Found 23

1.7K 55 1
                                    

Nagpaalam na sa amin si Iya, ayaw niya din namang macorner ni Drew.

Honestly kinakabahan ako. Ayaw sabihin sakin ni Drew kung anong balak niya kay Iya and Mavin. But I trust him. Like he said, he will never do a thing that will make me worry.

Nasa may living room na kami ni Drew ng biglang may kumalabit sa akin.

Agad akong napalingon doon. Napangiti ako ng makita kung sino yun.

"Baby Liah!" Tawag ko sa kanya sabay kuha at nilagay ko siya sa may lap ko.

Si baby Liah ay anak ng pinsan ni Drew na si Ate Thalia. 2 years old na si Thea kaya naman medyo makulit at madaldal.

"Nina pa ta hanap, tita Alli" sabi ni Liah na medyo nabubulol pa.

"Ganoon? Kanino pa baby Liah dito?"

Nakapout siya na tumango.

I chuckled. "Sorry baby, late si Tita Alli. Gusto mo ng chocolate?" Sabi ko sabay labas ng chocolate na binili ko for Liah.

Napalitan ng ngiti ang kaninang nakapout niyang labi. Mabilis siyang tumango at hiningi ang chocolate.

"Okay, pero mag drink ka ng maraming water okay? Tsaka di mo ito uubusin, masisira yung teeth mo."

"Yes tita."

Binuksan ko ang chocolate at inalalayan si Liah sa pagkain niyo

"Babe kuha ka naman ng water for Liah." Malabing na sabi ko kay Drew.

"Sure Mrs. Lopez" then he winked.

Nagblush ako sa sinabi niyang yun. Gosh Mrs. Lipez talaga?

Umiiling na lang na pinagpatuloy ko ang pagpapakain ng chocolate kay Liah.

Matapos niyang kumain ng chocolate ay niyayaa niya akong makipaglaro sa kanya.

Nakakapagod dahil hindi biro ang energy ni Liah. Madalas pa nila akong pagtulungang magtito.

Dahil sa pagod ay nakatulog si Liah habang karga karga ko. We've decided na ilagay muna si Liah sa room ni Drew para makapagpahinga ito ng maayos.

First time kong nakarating sa room ng boyfriend ko.

Well di naman ako nagulat sa itsura dahil base sa personality and character ni Drew ay naisip ko na din na simple and very masculine ang look ng room niya.

He hug me behind my back as we watch Liah sleeping.

"Baby bagay sayong maging mommy." Malambing na sabi ni Drew.

"I know." Cool na sabi ko.

I heard him chuckled. "Parang napalakas atah ang aircon"

Kumalas ako sa yakap niya at tinignan ko siya ng masama.

Tumawa lang siya at hinalikan ako sa pisngi. Then he hug me again sa may likod ko.

"Baby will you marry me?" Biglang sabi nito.

"Tigilan mo ako Andrew Lopez." Cold na sabi ko. Pero syempre paeffect ko lang yun, dahil ang totoo ay kinikilig ako.

This time siya naman ang kumalas sa yakap namin at iniharap ako. "Bakit? Ayaw mo bang maging Mrs. Lopez? Sinagot mo ako pero di ka sure na tayo din in the end?" May pagtatampo sa kanyang boses.

Nginitian ko siya at niyakap. "Syempre sure ako. Kaso intindihin mo naman ako, first time ko lang magkaboyfriend gusto ko naman munang maexperience pa yun ng matagal." Paliwanag ko sa kanya.

He hug me tight. "I know baby. Kaso I really want to marry you now. And have babies."

"Tss. Dadating din tayo dyan. Wag masyadong magmadali. Tsaka we're still young, madami pa tayong gustong gawin." Sabi ko naman.

He sighed. "Okay. If that's what you want."

"Thank you. Pero sana naman next proposal mo medyo unique naman and romantic or memorable, wag naman yung dito sa kwarto mo na basta mo na lang naisip because of Thea." Sabi ko sa kanya.

He grin. "Of course. Nitry ko lang naman baka pumayag ka."

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon