Found 19

1.9K 45 0
                                    

Found 19

Today is our first date. Andrew invited me last night. I'm so excited and nervous at the same time. I just hope that this day will be perfect.

One thing I don't like about being a girl is yung pagiging masyadong maeffort sa magiging itsura natin. Parang ngayon na halos maubos ko na ang laman ng closet kakasukat ng mga damit, iniisip ko pa ngang bumili ng bagong damit sa mall.

Argh! Nakakastress ang date na ito. Kanina pa akong hapon dito pero wala pa din akong makita na perfect para sa date namin ni Andrew. I really want to look great in this date.

After hundred years sa wakas may nahanap din akong damit. Kahit na sobrang effort sa date na ito ayoko pa din namang ipahalata yun kay Andrew.

I now wearing a white sleeveless top, cream blazer, beigs aladin pants and a 5inch cream stiletto. I put some make up and bun my hair.

Kakatapos ko lang mag ayos ng may kumatok sa may pinto ko.

"Ms. Alli andyan na po si Sir Andrew sa labas."

"Okay sige."

One final look sa mirror and nung nasatisfy na ko sa itsura ko ay lumabas na ako sa kwarto para puntahan ang gwapo kong date.

And I think gwapo is an understatement sa itsura ni Andrew ngayon. Ewan ko pero napakasimple lang ng suot niya. He's wearing beige chino pants, white plain shirt and denim jacket. Effortless handsome guy.

Nakangiti ako ng makalapit sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin. Medyo nahihiya na ko dahil sa sobrang titig niya sa akin.

"Uhm alis na tayo?" Naiilang na sabi ko.

Ngumiti siya at saka inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko ang kamay niya at sabay na lumabas ng bahay.

I still can't believe na ang layo na ng narating namin. Akalain mo ba naman na si Mr. Suplado and walang kaPR PR ay makakadate ko.

Napakunot ang noo ko ng ihinto na niya ang sasakyan.

"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko.

Nandito kami ngayon sa tapat ng driving school niya.

He smirked. "Magdedate." Sabi niya.

Agad siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Inoffer niya ang kamay niya at syempre tinanggap ko iyon.

Pagkapasok pa lang namin sa may entrance ay napansin ko na ang mga mini car toys na nasa may sahig na sunod sunod na naka ayos may magkabilang gilid ng puno patungo sa isang lugar at mga rose petals na nakakalat sa may sahig.

Tuloy lang ang lakad namin hanggang sa makarating kami sa area kung saan nagprapractice magdrive.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang lugar na iyon. Nakita ko ang mga sasakyan niya na nakapalibot sa area na hugis heart. Dahil gabi na nakabukas ang lahat ng ilang sa harap ng sasakyan. At nasa center ay isang table and 2 chairs na may mga food at wine.

"Sweet." Iyon lang ang nasabi ko. Sobrang hindi ko ito inexpect from Andrew.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko siya na nakangiti na nakatingin sa akin.

"Shall we?" Sabi niya at inoffer ang kanyang kamay sa akin.

Nakangiti akong tumango. At kinuha ang kanyang kamay.

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon