Found 30

2.3K 52 0
                                    

"Jester."

I try to look calm as much as possible kahit na sa totoo lang ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko sa kaba. Sa totoo lang ay gusto ko siyang iwasan. Kahit anong sabi ko na magiging maayos ang lahat, na alam kong mahal ko si Andrew ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang matakot.

Matakot na baka mali ako, na baka siya pa din pala.

"Iniiwasan mo ba ako?" Sabi niya ng makalapit siya sa akin

Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita kong lungkot at sakit sa mga mata niya.

"H-ha? Bakit naman kita iiwasan?" Balik kong tanong sa kanya.

"Kinakabahan ka ba?" Sabi niya sa akin.

Naiilang na ako dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Napalunok ako at mas lalo akong kinabahan.

"B-bakit naman ako k-kakabahan?" Sabi ko habang pilit na lumalayo sa kanya.

Ang kaso lang sa tuwing lumalayo ako ay lumalapit naman siya. Hanggang sa wala na akong maatrasan.

"Bakit nga ba?" Seryosong sabi niya.

"Jester stop it." Malamig kong sabi.

Naiinis ako dahil sa mga kinikilos ko. Madaming taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hinahayaan ko pa rin si Jester na maging ganito sa akin. Ilang beses na ba niyang pinaramdam sa akin na gusto niya ako? Tulad ngayon. Hanggang kelan ba ako magpapaloko?

Bahagya siyang lumayo. Tangkang hahawakan niya ako ng pinigilan ko siya.

"Jester ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Tingin mo tama to? May asawa ka na!" Inis na sabi ko.

"I-i know. At yun ang pinaka pinagsisisihan ko."

Kumunot ang noo ko. Pinagsisihan? Bakit? Hindi ba niya mahal si Rachel? At bakit niya sinasabi ito sa akin? Ang dami kong gustong itanong ngunit hindi ko alam kung ano ang pumupigil sa akin para tanungin iyon.

Kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.

O gosh! Ngayon ko lang nakitang ganito si Jester. He's always cool and confident. Pero ngayon sobrang iba. He looks so helpless and desperate.

"Pinagsisisihan?" Tanging naitanong ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang alamin iyon. Dahil kahit ano na mang sabihin niya wala ng mababago. Kasal na siya, hindi na kami pwede.

Tumango siya at nanatiling nakatitig sa akin. "Dahil kung hindi ko siya nabuntis s-sana... Sana pwede pa tayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tila may bumabara sa may lalamunan ko.

"Allison ang tagal kitang hinintay. Tuwing may reunion tayo lagi akong pumupunta sa pagbabakasaling makikita kita. Pero ni minsan ay hindi ka pumunta. Mahal kita Allison noon pa."

Napapikit ako. So all along pareho lang kaming naghihintay? Na pareho kami ng nararamdaman. Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit. Na sa wakas nalaman ko din kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Na tama ako, na mahal niya din ako. Pero huli na. Pareho ng may nag mamay-ari sa amin.

"Kung mahal mo ko bakit si Rachel ang niligawan mo noon? Bakit hindi mo sinabi sa akin na mahal mo ako? Bakit ngayon lang kung kelan hindi na pwede?" Hindi ko na rin naiwasan na mapaiyak.

"I courted Rachel dahil sa mga barkada ko. I rather choose her than you to protect you from them. Natatakot ako na baka kung anong kalokohan ang gawin nila sayo. Sila naman talaga ang may guso kay Rachel at hindi ako. Kaso they knew that Rachel likes me and that is the only way para mapalapit sila kay Rachel. Alam ko na pag ikaw ang pinili ko noon, siguradong guguluhin ka nila." Paliwanag nito.

"I envy Charles so much noon hanggang ngayon dahil sa atensyon na binibigay mo sa kanya. Feeling ko inagaw ka niya sa akin. Na nung dumating siya nawala ako sayo."

Gusto kong sabihin sa kanya na dahil sa nasaktan ako sa nalaman kong panliligaw niya kay Rachel kaya ako umiwas sa kanya at hindi dahil kay Charles.

"Kahit na nagalit ka sa akin, hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko kay Charles. Dahil dun kinausap mo ulit ako."

Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang icomfort dahil ngayon ay nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa kaduwagan ko. Kung sana naging matapang lang ako. Kung sana pumunta ako sa mga reunion at sinubukang kausapin siya o kaya naman magtapat ng nararamdaman... Hindi sana... Hindi sana...

"Mahal kita Allison. Mahal mo din naman ako diba?"

Nanlaki ang mata ko. Napalunok ako. Ano bang sasabihin ko? Mahal ko pa nga ba siya? Pero paano si Andrew?

Napapikit ako. Ang tagal kong hinintay na marinig ang mga ito sa kanya. Pero bakit kailangan na ngayon pa?! Gusto kong magalit! Gusto kong magwala! Dahil kahit anong gawin namin hindi na namin mababalik ang panahon.

"Kung mahal mo ako bakit mo nabuntis si Rachel? Kung hindi mo siya mahal bakit may nangyari sa inyo?" Inis na sabi ko.

Yung naman ang simula ng pagsuko ko e. Kung hindi sila kinasal malamang hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin siya.

"Lasing ako. Hindi ko alam na may nangyari sa amin. Pag gising ko nasa isang hotel na kami at parehong nakahubad. Hinding hindi ko magagawa sayo yun Allison. Mahal kita, matagal kitang hinintay."

"Pero nagawa mo na. Nasaktan mo na ako. Nagpakasal ka na." Malamig na sabi ko.

Hinawakan niya ako sa may braso. "Sabihin mo lang Allison na mahal mo ako at handa kong hiwalayan si Rachel, iiwan ko siya basta makasama lang kita."

Nanlaki ang mata ko. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Jester? Hihiwalayan mo siya? Iiwan mo ang pamilya mo? Ang anak niyo?" Galit na sabi ko.

Gosh never kong pinangarap na manira ng pamilya.

"I can still support my daughter."

Napailing na lang ako. "Jester its too late. And never kong punangarap na manira ng isang pamilya. Maybe we are not destine to be together. Tanggapin na lang natin iyon."

"No no Allison please ang tagal kitang hinintay. Mahal mo naman ako diba?" Nagmamakawang sabi niya sa akin.

"Jester may boyfriend na ako."

Nakita ko siyang natigilan. "M-mahal mo ba siya?"

Tumango ako. "Oo mahal ko siya. Mahal na mahal."

"I'm sorry Jester. Maybe may kasalanan din ako. Dahil naging duwag ako. Siguro kung hindi kita iniwasan, kung hindi ako natakot noong masaktan sana umattend ako ng reunion. Siguro nga baka naging tayo. "

"Sa totoo lang ayoko sanang makita ka at makausap. Tama ka iniiwasan kita dahil natatakot ako na baka mahal pa din kita. Pero tama sila Charles I need to face this, I need to face you not for us to be together, but for us to have a closure. Kahit naman kasi hindi naging tayo, I still think that we need a closure. For us to finally move on and be happy."

Nakita ko ang panlulumo niya. Gosh I want to hold him, to comfort him that everything will be okay. But I need to control myself. I need to be firm.

"How can I be happy if you are not with me? Alli you are my happiness. I love you so much."

Bigla niya akong hinila at niyakap. Sinubukan kong kumawala sa kanyang yakap ngunit sa tuwing nagpupumiglas ako at mas lalo lang niya hinihigpitan ang yakap niya sa akin.

Until I found myself hugging him back. Ang tagal kong pinangarap ang mga ito, ang salitang sinabi niya, ang mga yakap niya. Pero I know that we need to stop.

"I know na in time matatanggap mo din na hindi talaga tayo. Na ako at si Andrew at ikaw at si Rachel." Sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon