Found 4

3.5K 81 0
                                    

Nakapagpass na ako ng resignation pero I still need to stay there for a month para sa turn over.

Papunta ako ngayon kay Mr. Suplado dahil may driving lesson kami ngayon.

Actually kinakabahan ako, mukha kasi siyang strikto. Sana lang hindi kami magclash. Sa mga ganoong personality kasi madalas kong makaclash maybe because parehong strong ang personality namin kaya ganun.

Pasakay na ako ng taxi ng biglang may tumawag sa akin. Unknown number. Sino kaya ito? Kibit balikat na sinagot ko na lang.

"Hello?"

"Ally?" Shocks ang pogi ng boses. Sino naman kaya ito?

"Yes? May I know who's on the line?"

"Andrew." Ow kaya pala matipid din magsalita.

"Andrew! Ah papunta na ko actually pasakay na ko ng taxi." Sabi ko agad baka kasi pagalitan ako. Pero teka di pa naman ako late ah?

"Where are you?" Tanong niyo.

"Sorry?"

"I said where are you? I'll pick you up!" O oh short tempered si Mr. Suplado as expected.

"Ah andito sa may Shang rila sa may east wing." Sagot ko agad.

And wala pang 15 mins ay nandito na siya.

Bumaba siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. In fairness gentleman si Mr. Suplado. Ngumiti ako at pumasok sa kotse niya. Ally stop making pacute, your not you. Kelan ka pa naging pacute ha?

Agad din naman siyang pumasok sa may driver's seat. "Your seatbelt."

Kumunot ang noo ko. Teka loading... Seatbelt ah oo nga. Kukunin ko na sana ang seatbelt ng unahan niya ako.

Malapit na masyado ang mukha namin dahil siya na ang nagkabit ng seatbelt sa akin "i said your seatbelt."

Gosh alam kong namula ako sa ginawa niya. And ang bango ng hininga niya. Hindi ko yun inexpect pano ba naman hindi naman siya masyadong nagsasalita, nag aalala nga ako na mapanis ang laway niya e. Pero grabe fresh breath parang bagong toothbrush with mouthwash.

"T-thanks" sabi ko then napakagat sa ilalim ng labi ko.

Kasi naman hindi uso sa amin yan. I mean hindi ko naman first time sumakay sa kotse at sa shut gun seat pero hindi naman kasi big deal sa amin ang maglagay ng seatbelt.

In less than 30 mins ay nakarating na kami sa driving school niya. And nalaman ko na aside from that e nalaman ko na may shop din pala siya ng mga car. Sobrang hilig niya siguro talaga sa mga kotse. Pero mukhang part time lang niya yun. As per my research e siya na din ang nagmamanage ng hotel and resort business ng family niya. Grabe 26 pa lang siya pero CEO na siya agad. Well ganoon din naman sina Lance e. Itong si Vince lang ang hindi pa nagsstart na magtake over sa company nila. Pero sabi nila part na daw ng training ni Vince ang pag aartista.

Nagstart na kami sa lesson namin. Pinasakay niya ako sa kotse na ginagamit nila for their student. Nasa shut gun seat pa rin ako habang siya ay nasa driver's seat. Inisa isa niya sa akin ang parts and function ng sasakyan. And ang mga basic rule sa driving like yung sa salamin and mga signs. Grabe kadugo ng utak.

"May outline ka ba dun para mareview ko?" Singit ko.

"What?" Sabi niya ng nakakunot ang noo.

"I mean you'll not expect me na mamememorize lahat ng sinabi mo ngayon right?" Sabi ko cross finger na wag niya akong sungitan.

He sighed. "Don't worry meron. You will need that for your written exam."

"A-ah" napabuntong hininga ako.

Tapos na kami sa unang lesson namin ng maisipan muna naming magdinner tutal kanina pa dinner time.

"Hmmm Andrew?" Basag ko sa katahimikan.

"Hmmm?" Sagot niya.

"Ganyan ka ba talaga?" Tanong ko. Sorry curiosity hits me.

"What do you mean?" Tanong niya.

"Ganyan. Walang imik. Parang di marunong tumawa."

He smiled. Nanlaki ang mata ko. Totoo ba ito si Mr. Suplado ngumiti? Wow achievement.

"So ano nga?" Pangungulit ko.

"Hindi naman. Wala lang dahilan para tumawa. Para naman akong baliw kung tumawa ako ng walang dahilan diba?"

Sabagay may point. Para tuloy gusto kong gawing mission ang patawanin siya.



Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon