Found 7

3.1K 68 0
                                    

Found 7

'Hindi no. Love is not jealous'

Hay ayan na naman naalala ko na naman ang line na yan na ginaya ni Andrew. Haist kikiligin ba ako? Seryoso ba siya dun? Meaning love niya din ako?

Din? So love ko na siya? Haist ano ba Ally... Tsaka for sure biro lang yun, nakikisakay lang siya sa biruan nilang mababarkada. Wag ka masyadong assumming.

Hala pero paano kung nahuhulog na nga ako kay Andrew? Kasi naman e, kala ko natutuwa lang ako sa kanya at walang malisya yun. Pero bakit ganito? Naku Ally delikado yan. Diba napagkasunduan mo na na never ka na mahuhulog sa isang guy unless siya ang unang mahulog sayo? Di ka ba talaga marunong madala?

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ng biglang may nag text. Bigla akong kinabahan ng makita ko kung sino ang nag text.

Si Andrew.

Unti unti kong binuksan ang text at binasa.

From: Andrew
Ally may problema ba tayo?

Kumunot ang noo ko. Problema? Ako meron. Pero tayo?

Nireplyan ko siya.

To: Andrew
Wala.

Wala pang 5 segundo e nagring ang phone ko. Biglang kumabog ang dibdib ko. Tumatawag si Andrew. Sasagutin ko ba? Pag di ko sinagot baka maghinala siya.

Hay Ally bahala na nga.

"H-hello?"

'Akala ko di mo sasagutin e.'

Kumunot ulit ang noo ko. "Ha? Bakit mo naman naisip na di ako sasagot?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. 'Para kasing umiiwas ka sa akin e.'

Hindi pa kaya ako umiiwas. Balak ko pa lang gawin. Kailangan ko yun no to protect myself.

"Paano mo nasabi?"

'Like kahapon di mo ako kinikibo. Pag lumalapit ako sayo bigla kang lumalayo.'

Oopps medyo guilty. Kasi naman naalala ko pa din yung selos issue na yan.

"Hindi naman." Pagdedeny ko.

'Its good then. So okay tayo?'

"O-o naman" sabi ko.

'Can I invite you for dinner later?' Bigla niyang tanong.

Oh my kinikilig ako. Bakit niya ako iniinvite? Type niya kaya ako?

"F-for what?" Tanong ko. I try to sound calm as possible kahit ang totoo ay gusto ko ng tumili sa kilig.

'Wala naman. Nakakamiss lang kasi yung bonding natin.'

Okay medyo nadisappoint ako. So bored lang siya kaya niya ako iniinvite. Sakit sa pride.

"Sorry Andrew pero kasi medyo busy ako. Alam mo na less than a week na lang at magstart na akong magwork kay Vince."

I heard him sighed again. 'I understand.'

"Sorry Andrew ha?"

'No its okay. So pano see you na lang when I see you?'

"Sure," and with that binababa na namin parehas ang phone.

I think I really need na umiwas muna kaya Andrew. I need to protect myself. He maybe interested in me. But it doesn't mean na magli-lead yun sa love. Naexperience ko na yan once. And enough na yun para madalang umasa.


Flashback

I have this classmate nung college. We're not really close kasi nga super nayayabangan ako sa kanya. Kaya kahit gwapo siya e dedma siya sa akin. I mean mahilig ako sa gwapo pero depende pa din kung anong klasend gwapo siya. May mga gwapo kasi na hanggang dun lang, after nun wala ka ng makikita iba na magugustuhan sa kanila. Meron namang gwapo na, gentleman at matalino dagdag mo pang mayaman parang si Andrew.

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon