Found 11

2K 61 0
                                    

Papunta ako ngayon sa driving school ni Andrew. May usapan kasi ang barkada dun. Today kasi naksched yung Anne sa kanyang driving class ni Andrew.

And sobrang curious sila sa kanya. I can't blame them. Sa mga kwento pa lang ni Andrew about her, kahit naman kasi ako curious din. Kaya nga siguro nila ako napapayag na sumama.

Pagdating ko sa driving school ni Andrew ay kumpleto na ang mga boys. Hindi naman sila excited sa lagay na yan? Pero mukhang wala pa yung Anne. Sabagay maaga pa.

"Alli!" Tawag sa akin ng pinsan ko.

Ngumiti lang ako ng makalapit sa kanila.

"Ang aga niyo ha? Di naman kayo masyadong excited niyan?" Biro ko sa kanila.

"Obvious ba?" Nakangiting sabi ni Vince.

"Medyo." Sagot ko naman.

Masaya kaming nagkwekwentuhan ng biglang dumating na ang kanina pa naming hinihintay.

"Anne!" Tawag ni Andrew.

Hindi ko alam pero may kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan ng makita ko silang dalawa.

Bagay sila. Kumento ko sa aking sarili.

"Anne meet my friends Lance, Mike, Vince and Allison."

"Hi!" Nakangiting bati niya sa amin.

Maganda siya, matangkad, hindi siya maputi pero hindi rin siya maitim para masabing morena. Mahaba at kulot sa dulo ang buhok niya. Big bone pero sexy. Maganda din siyang magdala ng damit. At ang make up sobrang simple lang.

"Ikaw pala ang bagong estudyante ni Andrew. We heard a lot of things about you." Panimula ni Lance.

Ngumiti siya sa amin. "Naku dapat ba akong kabahan?"

"Wag kang mag alala puro positive ang sinasabi ni Andrew sayo. Wala nga atah akong natatandaang negative e." Sagot ko naman.

Ewan ko pero ang gaan ng loob ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Ikaw lang ang babae sa grupo niyo?"

Pilit akong napangiti. "Hmmm actually saling ket-ket lang ako."

She chuckled. "Ganoon?"

Tumango lang ako at ngumiti naman siya.

Isang oras muna ang nakalipas bago mag start si Andrew at Anne sa lesson nila. Nakipagkwentuhan pa kasi siya sa amin.

Nalaman ko na yung Lieo pala ay part din ng barkada nila Andrew. Medyo naging busy lang ito at laging hindi sumasakto sa schedule nila kaya di ko pa namimeet. At ang isang pinagkakaablahan daw nito ay isang babae na itago na natin sa pangalang Anne.

Anne also like that Lieo. Nakapag one on one kasi kami kanina ng sabay kaming pumuntang powder room. At doon nakwento niya sakin kung ano ang tingin niya kay Lieo. Ramdam ko naman na like niya din yun kahit di niya directly sabihin sakin, syempre babae din ako at ramdam ko yun.

"Madami ding nagsasabi sakin na Lieo likes me pero I don't want to assume mahirap mamaya feeling lang pala nila yun, in the end ako lang din ang masasaktan." Sabi niya.

I understand her. Naexperience ko na yun e. "Alam mo Anne tama ka. Sabi nga sa accountancy 'never assume unless otherwise stated'."

"Maiba tayo e kayo ni Andrew or is it Vince?"

Natigilan ako dun. I didn't see that coming. Nacurious tuloy ako kung naikwekwento ba ko ni Andrew sa kanya. "Hmmm... Bakit? May nakwekwento ba sayo si Andrew?"

Naningkit ang mata niya. "Bakit gusto mong malaman?" Pang aasar niya.

I bit my lip. "Wala lang. Curious lang?"

She chuckled. "Tell me you like him no?"

"H-ha?"

"No need to answer. Feeling ko naman mutual kayo e." Sabi niya sabay yaya niya palabas ng powder room.

Nasa bahay na ako galing sa driving school ni Andrew ng mag ring ang phone ko.

"Yes Drew?"

'Your home na?'

"Yap. Why?"

'Wala naman. So how was your day? What do you think of Anne?'

"She's okay. Madali siyang makasundo and she's fun to be with."

'You're right. Yan din ang narealize ko the first time I met her.'

Hindi ko alam pero parang may nagbara sa may dibdib ko. Hindi kaya?

"You like her?" Diretso kong tanong.

'Why? Selos ka?' Sabi niya na halata sa boses na may halong pang aasar.

"Bakit naman ako magseselos?" Sabi ko naman.

I heard him chuckled. 'Oo nga pala. Bakit ka magseselos? E diba love is not jealous?"

Found (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon