The Plan

21 2 0
                                    

                               Tinatantya ni Jad ang bawat expression sa mga mata ng dalaga. May bakas ng takot ang mga mata nito, ngunit sa likod niyon ay nakakakita rin sya ng tapang.

                              Hindi sya makatulog kanina , iniisip nya ang bawat anggulo ng mga pangyayari. Ngunit ang nakakabalisa pa ay ang dalagang natutulog sa guest room nya.


                              Kaya agad nyang napansin ang mahinang pagtunog ng door knob , laking gulat nya at pumasok ang dalagang ni pangalan ay hindi nya kilala. Buti nlang at hindi nya hawak ang baril kung hindi ay baka nakahandusay na ito sa sahig.


                                " So kilala mo kung sino ang may pakana nito? " tanong nya.


                                  " Hindi, ang alam ko lang ay nakakatanggap na ng threats ang mga magulang ko , nasa Amerika sila ngayon. " yumuko si Yashia. Napakagat labi . Alam nyang binabasa ng lalaki ang bawat galaw nya.


                                  " I really want to believe you, but thinking about how you entered in my room ,like a thief? You appeared to be suspicious . " sumenyas si Jad sa mga bodyguards .


                                   Sa ginawa nyang pag senyas ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang biglang pagbago ng expression ng mukha ng dalaga. Nawala ang pagiging maamo nito.


                                    Lumapit ang dalawang bodyguards sa dalaga ngunit bago pa tuluyang mahawakan ay inatake na sila nito, she jumped and kicked the groin of the other then inupakan ang tagiliran ng isa pa, tumama ito sa ribs kaya namilipit ito sa sakit, hinablot nito ang baril sa tagiliran ng bodyguard nya at itinutok sa kanya. Itinutok rin ng tatlong bodyguards ang mga baril nila sa dalaga.Sa bilis ng mga galaw nito alam nyang na hasa ito sa martial arts.


                                  " I really mean no harm. " palipat lipat ang tingin nito sa kanya at mga nakatayong bodyguards nya. Ngunit ang baril ay nanatiling nakatutok sa kanya.


                                   " damn you Jad, " minura  ni Yashia ang lalaki sa isipan. Ni hindi man lang ito natinag sa ginawa nya .


                                   " Put that gun down " Nanatili namang  nakatayo si Jad ngunit mahigpit na nakahawak sa remote control.

  " I SAID PUT THAT GUN DOWN! " galit nyang sigaw sa dalaga. Hindi sya natatakot na itinutok nito ang baril sa kanya, mas natatakot sya na baka bago pa makalabit ng dalaga ang trigger ay humandusay na ito sa loob ng kwarto nya.

                                  Ibinaba ni Yashia ang baril sa sahig. Ngunit nanatiling nakatitig kay Jad. Hindi na sya pumalag ng dalhin sya ng mga bodyguards sa guestroom at ikinulong.

                                   Nang maramdamang inilock mula sa labas ang pinto, she pressed her watch. Matapos pindutin ang gilid ay automatic na naka connect na sya kai Diego.

" The DECEPTION "Where stories live. Discover now