nito pero bakas pa din ang disappointment sa boses niya.

"Hay naku sis minus 20 pogi points na siya ha? Pag nanligaw yun sayo pahirapan natin." Sabi ko naman.

"As if naman manliligaw yun." Sabi nito.

"Ate Anne Congrats!" Sabi ni Thea habang nagmamadaling pumunta sa amin.

"Thanks." Nakangiting sabi ni Anne.

"Congrats Anne!" Sabay na bati ng mga boys.

"Thanks guys!" Sabi naman ni Anne.

"Congrats kid!" Bati ni Andrew sabay abot ng bouquet ng roses.

"Thanks Coach" sabi naman ni Anne.

Kid at Coach ang naging endearment nila simula ng driving class nila ni Andrew. Sweet diba?

"Wow may flowers pa si Andrew. Diba nung si Alli wala namang flowers?" Puna ni Mike.

Tinignan ko ng masama si Mike. Tama ba namang sabihin yun?

"Peace Alli" sabi ni Mike matapos ko siyang titigan ng masama.

"Ikaw kuya Andrew may gusto ka kay Ate Anne no? Sabi ko na nga ba magugustuhan mo si Ate Anne e." Kinikilig na sabi ni Thea.

Muli na naman akong nakaramdam ng kirot sa may kaliwang dibdib ko.

"Tumigil ka nga diyan Thea. Kung ano anong sinasabi mo." Suway naman ni Anne sabay tingin sakin na tila humihingi ng pasensya dahil sa mga sinabi ni Thea.

Tumango lang ako at pilit na ngumiti.

"Oo nga Thea. Akala ko ba gusto mo si Anne for Lieo?" Sabi naman ni Andrew.

Tinignan ko si Andrew pero agad ko ring binawi yun ng makita siyang nakatingin sa akin.

"Oo nga. Pero asan ba si kuya ngayon? I'm starting to like you na for Ate Anne. Bahala si kuya sa buhay niya." Sabi naman ni Thea.

Napailing na lang si Andrew sa kanya.



Nasa restaurant na kami to celebrate Anne's D-day.

"Anne nasabi sakin ni Alli na you want daw to visit our set?" Sabi ni Vince.

Nakwento ko kasi sa kanya ang naging pamper bonding namin nila Anne except of course yung bet namin.

Tumango naman si Anne.

"May taping kami sa Thursday and sure na mga Friday yun matatapos. Kung gusto mo pwede kang dumalaw."

Biglang namilog ang mata ni Anne. "Talaga?"

"Oo kaso may pasok ka nun diba?"

"Pwede naman akong magleave e." Excited na sabi ni Anne.

We chuckled. Kita talaga ang tuwa sa mga mata niya.

"I really don't get you. What's with the media at ganyan kayo kaexcited?" Singit ni Andrew.

"Same ng kung anong meron sa mga car na hilig mo. Hay naku. Why don't you come na lang with us for you to know?" Sabi naman ni Anne.

Bahagyang nag isip si Andrew. "Hmmm okay lang."

Biglang namilog ang mata ni Anne. "Talaga?"

"Oo para di ka maOP dun." Sabi naman ni Andrew.

Ito na naman ang sakit sa dibdib ko. Tama na Alli. Ayan na kitang kita na. Wag ka ng umasa.

Lieo texted her sister, katatapos lang ng meeting nito at papunta na siya. But I don't think na magkikita kami dahil need na naming umalis ni Vince dahil may interview pa siya na kailangang puntahan. And as her assistant stylist syempre dapat andun din ako.

"Sorry sis kahit gustuhin kong magtagal dito e hindi pwede. Need na naming umalis dahil may interview pa si Vince." Paalam ko kay Anne.

"Its okay sis I understand." Sabi naman niya.

"Sayang lang di ko man lang nakilala yung boss mo. Hay naku minus 30 pogi points na siya." Sabi ko ng pabulong.

Hinampas naman ako ng mahina ni Anne. "Loka ka."

Ngumiti lang ako at nagpaalam na kami ni Vince sa lahat.


Magkasama lang kami ni Vince sa iisang sasakyan. Napagdesisyunan kasi namin na sa van na lang niya kami sumakay.

"You okay?" Basag ni Vince sa katahimikan.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Oo naman."

"Sure? Alam mo wag mo sanang bigyan ng meaning yung bulaklak na yun na binigay ni Andrew kay Anne." Seryosong sabi ni Vince.

Pilit na ngiti ang binigay ko kay Vince."wala yun."

"Hay naku Alli. You can't lie. Halatang hindi ka okay. Kaya wag ka ng tumanggi."

I sighed. "Wala naman akong karapatang magreact. Wala naman kaming relasyon. Kayo lang naman kasi ang nagbibigay kulay ng meron sa amin ni Andrew." Sabi ko na may halong pagkairita

"O relax. Wag ka saking magalit."

Tinignan ko lang si Vince ng masama. "Stop teasing me to him. Hindi na nakakatuwa." Masakit na. Gusto ko pa sanang idagdag.

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon